TWELVE- NAGKITA MULI

2134 Words
"Manong, heto po ang bayad," abot niya ng bayad sa drayber ng huminto ang traysikel sa tapat mismo ng matayog na gate ng isang magarbong tahanan sa loob ng pribadong subdibisyon. Napailing-iling na lang siya talaga sa mga magulang sa pagiging palaasa nito sa kanya.Ultimo pasahe sa jeep kanina at ngayon siya pa ang nagbayad. Mabuti na lang ay may natira pa siyang perang binigay sa kanya ni Ate Bebang. Huling pera na lang niya ang ipinangbayad niya sa drayber ng traysikel.Sa isip isip niya papaano mamayang pag-uwi nila sino kaya ang magbabayad ng pasahe nila?Kakapalan niya na lang talaga ang pagmumukha niya sa amo ng tiyuhin niya mamaya na manghihiram siya ng pera at idagdag na lang sa pagkakautang nila. Total magtratrabaho rin naman siya sa amo ng tiyuhin ay lulubos lubusin niya na rin. Hindi lang pasahe ang pinoproblema niya sa ngayon pati ang pangkain at pangbaon ng mga kapatid niya sa eskuwela. Hindi niya mawari sa inay at tiyuhin niya kung kailan pa tumanda ay nagiging batugan na. Tila ba inaasa na lang lahat sa kanya ang mga gastuhin at mga obligasyon ng mga ito sa pamilya nila. "Ayusin mo nga iyang sarili mo Margo, nakabusangot na naman iyang pagmumukha mo," singhal sa kanya ng tiyuhin niya ng nasa harap na sila ng gate. "Tiyong, anong mali sa mukha ko eh,ganito naman talaga ako," ganti niya rin. "Ngumiti ka naman diyan para naman ganahan si boss sa iyo at pumayag na ikaw ang pambayad utang namin, abay ikaw na lang ang pag-asa namin kaya galingan mo ah," sulsol pa nito sa kanya. "Tumigil na nga kayo diyan, magbuzzer ka na nga Berting ng makapasok na tayo sa loob," sinunod naman ni tiyo Berting ang sabi ni inay Salve. Makailang buzzer pa ni tiyo Berting bago sila pinagbuksan ng guwardiya.Nakilala naman agad si tiyo Berting ng guwardiya kung kaya't ng kinausap niya ito ay pinapasok na sila sa loob ng gate. Isang modern villa house ang nabungaran nila sa gitna ng isang malawak na lupain na napupuno ng bermuda grass ang kalupaan nito pagpasok nila sa matayog na gate.Natitiyak niyang hindi lang mayaman ang boss ng tiyuhin kung hindi isang bilyonaryo. Natitiyak niyang milyon- milyon ang halaga ng isang napakalapad at napalaking villa na nakikita ng mga mata niya ngayon. Sa tanang buhay niya ngayon pa lang siya makakatapak ng ganito kalaking bahay. Natigil muna sila sandali sa kinaroroonan ng guard house dahil may tatawagan pa daw ang guwardiya upang sumundo sa kanila para dalhin sa loob ng villa upang kausapin ang boss. "Mang Berting, pakihintay na lang saglit, susunduin daw kayo ni Dory, siya ang maghahatid sa inyo kay boss, kanina pa daw siya naghihintay sa pagdating mo, Mang Berting," pahayag pa ng guwardiya na sa tingin niya ay nasa traynta anyos na o mahigit pa. Hindi rin nagtagal ay may dumating na nga ang babae na nakasuot ng pangkatulong na uniporme. Sinamahan sila nito sa paglalakad papunta sa loob ng villa.Hindi mawala-wala ang pagsilay ng paghanga niya sa mga dinaraanan nilang nagagandahang pagkakalandscape ng hardin. "Dito muna kayo, ako muna kakausap kay boss," sabi pa ng tiyo Berting niya ng makapasok sila sa loob at inuwestra sila paupo sa malapad na couch sa magarbong sala ng villa. "Sige po," saad niya bagamat may kaakibat na kabang nadarama, ang inay Salve niya naman ay panay ang ngisi na tumango at parang nananabik ring makapasok sa napakaengrandeng villa. "Inay, pumirmi nga kayo, mamaya niyan makasira at makabasag pa kayo ng gamit, eh, dagdag bayarin na naman natin," saway niya sa ina na panay pa rin ang pakikialam at hawak sa mga bagay sa loob ng sala na bago sa mga mata nito. "Naku, Margo, napakayaman pala ng boss ng tiyong Berting mo, ako pa sa iyo pikutin muna ng makatikim naman tayo ng ginhawa sa buhay," wala sa loob na saad ng inay Salve niya na parang napakadali lang ng pinapaggawa nito sa kanya. "Inay, ano po ba iyahang pinagsasabi mo? Baka may makarinig sa inyo, nakakahiya!!," awat niya sa ina. "Sus, huwag ka ng mag-inarte diyan, saan pa ba patungo itong ginagawa natin, doon na rin iyon!," walang pakundangang tabil pa ng inay Salve niya. Minsan kasi walang preno magsalita ang ina. Kahit ano lang naisipan nitong sabihin ay talagang ibubukang-bibig nito. Wala ka talagang matatagong sekreto sa kanyang inay Salve. Napabuntong-hininga na lang siya sa hindi maawat nitong bibig. Hindi nga maitatago ang karangyaan mayroon ang boss ng tiyo Berting niya, mayaman nga ito. Subalit hindi lang naman ang yaman ang sukatan ng paghahanap ng makakapareha sa buhay. Naniniwala pa rin siya sa tunay na pag-ibig. Ang dalawang nilalang na nagmamahalan ay may pagpapalang magbuklod para sa walang hanggang pagsasama. Ngunit, hindi na siguro niya mararanasan ang ganoong pag-ibig ng maisuko niya ang p********e sa isang gabing nangahas siyang magpakawala sa sarili. Sino pa ang iibig sa kanya at tunay na magmamahal kung wala na ang iniingatan niyang yaman, ang kanyang pagkadalisay. Tanging ang kanyang pagkabirhen lang ang tanging kayamanan na maipagmamalaki niya sa kanyang magiging asawa ngunit naipurnada niya lang sa isang estranghero. "Hoy, Margo, imbes ako ang binabantayan mo diyan, ayusin mo iyang sarili mo, lakihan mo iyang ngiti mo at siguraduhin mong maaakit sa iyo ang boss ni Berting, kung hindi ay sa kangkungan tayo pupulutin," singhal sa kanya ng inay Salve niya na umupo na rin sa katapat na couch sa kanyang puwesto. "Inay naman!!!," bigla siyang natahimik ng biglang dumating ang katulong sa harapan nila. "Sumunod po kayo sa akin, pinapatawag din kayo ni boss," tipid na sabi ng nakaunipormeng babae sa kanila at mabilis ding tumalikod kaya't napatayo na rin sila at sumunod sa katulong. Isang malapad na hallway ang kanilang binagtas pagdating sa dulo ay lumiko ito sa kanan at may biglang pinindot kaya't biglang bumukas at pumasok doon ang babae kaya napasunod na rin sila ng inay Salve niya. Hindi naman siya ignorante kaya't alam niya na elevator ang pinapatungan nila ngayon.May ganito din naman sa opisinang pinili niyang mag on-the-job training.Kaya lang mas magara at mas malapad ang elevator na ito na kakasya yata lima hanggang pitong sa loob. "Ting," biglang tunog ng evelator hudyat na dumating na sila sa palapag kung nasaan ang sinasabing boss ng tiyuhin niya. Mabilis ang mga kilos ng katulong na lumabas sa pinto ng elevator ng lumabas ito. Ilang metros pa ang kanilang binagtas bago napahinto ang katulong sa tapat ng sa isang tinted glass door. Hindi na ito kumatok pa at derederetsong pumasok sa loob kaya't nangangatog man siya sa nerbiyos ay kailangan niya ng lakasan ang loob. "Bahala na," sa loob-loob niya, hindi niya alam kung anong hitsura ng boss ng tiyuhin niya, kung matanda at panot na, hughugin, kulubot o bungi ba.Ang panalangin niya ay kahit ano pa ang hitsura nito ay kaya niyang pakisamahan basta't hindi lang maniakis at masama ang ugali. Nauna ng nakapasok ang kanyang inay Salve.Nakasunod lamang siya dito at pilit na ikinukubli ang sarili sa likod nito.Ang akala niya'y pansamantala pa siyang makakatago ngunit biglang tumabi sa gilid ang inay Salve niya at naiwan siya sa gitna ng silid at sabay na nagtama ang paningin nila ng lalakeng prenteng nakaupo sa swivel chair nito na biglang napangisi pagkakita sa kanya. "Ikaw?," gulat ngunit mahinang anas niya ng mapagsino ang gwapong lalakeng nasa harapan niya ngayon walang iba kung hindi ang estrangeherong naka one-night stand niya. HIS POV "Yes, no other!," malakas na tugon niya sa babaeng nasa harapan niya ngayon bagama't nakasuot lang ito ng simpleng kasuotan na pangmanang ay kilalang-kilala niya na ito mula sa hibla ng buhok at kalingkingan ng kuko nito sa paa. Napakabuti ng kapalaran sa kanya. Ilang araw na rin siyang walang mabuting tulog dahil sa babaeng nakatalik niya noong nagdaang araw. He was affected much na halos lage na lang ang maamong mukha nito ang nakikita niya sa kanyang balintataw. Plano na sana niyang kumuha ng detective upang hanapin ang babaeng nakaone- night stand niya sa kanyang condominium. Pinagtatanggal niya nga sa trabaho ang mga trabahante niya sa nasabing condo lalo na ang guwardiya sa kapalpakan nito na nakapuslit ang babae palabas ng gusali. This is his first time to get laid with a virgin woman. Nakakaadik pala. Nakakawala ng tuliro. Nakakabaliw. Sa tuwing naiisip niya ang makipot nitong lagusan ay napapaungol siya sa sarap. Ilang babae na rin ang naggalaw at nakaulayaw niya magmula ng malaman niyang iniiputan siya sa ulo ng kanyang long time gilfriend na si Andrea. Akala niya ay loyal at makapagkakatiwalaan niya ang kanyang syota.Halos limang taon na rin silang in a relationship at nagpropose na nga siya ng kasal dito noong isang taon ngunit nakiusap ang dalaga na eextend pa ang kanilang kasal ng dalawang taon dahil hindi pa daw ito handang magpakasal sa kanya. Bago lang kasi ito nag renew ng kontrata sa modelling agency nito sa New York kung saan nakabase ang fiancee. Tinanggap nga ni Andrea ang wedding proposal ngunit pinagpaliban naman nitong makasal sa kanya. Simula noon ay lumamig na ang kanyang pagsintang nararamdaman sa nobya. Mahal niya si Andrea at suportado niya ang mga pangarap pa na marating nito sa buhay kaya't nagpaubaya siya. Ngunit hindi siya natatahimik sa tuwing magkalayo sila ng nobya lalo ng madalang na silang nagkakausap dahil abala ito sa magkabilaang modelling shows and commitments nito. Siya naman ay abala rin sa pagpalago ng kanyang negosyo. As the only heir of his family real estate and condominuem businesses kayang-kaya niyang buhayin si Andrea at ibigay dito ang karangyaan. He can make her a queen basta't nasa tabi niya lang ang syota. Maraming beses na rin may nangyayari sa kanila ni Andrea ngunit aaminin niya sa sarili hindi na ito birhen ng makuha niya ito.Inamin din ng dalaga na ikatatlo na siyang lalakeng dumaan sa dalaga. Tanggap niya naman lahat sa dalaga dahil mahal na mahal niya si Andrea ngunit may kumalat na larawan ni Andrea na may kasamang lalake na nagpaahon ng kinukubling pagdududa sa nobya. Kaya't pinaimbestigahan niya ito at nakumpirma nga niya ang totoo na niloloko siya ng fiancee niya. May iba nga itong karelasyon na modelo rin na British national sa New York. Kaya niyang tanggapin ang nakaraang karanasan nito sa mga lalake pero ang lokohin siya habang sila pa ay iba ng usapan. Doon na siya magsimulang magloko rin at eenjoy ang kanyang bachelor life. He has everything, money, power, good looks at hindi naman matatawaran sa laki ng kanyang kargada dahil may lahi din naman siyang foreigner. Half- Canadian at half-Filipino siya. Ang mama niya ay isang Filipina at and dad niya ay isang Canadian. Nag-iisa lang siyang anak dahil after five years ay naghiwalay din ang kanyang mga magulang dahil sumama sa iba ang kanyang mama. He was left with his dad na umaruga sa kanya at humubog sa kanya upang maging isang matinik at maunlad na negosyante. Hindi na muling nag-asawa ang dad niya at inabala na lang ang sarili sa pagpapalago ng kanilang negosyo.Ngunit kung kailan na rumetiro na ito at ipinasa na sa kanya ang mga negosyo nila ay inatake naman ito sa puso na naging dahilan ng maagang kamatayan nito. His dad left him with a vast properties and businesses five years ago. Wala naman silang malapit na kamag-anak o anak sa labas ang dad niya, kaya siya lang ang natatanging tagapagmana ng lahat ng ari-arian nito. Parehas lang sila ng naging kapalaran ng dad niya pagdating sa pag-ibig. Nagmahal lang sila ngunit niloko rin sa huli. Ang pinagkaiba lang ay hindi na muling umibig pa sa iba o naghanap ng panandaliang ligaya ang kanyang dad pero siya ay naging matinik at marahas sa pakikipagtalik sa iba't ibang kandungan ng mga babaeng nakikilala niya. "You!!!!," umalpas ang ngisi sa kanyang labi habang titig na titig sa maamo at walang kaarte arteng mukha ng babaeng nasa harapan niya. "Boss, kilala mo ang anak ko?," singit ni Berting ang dati niyang drayber na pinatalsik niya sa trabaho dahil sa pagnanakaw ng salaping ipapadeposito sana niya sa bangko. Isang tikhim ang ginawa niya bago ibinaling ang tingin niya kay Berting na naghihintay pa rin sa sagot niya.Sumilay muli ang ngiti sa labi niya. Kanina lang ay nakikipagtalo pa siya kay Berting dahil hindi daw nito kayang bayaran ang salaping ninakaw nito ngunit may iba daw itong paraan kung paano siya mababayaran.Mukhang alam niya na kung sino ang ipangbabayad nito. "Siya na ba?," maotoridad at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Uhmn...oho boss, siya nga," agad na tugon nito kaya't ibinaling niya muli ang tingin sa dalaga na ngayon ay nakadungo lang at nakatingin sa mga magkasiklop na mga daliri nito, he can't help to smile evilly of the coming days that he will be in ecstacy all day he wants with this simple yet alluring lady in front of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD