TWO- BESHYWAPZ

1470 Words
HER POV "Beshie, wala talaga din akong maitulong sa iyo, alam mo naman poorness din itong beshywapz mo, pero may alam akong paraan upang gumaan iyang pakiramdam mo," mungkahi pa sa kanya ni Donna ang kanyang kababatang kaibigan. "May igagaan pa ba sa nararamdaman ko ngayon,Don, sa tingin ko wala hangga't hindi ako makakahanap ng ibang paraan upang hindi ako tuluyang maging pambayad utang ng tiyuhin ko," palatak niya. "Beshie, naiintindihan kita, naku, kasi iyang tiyuhin mo may tinatago din palang masamang ugali, biruin mo ikaw pa itong naisipang gawing pangtapal sa utang niya, eh, hayaan muna lang kayang mabulok sa kulungan ng magtanda," suhestiyon pa ni Donna. "Kung puwede lang sana, beshie, pero paano naman ang kinabukasan ng mga kapatid ko?paano na si inay at pamilya namin kung makukulong si tiyo Manuel," sabi niya pa. "Haler, beshie, naririnig mo ba iyang sarili mo, so ibig sabihin pala niyan ay pumapayag ka na sa gusto nilang mangyari sa iyo, tandaan mo beshie, wala ng atrasan iyan kapag pumayag ka ay magiging pag-aari ka na ng boss ng tiyuhin mo, ang sabi mo pa ay mahilig daw iyon sa mga birheng mga babae, naku, beshie, lagot na iyang iniingatang mong perlas pihadong wasak iyan," mahaba pa nitong sabi. "Iyang bunganga mo talaga Donna napakahalay, at sa tingin mo hahayaan ko iyong mangyari, mamatay muna ako bago ko ipagkanunulo ang aking sarili, ngayon pa talaga na abot kamay ko na ang tagumpay ito nangyari, basta't hahanap ako ng paraan para mabayaran ang utang ni tiyo Manuel," mariin niyang sabi. "Aber, sige nga saan ka hahanap ng three hundred thousand pesos ngayon mismo? eh, kahit singkwenta pesos nga wala ka if I know yon kita mo sa paglalabada at pagtitinda ayon inubos munang pabaon sa mga kapatid mo," parang sinong marites na nagtatalak ang kanyang kababata na kung hindi lang niya kilala at kaclose ay kanina niya pa gustong lapirutin ang pisngi dahil sa inis niya dito kung kampi ba ito sa kanya o gusto na nitong mapurnada ang kanyang perlas. "Kasi naman Don, ayaw ko naman magutom iyong mga kapatid ko, alam mo na man ang buhay estudyante kain lang ang panglaban hindi ba?" ganti niya pa. "Oo na alam ko na, mahal mo lang kasi ang mga kapatid mo kaya pati sarili mo pinapabayaan mo na, tingnan mo nga iyan sarili mo,kadalaga mong tao wala ka man lang kaalam alam ng bagong fashion trend, ewwww... iyang damit mo, ang chaka beshie, pinaglumaan pa yata iyan ng inay Salve mo iyang palda mong pangmanang," hindi magkamayaw na untag ng kababata sa kanya. "Oi graveh ka naman, ano naman ang mali sa damit ko? kailan ka pa naging concern sa hitsura ko? Hindi na bale Don na hindi ako nakakasunod sa mga usong damit ang importante ay nakakatulong ako sa mga kapatid ko, alam muna naman na sila ang priority ko sa buhay," ganti niya rin. "Malaking mali na pabayaan mo ang sarili mo beshie, sige na okay na akong tulungan mo ang mga kapatid mo pero magtira ka naman para sa sarili mo, paminsan-minsan magsaya ka naman at magtira ka para sa sarili mo," wika pa ni Donna. "Beshie, alam ko naman iyon pero mas mahalaga talaga ang kapakanan ng mga kapatid ko sa ngayon, kakayanin ko lahat ng hirap mabigyan ko lang sila ng magandang kinabukasan,"matapat niyang sabi. "Oo na beshie ikaw na ang nagwagi sa pagiging ulirang ate ever, pero besh seryoso ano na ang desisyon mo? you are running out of time, kailangan munang pumili perlas mo o kapakanan ng pamilya mo?" untag pa ni Donna. "Hindi ko talaga alam Don, litong-lito pa talaga ako, haist... maskin nga pamasahe wala ako, eh, paano naman kasi nawalan na ako ng ganang kunin ang mga kakanin sa supplier ko dahil sa isiniwalat na problema nila inay," desperada niyang sabi. "Hay naku, beshie, siguro mabuti pa samahan mo ako mamayang gabi magwalwal naman tayo, akong bahala sa iyo, eselebreyt naman natin ang napipinto mong graduation, ibigay muna iyan sa sarili mo," nakangiting suhestiyon ni Donna. "Ano naman iyang naiisip mo Donna? alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan, huwag na okay na ako dito magpalipas ng sama ng loob," angal niya sa kababata. "Napakakill joy mo naman beshywapz, ngayon lang naman kasi wala akong kasama magbar hopping, may importanteng lakad kasi si boyfie, sige na para naman mawala kahit sandali iyang problema mo," pang-iingganyo pa ni Donna. "Hay naku, Don, huwag mo na ako isama diyan dahil hindi naman ako umiinom ng alak," tanggi niya pa. "Iyon na nga beshie, subukan mo kayang magliwaliw paminsan-minsan lalo na ngayong nalilito ka kung ano ang magiging desisyon mo sa problemang pinasa sa iyo ng magaling mong tiyuhin, live a life beshie!" turan pa ng kababata. "Hay naku, beshie, huwag muna nga akong pilitin diyan isa pa wala akong isusuot, mabuti pa nga itulog ko na lang itong problema ko baka sakaling paggising ko may maisip na akong mabuting solusyon," awat niya sa kinakapatid sa pamimilit nito sa kanya. "Basta beshywapz mamaya isasama kita sa ayaw at gusto mo," pilit pa ng kaibigan na hindi niya pinakinggan dahil humiga na siya sa hindi kalakihan na kama nito sa maliit nitong silid. Kasalukuyan kasi siyang nasa bahay ng kababata matapos niyang umiyak ng umiyak sa kuwarto niya.Naisipan niyang kausapin si Donna at humingi ng tulong ngunit wala din siyang nahita dahil pareho lang din sila na estudyante pa lamang at umaasa pa rin sa mga magulang. Ngunit kung siya any masipag maghanap ng raket na pagkikitaan, ang kababata naman ay liwaliw lang ang alam na gawin.Palibhasa ay nag-iisa lang itong anak ng mga magulang nito.At lagi din wala sa bahay ng mga ito ang mga magulang ni Donna dahil may maliit itong sakahan sa bukid. Umuuwi lang ang mga ito tuwing sabado at linggo at madalas nasa bukid inaasikaso ang mga hayop at taniman nila.Masisipag ang mga magulang ni Donna.Naisip niya kung siya ang naging anak ng mga ito ay suguradong tutulong siya sa mga gawain sa bukid. Si Donna kasi ay walang hilig sa buhay bukid.Modern Filipina ang tipo ni Donna.Isa sa hilig nito ang magbar hopping at gumala sa mall na hindi niya naman hilig.Ngunit ganoon pa man kahit na magkaiba ang kanilang hilig ay malapit sa isa't isa ang turingan nila. Maaasahan niya kasi palagi si Donna kung may hinihiling siyang tulong.Mapagbigay at maalalahaning kaibigan at kababata si Donna kaya't malapit ito sa kanyang puso.Si Donna ang tinuturing niyang matalik na kaibigan na puwede niyang pagsabihan ng kanyang mga sekreto at problema. Hindi niya pinakinggan ang mga pinagsasabi ng kaibigan dahil ginupo na siya ng antok.Hindi rin siya nakaramdam ng gutom dahil mas nangingibabaw sa puso at isipan niya ang pangamba at takot sa maaaring kahihinatnan niya kung saka sakaling hindi sila mahananap ng perang ipambabayad sa boss ng tiyuhin niya. Nagitla na lamang siya ng pagkaggising niya ay iba na ang kasuotan niya.Pakurap kurap pa siya ng kanyang mga mata kung baka nanaginip lang siya at namamalik-mata lang siya.Pag-angat niya niya ng paningin ay natunghayan niya na lang ang kababata na nakapostura na at nasa harap ng salamin naglalagay ng make-up sa mukha. "Don, anong oras na ba?napasarap yata ang tulog ko, bakit nakasuot na ako ng ganito, anong ginawa mo sa akin Don?" anas niya sa pilyang kababata. Ang tagal mo kasing maggising, iyan tuloy napilitan na lang akong bihisan ka at koloretehan iyang peslak mo," naaaliw na sabi pa ni Donna. "Ano ka ba sabi ko na hindi ako sasama sa iyo, isa pa magluluto pa ako, Don, iyong mga kapatid ko wala pang kain, baka hinahanap na ako nila inay at tiyo Manuel," nag-alalang sabi niya pa. "Hep, hep, beshywapz, ipinaalam na kita kay Angel, pumunta siya dito kanina, pero tulog ka, ang sabi ko may lakad tayo ngayong gabi at ipinaabot ko sa magaling mong ina at tiyuhin na maghahanap ka ng pera," turan pa nito. "Kahit pa hindi pa rin ako sasama sa iyo, besh, saan na ba iyong mga damit ko? pambihirang babae ka paano mo naggawang bihisan ako!" palatak niya pa. "Eh, paano nga kasi tulog mantika ka, eh, iyon para lang akong nagbihis ng manika...heheeh..peace na friend, sige na samahan muna ako, ngayon lang naman ito, promise hindi na kita kukulitin sa susunod, okay?" untag pa ng kababata. "Ahmnn... sige na nga, basta ba ikaw ang gumastos ha dahil wala akong pera," saad niya na ikinahiyaw ni Donna. "Yehey!!! Ayos beshywapz walang problema, ako bahala sa iyo, sige na tayo na diyan at aayusan pa kita," excited na sabi pa ng kababata. Wala na nga siyang lusot sa kababata.Minsan lang naman humiling ang kaibigan kaya't pagbibigyan niya na dahil sa dami ng naitulong sa kanya ni Donna ay hindi niya na alam kung papaano gagantihan ang kabutihan na napapala niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD