HER POV
"Ahmmm... besh, sigurado kang okay lang itong suot ko? Halos luwa na ang kaluluwa ko nito sa iksi ng palda at itong tube top hormado ang laki ng dibdib ko," busangot na sabi niya ng bumaba na sila ng sinasakyang taxi.
"Okay lang yan besh, sus kung ako lang ang biniyayaan ng Diyos ng ganyan kalalaking dibdib, talagang araw arawin ko ang pagrarampa ng mga sexy na damit, kailan ka pa magsusuot ng ganyan kung kulubot na iyang balat mo?" turan naman ng kababata.
"Eh sa hindi ko talaga carry eh, atsaka para tayong mga pokpok sa ayos natin ngayon, tingnan mo nga iyang suot mo rin," angal niya pa.
"Beshywapz, pokpok na agad? Pwede bang fashion trend lang iyan ngayon, hindi lang tayo ang nakasuot ng ganito kasexy at daring, pagpasok natin doon sa loob hindi na tayo mapapansin sa dami ng pareho natin na ayos at mas malala pa nga," mahabang paliwanag pa ng kaibigan.
"Talaga ba?" inosente niyang turan dahil hindi talaga siya mapakali sa napakaseksing damit na pinasuot sa kanya ni Donna at ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nakapasok ng disco bar at uminom ng alak.
"Oo at huwag ka ng umangal pa halikana at excited na akong magwalwal sa loob, naririnig ko na ang tugtog sa loob, ayieh!" bunghalit pa ni Donna na hinila na siya palakad papuntang loob ng bar.
Wala na nga siyang naggawa sa paghila ng kamay niya ni Donna. Ang isang kamay niya naman ay panay takip niya sa kanyang dibdib upang hindi siya mabusuhan. Kadiliman, mausok at nagsasayawang disco lights ang unang bumungad sa kanya sa loob ng bar.Buti na lang ay hawak siya ni Donna kung hindi ay baka nagsisigaw na siya dahil takot siya sa dilim.
"Whoah! Ayieh! ang saya saya ko talaga ngayon besh, yeeehhhh... wohoooo!!!!," hirit pa ni Donna na parang nakalabas na sa hawla dahil hindi pa man ito nakakainum ng alak ay parang lasing na kung kumilos na di umano'y kiti-kiting hindi makapirmi.
"Hoy, Donna! Umayos ka nga! Ano ka ba?," saway niya sa kaibigan.
"What? Haist, relax besh nandito na tayo, chill chill na!" turan pa nito.
Halos hindi na sila magkarinigan pagdating nila sa loob ng bar dahil sa lakas ng tugtugin at sa dami ng taong nagkakasayahan at nag-iinuman.Ang iba ay nasa gitna na ng dance floor at halos magkadikit na ang mga katawan sa pagsasayawan.Totoo nga ang sinabi ng kababata na halos ang seksi at sobrang luwa na ang kaluluwa ang mga suot ng mga kababaihan sa loob ng bar.
Sumunod na lang siya sa kaibigan ng tumungo ito sa bar counter at hinarap ang barista upang mag-order ng inumin.Tumabi na rin siya dito sa bakanteng high chair at minasdan ang paglagay ng alak ng barista sa kanilang shot glasses. Hindi niya pa rin inaalis ang kanyang kamay sa kanyang dibdib dahil hindi niya pa rin carry ang magpaseksi.
"Cheers beshy, ubusin mo ito," sabi pa ni Donna habang inaabot nito sa kanya ang shot glass na may lamang alak na pinaghalo-halo ng barista.
"Ehhhhh.... besh, pwede bang past muna ako sa inuman, hindi ko talaga carry atsaka puwede umuwi na tayo nag-alala na ako sa mga kapatid ko," turan niya sa kaibigan.
"Haler....kaloka beshywapz, kararating lang natin, hindi pa nga umiinit ang puwet ko sa kauupo, uwi na agad," angal pa ni Donna.
"Ka-si....," naghahanap pa siya ng maiidugtong na sasabihin ng umapila ang kababata.
"Haist, loosen up beshy, mag enjoy na lang tayo ngayon, huwag mo munang isipin iyang mga stress sa buhay, sige na inumin muna iyan sure ako pagnatikman muna ang alak hihingi ka pa ng isa, best cocktail drinks nila iyan dito para sa firt timers," wika pa nito.
Nagdadalawang- isip man ay pikit- mata niyang inilapat sa kanyang labi ang shot glass at tinungga ang alak. Lasa at amoy palang nito ay iba na ang hatid nitong pakiramdam sa kanya lalo na ng dumaloy ang alak sa kanyang lalamunan.
Para siyang masusuka sa pinagsamang pait at tapang ng lasa nito. Estranghero pa sa kanya ang lasa nito kung kaya't napaubo siya ng malakas. Mabuti na lang ay to the rescue ang kaibigan at hinimas himas ang kanyang likod.
Pagbukas niya ng kanyang paningin ay dalawang pares ng mga matang seryoso at kuryosong nakatitig sa kanya.Maitim at matiim ang bawat hagod nito sa kanya kaya't agad siyang nagbaba ng tingin dahil hindi niya matagalan ang kung sino man ang nagmamay-ari ng mga matang iyon.
Sa isip niya ay baka guni-guni niya lang at dala lang ng epekto ng alak ang nakita niya. Pakiramdam niya may mga mata pa ring nakatitig sa kinaroroonan niya ngayon. Ngunit agad niya ring sinupil ang pakiramdam na iyon at binaling ang paningin sa hawak na shot glass na wala ng laman.
"Ayieh! Beshy, galing mo! One glass down na, more to go, kaya mo pa ba? Ano masarap ba?" usisa pa ni Donna.
"Beshy, ang tapang sa lalamunan, ayaw ko na! puwede na iyong isa baka hindi na ako makatayo at lakad pauwi sa kalasingan!" hirit niya.
"Two glass more please!" rinig niyang senyas ni Donna sa barista ng ibinaling niya ang tingin dito.
"Don, ayaw ko na talaga, sumayaw na lang kaya tayo!" pakiusap niya sa kaibigan dahil ayaw niya talaga mawala sa sarili sa estranghero lugar na kinaroroonan niya ngayon.
"Sige ba," agad na sagot ni Donna na tumayo na at nagsimula ng ikendeng ang katawan.
"Puwede bang dito na lang tayo sumayaw huwag na sa dance floor, siksikan na doon!" mungkahi niya sa kaibigan.
"Mas cool doon besh, halina ka na, whowhowhooo...," hiyaw pa ni Donna na umiindak na habang hila hila siya patungong dance floor.
Dahil sa pagmamadali ni Donna na makarating sa dance floor ay nabitiwan siya nito.Mabuti na lang ay nasubsob siya sa matigas na bagay na hula niya ay pader at nakakapit siya doon.Madilim ang paligid at siksikan na ang mga tao.
Ngunit ang pader na akala niya ay hindi pala dahil parang may mainit init na sensayon mula roon na kumukuryente sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.Napapitlag siya ng may dalawang matitipunong braso ang yumakap sa kanya ngunit huli na upang umiwas pa siya dahil tila ayaw na siyang bitiwan nito sa higpit ng pagyakap ng sinumang mapangahas na estranghero sa kanya.
"Careful, babe, uhmnn.. you smells so good...," rinig niyang anas ng estranghero na pang-angat niya ng tingin ay nakasalubong na naman niya ang mga maiitim na mga matang tila hinihigop lahat ng lakas niya.
"Ahmn... Mr. Stranger, please bitiwan mo ako, psst....," anas niya na pilit na makawala sa pagyapos nito sa kanya dahil nababadya niyang tila nanghihina na siya sa lakas ng dating ng estrangherong lalake kung hindi pa rin siya nito bitiwan.
"Easy babe, I am just protecting you from the wild beasts here, c'mon, I will take you to your seat," sabi pa nito na inuwestra na siya pabalik sa kanyang inunukupang upuan kanina.
Akay-akay na siya nito ng lumingon siya sa likod niya upang hanapin ang kaibigan ngunit dahil sa dami ng taong nagsasayawan ay hindi niya na makita si Donna.She is helpless. She don't know what to do gusto niya ng umuwi at makaalis sa lugar na sa tingin niya ay mapapahamak siya ngunit paano kung tangay at bantay sirado na siya ng estrangherong lalake ni sa panaginip ay hindi niya na naisip na mangyayari.