HER POV
"Ahhh bitaw please...bit- aw -an mooo ko," garalgal na sabi niya dahil unti-unti na siyang kinakapos ng hininga dahil sa matinding kaba na dulot ng pagkakulong niya sa matipunong bisig ng estrangherong lalake na umaakay sa kanya dakong hindi niya alam.
"Easy babe, whoah.... here we are! Now, you can seat comfortably," komento nito matapos siyang paupuin sa pang-isahang couch seat malayo sa dance floor.
"Sa- la-mat pe-ro hin-di hini-hintay na a-ko ng ka-i-bigan ko," putol-putol niyang sabi dahil unang beses pa lang sa tanang buhay niya ang mapag-isa kasama ang estranghero.
"Don't worry about your friend, babe! I got you, your in a safe hands with me, hindi naman ako nangangagat kaya relax lang, here have some drinks!" rinig niyang sabi nito ngunit hindi niya maggawang tumitig sa mukha nito dala ng kaba.
"Hindi ako umiinom," sa wakas ay deretso niyang wika.
"Whoah.... really? I have seen you awhile ago drinking that cocktail drinks and as a matter of fact that one is much stronger than this, you better taste it for yourself, huh?" paanyaya pa nito.
"Ahmmmnnn... excuse me, Mister!!!! Hindi talaga ako umiinom napilitan lang talaga ako dahil sa kaibigan ko!" turan niya pa.
"Then, just one glass puwede muna man siguro akong pagbigyan?" ganti naman nito.
"Hindi talaga, Mister, pasensiya na, I have to go," tanggi niya pa.
"Alright, here is a deal, just one glass and you are free to go! Deal?" determinado nitong sabi.
"Si-ge," maiksi niyang pagtugon dahil gusto niya na talagang lisanin ang bar at bahala na si Donna sa buhay nito basta makawala lang siya sa estrangherong lalake na hindi niya pa tuluyang nakabisado ang mukha nito.
"Good! Here, take one shot!" abot nito ng isang shot glass na may lamang alak.
Walang pag-alinlangan niyang dinala sa kanyang labi at inisang lagok ang laman ng shot glass. Ganoon na lang ang mangha niya ng dumaan ang inumin sa kanyang lalamunan na may hagod ng kakaibang kiliti at sarap.
Nakakaadik at nakakapanabik ang kakaibang lasa nito may halong tamis, mint at pait na sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang niya natikman. Hindi katulad ng alak na pinainum sa kanya ni Donna kanina na matapang at talagang nasuka siya at hindi niya na naiisipin pang lumagok ngunit.
Ngunit ang alak na pinainum sa kanya ni Mr. Stranger ay tila pinakamasarap na inumin na gugustuhin niya pang balik-balikang inumin.
Tila din uminit bigla ang kanyang pisngi na nakahatid sa kanyang kumpiyansang iangat ang paningin at salubungin ang matiim at maitim nitong mga mata na nakatunghay sa kanya.
"So what do you think, does it tastes bad?" the stranger in front of him looks so handsomely gorgeous with an enigmatic eyes devouring her inner soul.
"Uhmnnn...ahhh... masarap puwedeng pahingi pa!" walang kime niyang sabi.
"Ohhhh my..... yah...yah.... good!" isang ngisi ang pinakawalan ng estranghero na nagpakita ng pantay na pantay nitong mga ngipin at tiyak niyang mapuputi ang mga ito kahit madilim at tanging disco lights ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng bar.
"Thanks," tipid niyang turan dahil tila hinihigop ng estrangherong lalake ang lakas niya na nakakapanghina ng mga kalamnan niya.
"Wait here, babe, I will be right back," agad nitong sabi at mabilis na naglakad na sa tingin niya ay sa bar counter ang tungo.
Sa kanyang pag-iisa ay doon pa lang nagsink- in ang lahat sa kanya.How can she give in easily to the stranger's offer of some drinking spree. Isang tungga lang ng isang basong alak lang ang hiniling niya upang makaalis na ay heto siya ngayon at humirit na makahingi pa ng alak.
Ano ang pumasok sa kukuti niya at walang hiyang inamin na rin na easy to get siya? Siya na mismo ang nag- initiate na gusto niyang makainuman ang estranghero sa paghiling niyang gusto pa niyang uminom muli. Nakakahiya at hindi kanaais- nais ang ginawa niya.
Nilibot niya ang kanyang paningin.Nasa may bandang dulo pala siya ng bar.Madilim ang bahagi ng bar kung nasaan siya.Kahit magsisigaw siya ay tiyak na walang makakapansin sa kanya.Kaba ang umusbong sa kanya.
Hindi pa naman siya tinatamaan ng espiritu ng alak kung kaya't nakakaisip pa siya ng matimo.Kailangan niya ng makaalis dito dahil tiyak niyang kapag dumating na ang estrangerong lalake ay hindi na siya makakatakas.
Bahala na ang kababata niyang si Donna kung nasaan na iyon basta't ang importante ay makalayas siya sa napipintong kapahamakan. Hindi puwedeng magkasarilihan sila ng lalake lalo na at baka malasing siya at baka makaggawa pa siya ng isang bagay na pagsisihan niya habang buhay.
Inayos niya ang kanyang sarili at buong lakas na kinumbinsi ang sarili na tumayo na sa kinauupuan at bilisan ang kilos upang hindi maabutan ng estrangherong lalake.Ngunit huli na dahil ihahakbang na sana niya palakad ang kanyang mga paa ay bumungad sa kanyang harapan ang lalakeng gustong iwasan.
"Where do you think you are going babe?" mahina ngunit may diin na sabi nito na may bitbit na ng isang bote ng alak na hindi pamilyar sa kanya.
"Ahmmmm.... ehhhhh.... magbabanyo lang sana ako, huh!" natataranta niyang sabi ngunit pilit lang na kinakalma ang sarili upang hindi ito makahalata,
"I will go with you, tara!" nilagay nito ang bote ng alak sa lamesa at inakay na siya palayo.
Wala na nga talaga siyang kawala sa lalakeng ito. Kung bakit kasi may pahingi- hingi pa siya ng alak ayan tuloy dinalhan na siya ng isang bote nito.Ang malala pa ay tila sa kaibuturan ng kanyang puso ay nagugustuhan niya rin ang pagkakalapit nila ng lalakeng estranghero.
"Go inside, I will wait for you here," prenteng sabi ng lalake na isinandal pa ang likod sa gilid ng pinto ng banyo.
"Ahmnnn... o-kay, thanks!" ang tangi niyang nasabi at binuksan na ang pinto at pumasok sa loob ng banyo.
"Margo ano na? s**t ang tanga tanga mo, paano na ito ngayon!" desperadang anas niya sa sarili.
Hindi naman siya naiihi o natatae ngunit parang pinagpapawisan siya ng husto. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng banyo ng mga babae.May malapad na salamin sa tapat ng wash sink. May apat din na pinto na sa tingin niya ang mismong separate na toilets.
Biglang bumukas ang isa sa mga pinto at iniluwa doon ang kaibigan niya.Ganoon na lang ang galak niya ng makita si Donna at least may rason na siya ngayon upang makawala sa estrangherong lalake.
"Beshywapz, oi, saan ka ba nanggaling? kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo," turan pa nito.
"Ehhhh kasi iniwan mo, hinanap din kita," ganti niya.
"Di bale, mabuti at nakita na kita dito, ito oh," abot nito sa kanya ng pera.
"Ano ito?" taka niyang sabi.
"Siyempre pera, pasahe mo! Maauna na ako sa iyo, besh! si boyfie nasa labas, naku, hindi nakatiis umuwi agad, magdedate daw kami, haist madidiligan na naman ang kempay ko nito!" maarte nitong sabi na humarap na sa salamin at pinasadahan ng retouch ang make-up nito.
"Ano? Iiwan mo ako dito?" reklamo niya.
"Besh, kaya nga binigyan na kita ng pasahe pauwi, carry mo naman sigurong umuwi mag-isa? Hindi ba?" may diin na sabi pa nito.
"Pe-ro besh, puwede naman sigurong sumabay na lang ako sa inyo ng boyfriend mo?" agad niyang agap.
"Naku besh, hindi puwede may lakad pa kaming iba, magtaxi ka na lang pauwi atsaka baka gusto mo pang magliwaliw dito sa loob, the night is young baka mahanap mo dito ang kasagutan sa problema mo," paliwanag pa nito.
"Pe-ro besh,... ," makikiusap pa sana siya pero inunahan na siya nito.
"Sige na besh, babush!!! Kita na lang tayo mamaya.... ah eh.... bukas, okay?" nagmamadali nitong sabi at tuluyan ng lumabas ng banyo.
Naiwan siyang mag-isa sa loob ng banyo.Wala na nga siyang takas sa lagay na ito. Nagpakawala siya ng sunod- sunod na malalim na hininga. Hindi siya papatalo sa pagsubok na ito.Kay dami niya ng hirap na naranasan at napagdaanan, ngayon pa ba siya susuko?
Tama nga si Donna. This is her night.Pagbibigyan niya ang sarili niyang sumaya at mawala sa katinuan kahit isang gabi man lang ay malimutan niya ang kanyang mga problema.Pagkatapos ng gabing ito ay haharapin niya na ang katotohanan na ipinagkanulo siya ng sarili niyang pamilya.
Oo nga at suportado ng amain niya ang kanyang pag-aaral at binuhay siya nito kasama ng kanyang ina at mga kapatid ngunit hindi niya naramdaman mula sa amain ang kalinga ng totoong ama.
Lahat ng bagay na gugustuhin niyang maabot ay pinaghihirapan niya at pinagtratrabahuan. Bata pa lang ay batak na batak na ang hapis na batang katawan niya sa gawain. Siya ang katuwang ng ina niya sa pagbabantay ng kanyang mga nakakabatang kapatid dahil hindi gusto ng amain niya na hindi pagsilbihan ng ina niya ang amain niya palagi.
Samantalang nagkakasarapan ang ina niya at amain niya ay siya naman ang kampay niya sa pagmamadaling matapos ang mga gawaing bahay habang nagbabantay ng dalawang maliliit na kapatid.
Wala pang isang taon si Angel ng mga panahong iyon samantalang si Jerry ay dalawang taon pa lamang. Siya naman ay anim na taong gulang pa lang ngunit siya na ang madalas na nagbabantay sa mga kapatid niya tuwing kinukuha ng amain niya ang oras ng kanyang ina.
Hindi nga siya nakapag-aral ng grade 1 agad dahil walang maghahatid sundo sa kanya sa eskuwela ng mga panahong iyon.Kung hindi niya pa pinilit ang ina. Nakapag-aral nga siya ng sumunod na taon pa ng matuto ng maglakad si Angel at puwede ng isama sa eskuwela.
Nagpakawala siya ng buntong- hininga at pinasadahan ang kanyang hitsura sa salamin. Halos hindi niya makilala ang babaeng nasa harapan niya.Hindi siya makapaniwala na may itinatago pala siyang ganda.
Hindi totoong hindi niya gustong mag-ayos at magpakadalaga ng gawi. Sadya lang talagang hindi niya na binigyan ng pansin pa ang kanyang pisikal na hitsura sa araw-araw na ginawa ng Maykapal.
Mas mahalaga sa kanya kasi ang malagyan ng laman ang sikmura ng kanyang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang mga kapatid. Kahit malakas minsan ang kita niya sa kanyang mga raket ay mas pinipili niyang ibigay na lang sa mga pangangailangan ng mga kapatid kaysa sa kanya.
Sapat na sa kanya ang makapagligo at makapagbihis ng malinis na damit.Basta ba desente at hindi nakakatawag ng pansin, mumurahin man o pinaglumaan na ang disenyo na galing sa ukay-ukay ay okay na okay na sa kanya.
Kahit pulbos o lipstick ay wala siya. Kaya nga sa kanilang on the job training sa kanyang kurso ay madalas lang siyang humihiram sa kanyang kaklase ng pampahid sa mukha doon na mismo sa opisina niya humihiram. Mabuti na lang at mabait ang mga ito sa kanya at hindi nagtagal sa kakahiram niya ng kolorote sa mukha ay binigay na lang ito sa kanya.
Ngunit ginagamit niya lang ang mga ito sa training lamang.Pagkatapos ng training niya sa opisina ay mas gusto niya pang walang pinapahid sa mukha. Pakiramdam niya kasi parang nangangati ang kanyang balat at kumukapal ang kanyang labi kung papahiran niya ng lipstick.
Isang pasada muli sa salamin ang kanyang ginawa bago nagdesisyon na lumabas ng banyo.Sunod-sunod na rin ang mga babaeng bar goers na pumasok ng banyo kaya't pakiramdam niya'y masikip na sa loob.
"I thought you fell asleep inside, papasukin na sana kita!" he said impatiently in front of him when she opened the door wide.
"Hindi naman marami kasing nakauna," anas niya.
"Let's go," sabi pa nito at inakay na siya pabalik ng puwesto nila.
Pagbalik nila ay pinaupo siya nito sa couch at tumabi na ito sa kanya. Ilang pulgada lang ang layo nito sa kanya kung kaya't amoy na amoy niya ang panglalakeng pabango nito na nakadagdag ng kakaibigang init sa kanyang kaibuturan. Pakiramdam niya pati ang kanyang pinakamaliit n balahibo sa balat ay nagsisitayuan sa presensiya ng estrangherong lalake na nasa kanyang tabi.
"Ahmnnn.... ah... Mis-ter, wait... ahhmnnn... excuse me lang sana pero parang nagbago na ang isip ko, salamat talaga sa alak na dala mo pe-ro kailangan ko na talagang umuwi, pasensiya na talaga, sa ibang araw na lang, ha, sige aalis na ako," mahaba niyang litanya bago tumangkang tumayo ngunit mabilis siyang nahila pabalik sa upuan ngunit ganoon na lang ang kaba ng dibdib niya ng humantong siya sa kandungan ng estrangherong lalake.
"Don't you want to be alone with me, babe, just for tonight, huh?" mapangahas na sabi nito pagkatapos ay sinapo ang kanyang baywang at dinilaan ang kanyang kabilang taenga.
May kakaibang kuryente ang dulot ng pagdampi ng dila ng estranghero sa kanyang taenga na nakapagpakawala ng kanyang mahinang halinghing. Graveh ang epektong hatid ng estrangherong lalakeng ito sa kanya na nakakawala ng kanyang matinong pag-iisip.
Sinisigaw ng kanyang matinong isipan na peligro ang kahinanatnan niya sa lalake kung hindi pa siya gagawa ng mabilis na kilos upang makawala dito. Ngunit sa pinakasulok ng kanyang puso ay tila mahika na nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalake sa kanya na sa huli ay wala na siyang ibang inisip pa kung hindi magpatangay sa kasabikan na hatid ni Mr. Stranger.