Chapter 1

1126 Words
Tulad ng sinabi ng matanda sa akin ay tinupad niya ito. Nang makalabas ako ng hospital ay doon na ako umuwi sa mansyon niya ngunit mag-isa lamang siyang nakatira rito maliban sa mga kasambahay niya. Wala ba siyang anak manlang? “Ang bahay na ito ay sayo na simula ngayon hija.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa aking narinig. Seryoso ba siya? Paano kung biglang may sumulpot at sugurin ako? O di kaya ipakulong? Ayokong mangyari iyon. Pumukaw ng atensyon ko ang isang painting na may nakaguhit na babae. Pero bakit pamilyar sa akin ang mukha nong babae na nasa painting? Napatitig talaga ko nang husto. May kamukha talaga siya. “Ang ganda niya diba hija? Siya ang greatest love ko. Ang babaeng mahal ko.” Nagulat nalang ako sa biglaang pagsulpot no'ng matandang hottie sa likuran ko habang nakatitig sa painting. Greatest love niya pala ang babaeng nasa painting. Siya rin kaya ang naging nakatuluyan ni Hottie Tanda? “O siya, itotour kita sa magiging kwarto mo hija sa mansyong ito. Pero ang mga mata ko ay naroon sa mga mamahaling gamit niya na baka hanggang sa panaginip ay hindi ko ma-afford sa sobrang mahal. Pakiramdam ko tuloy sa mga oras na ito ay nasa palasyo ako. Nakasunod lamang ako sa kaniya hanggang sa bigla siyang huminto. May kung anong pinindot sa gilid at bigla nalang bumukas—escalator. May escalator rin pala ang mansyong ito. Nahiya bigla ang gold kong bulbol sa mga kagamitan niya dito sa mansyon. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda na para bang nahy-hypnotismo ako sa mga gamit niya. Sarap nakawin at ibenta, isang gamit lang paniguradong mababayaran ko na ang mga taong pinagkakautangan ko ng pera. “Are you okay hija? Kanina kapa wala sa inyong sarili. May hindi kaba nagustuhan sa mansyon? Gusto mo bang palitan ko ang desinyo?” Umiling-iling ako. Pakiramdam ko nga ay para akong nasa ibang dimensyon ng mundo. Sa mundo ng mga engkanto. Di kaya engkanto ang matandang hottie na ito? Pero imposible kasi hindi naman ako nakabaliktad sa balintataw niya. Agad kong tinampal ang aking noo kaya't nabalik ako sa aking huwisyo. Anong hindi nagustuhan? Nagkakainteres nga ako ng masama sa mga gamit niya eh. Ang gaganda at kikintab ba naman ng mga ito. Ayoko pa sanang pumasok sa loob ng elevator nang bigla nalang niya akong hilahin papasok sa loob, dahilan upang mapasubsob ako sa matipuno at matigas niyang dibdib. At mariing nakakapit ang isa niyang kamay sa aking beywang. “S-sorry!” nauutal niyang turan at binitawan ako. Napayuko ako at nakapagat sa aking daliri. At bigla ko nalang naalala iyong kalibugan ko nong gabing iyon. Napangiti nalang ako, nagmumukha akong baliw habang pinagkakagat ang aking daliri. “Are you hungry?” baling nito sa akin habang nakatitig sa daliri na pinagkakagat ko kanina pa. “Parang mauubos mo na ang kuko mo eh kakangatngat,” dagdag niya. Saglit akong napatitig sa kuko ko. Biglang luminis ang kuko ko pero nasa bibig ko na lahat ng dumi at naalala ko pa na kakafinger ko palang kanina. Napakamot ako sa aking batok sa mga katarantaduhang ginawa ko. Pagkabukas ng elevator ay nauna siyang lumabas at sumunod naman ako. “Ang buong 2nd floor na ito ay sayo.” Napatulala ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala. May sariling living area, ang second floor. Sobrang laki at kumpleto ito sa mga gamit. Halos hindi na umalis ang tingin sa mga bawat gamit na nakikita ko. Sobra akong namangha. Itinuour niya ako sa loob ng kwarto. Napamura ako sa aking isipan nang bumungad sa akin ang napakalaking kama. Awtomatiko akong napahiga ro'n. “Sa wakas makakatulog narin ako sa malambot at malaking kama. Kahit pa siguro magpagulong-gulong ako kasi sa akin lahat ng espasyo di tulad doon sa bahay ni Tiya Miranda sa papag na nga ako natutulog, ginagapangan pa ako ng mga ipis tuwing gabi. Minsan na ngang kinagat ang daliri ng daga eh. “Panaginip lamang ba ito? Wag niyo na akong gisingin pa!” pinagtatampal ko ang aking mukha sa sobrang saya. Narinig ko siyang mahinang tumawa. Ngunit nang napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa kaniya ay biglang sumeryoso ang mukha nito. Tumayo ako, pagtungtong ko sa tapat ng isa pang pinto ay bigla akong naihi. Hawak-hawak ko ang aking latbi habang hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan ang C.R. “ What happened to you, hija? Is there something wrong?” “Nasan ang kubeta dito? Dahil sasabog na talaga ang pantog ko!” sagot ko. Binuksan niya ang pinto na nasa harapan ko. Kumaripas ako ng takbo patungo sa kubita. -- “SUCCESS! Hay salamat nakaihi na rin!” Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang kabuuan ng comfort room. Ang laki, halos kasing-laki ito ng kwarto ko. Kumpleto ito, may shower at may malaking bathub. Napakasosyal talaga. Lumapit ako banda sa may shower at sabay na binuksan ito. Napasigaw ako nang dumampi sa balat ko ang tubig na lumabas mula sa shower—ang init. Awtomatikong pumasok si Hottie Tanda at natatarantang lumapit sa akin. In-off niya ang shower. “What did you do?” sinuri pa ako nito kung wala ba akong paso sa katawan. How sweeet ha. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin. “Saan mo ako dadalhin?” para akong sako ng bigas na binuhat niya. Ang lakas niya, kwarenta kilos ako pero nagawa niya pa akong buhatin. Si Superman yarn? “Sa hospital. Kailangan kang matignan ng doktor.” Sa hospital na naman? Kalalabas ko lang sa hospital ah? “Di na po kailangan, kunting paso lang po ito.” Sabi ko pa. “But for me it's a critical damage!” Giit niya. “At ayokong makakita ng kahit anumang peklat diyan sa katawan mo.” Ganito ba ang mga mayayaman? Kaunting paso lang, hospital agad? Idineretso niya ako sa loob ng kwarto at pinahiga. “Dito kalang tatawagan ko lang ang doktor ko. You stay here okay?” Tumango-tango naman sa kaniya. Agad siyang lumabas ng kwarto. Ngunit hindi ako mapakali sa mga sandaling ito. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa loob ng banyo. Habang naglalakad ako patungo sa malaking bathub ay isa-isa kong hinubad ang aking saplot sa katawan hanggang sa wala na ni-isang natira. Habang nagshoshower ako, bigla akong napalingon nang biglang may pumasok—si Hottie Tanda, nabitawan niya ang bitbit niyang selpon nang makita ang kabuuan ng katawan ko at sunod-sunod na napalunok ng laway. Tumalikod naman agad siya. Nahiya pa si Tanda eh, kinain na niya perlas ko kagabi. “Pagkatapos niyan ay magbihis ka parating na si Dr. Alvarez to check on you.” Lumabas siya ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD