“Maligo ka, may pupuntahan tayo!” bago siya lumabas ng kwarto. Saan na naman kaya niya ako dadalhin?
Wala akong ideya kung saan man kami pupunta. Dahil nangangamoy pawis at t***d ko ay agad akong nagtungo sa banyo.
“Hija baby, hurry up! May meeting pa ako mamaya! I'll wait for you downstairs, okay?”
“Opo!”
Dali-dali akong naglagay ng lip balm at kunting pulbos sa mukha ko. Nakapusod ang buhok ko. Agad kong isinukbit sa balikat ko ang aking tote bag at lumabas na ng kwarto.
“Pantalon? At maluwag na tshirt?” napakunot pa ang noo niya habang nakatitig sa outfit ko. Di kasi ako sanay magsuot ng dress di ako kumportable. “Sa dinami-rami kong biniling dress, iyan talaga?” dagdag niya pa.
Napatitig siya sa paa ko. “Naka-tsinelas kapa!” di ko talaga kaya magsuot ng matagal ng heels. Pakiramdam ko anumang oras ay madadapa ako.
Napayuko lamang ako. “Wait for me here, ako na ang pipili ng susuotin mo.” Umakyat siya paakyat sa ikalawang palapag. Maya-maya may bitbit na siyang fitted dress na hanggang tuhod at isang kulay pulang heels.
“Magpalit ka!” mariing utos niya.
“Po? Akala ko ba nagmamadali ka?”pamimilosopong tanong ko na ikinakunot ng noo niya.
“Do what i said!”
Napairap nalang ako. “Dito po ba sa harap mo?” napapalunok kong tanong sa kaniya at mariin siyang tumango bilang tugon.
Nagbihis nga ako sa harap niya. Kitang-kita ko ang sunod-sunod na paglunok niya ng laway habang nakatingin sa akin nang tumambad sa kaniya ang malulusog kong dibdib na halos kumawala na sa bra na suot ko. “Tanggalin mo iyang suot mong bra.” Nagulat ako sa itinuran niya.
“Use this n****e tape! Wag ka ng magsuot ng bra okay? Ayokong magkasakit ka.”May inabot siyang n****e tape sa akin. Napatitig na lamang ako. “Bra po ba ito ng mga mayayaman?”
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Nope, just wear it.”
At iyong buhok ko na nakapusod ay nilugay niya ito. Di na ako nagreklamo pa. Hinayaan ko nalang siya. “Smells good!” agad akong napadistansya sa kaniya nang simhutin niya ang leeg ko.
------
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakadungaw lamang ako sa bintana ngunit bigla nalang niya itong isinara. “Wag kang basta-basta dumudungaw hija, baka may biglang bumaril sayo!”
Napatitig naman ako sa sinabi niya. Paanong may babaril sa akin? Eh? Wala naman akong atraso sa ibang tao. “I'm just protecting you!”
Di nalang ako nagsalita pa. Itinikom ko nalang ang bibig ko. Kanina ko pa napansin ang panay sulyap ng driver sa akin. “Is there something wrong, Pablo?” baritonong tanong nito sa kaniyang driver.
“W-wala po, Sir.”
“Mabuti na iyong klaro. Ayokong tinititigan ng kahit sino ang pagmamay-ari ko. Is that clear?” tumango-tango lamang iyong driver niya—si Pablo bakas sa mga mata nito ang takot.
Huminto iyong kotse sa tapat ng isang mall dito sa Makati. “Mauna ka ng lumabas hija susunod ako. Gusto ko lang kausapin nang masinsinan ang driver ko. Hintayin moko!”
Lumabas na nga ako ng kotse. Nakatayo lamang ako sa labas ng mall. At pinagtitinginan ako ng mga tao. Maya-maya ay may narinig akong putok ng baril na labis na ikinabahala ko .
Maya-maya ay natanaw ko si Tandang Trevor papalapit sa akin. “Si Manong?” nag-alalang tanong ko sa kaniya ngunit imbes na sagutin ako ay hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ng mall.
Binati kami ng gwardiya. Nakasunod lamang ako sa kaniya habang hawak niya ang kamay ko. Nag-alala ako kay Manong Driver.
“Don't mind him. At ang ganong klaseng tao ay pinapatay!” turan niya.
So pinatay niya nga? Wala namang ginawang masama si Manong Driver sa kaniya ah? Agad niya akong hinila patungo sa apple store.
“Pumili ka ng selpon na gusto mo. May kakausapin lang ako sandali!” turan niya pa. May nag-intertain naman sa aking saleslady na nakasuot ng uniporme na may nakatatak na logo ng apple.
Saglit na lumayo ng kaunti sa akin iyong matanda. “Ano pong gusto niyo, Maam?” malumanay na tanong sa akin ng salas lady.
At nabalik ako sa aking huwisyo. “Okay kalang po ba? Namumutla ka ata, Maam?” dagdag nito at sabay akong inalalayan.
Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo. Agad akong pinaupo ng babae sa isang stool at inabutan ako nito ng isang bottle ng tubig.
Nilagyan niya rin ng vaporine ang ilong at sentido ko. “May nararamdaman kaba, Maam” alalang-alala iyong saleslady sa akin.
Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Tanda. “What happened? ” nang makita ako nito na nakaupo. Ramdam ko ang pagkabalisa niya. “gusto mo bang dalhin kita sa hospital?”
Umiling ako. Nahilo kasi ako sa biyahe eh lalo na't aircon ang kotse niya. “Nahilo lang ako sa biyahe,” ang isip ko ay naroon parin kay Manong Driver. Kung talaga bang pinatay niya ito.
“Give me the latest iphone we have this store!” utos niya sa saleslady na agad namang sinunod ng babae.
-------
Di ko manlang siya nakita na nag-abot ng pera pambayad sa selpon na napili niya. Kahit manlang atm niya. “Teka lang!” pigil ko nang akma niya akong buhatin, sabay kong dinukot sa loob ng bag ko ang aking atm na bigay niya.
“Miss, bayad ko po!" Sabay abot ng atm sa saleslady ngunit umiling lamang siya akin na ikinakunot ng noo ko.
“No need to pay, Miss dahil si Mr. Sergio ang may-ari ng apple store at ng buong mall na ito.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa narinig ko mula sa sales lady.
“See? Everything you want here is free!” dagdag pa ni Tanda. Napasinghap nalang ako. Dinala niya ako sa hospital upang ipasuri.
May binigay na gamot sa akin iyong doktor para maibsan ang pagkahilo ko. Inuwi na niya ako sa mansyon niya. “Siya si Nurse Leila,” pakilala niya nang may sumalubong sa aming babae—isang nurse. “Ang mag-aalaga sayo habang wala ako rito sa mansyon.” dagdag niya pa.
“Hi, I am Nurse Leila at your service. At ako ang mag-aasikaso at mag-aalaga sayo, Misis Villafuerte
Misis Villafuerte? Parausan lang naman ako ng matanda. Di ako asawa non.