Tatlong linggo na akong nakatira sa mansyon ni Tanda. Ngunit halos kada oras nag-uupdate iyong private nurse na hinire niya para mag-alaga sa akin. Masyado niya akong binibaby kahit kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Kahit sa paglaba ng mga damit ko ay may gumagawa para sa akin.
Kung anu-ano rin ang pinapainom na vitamins sa akin ni Nurse Leila, utos ni Tandang Sergio.
At secure na rin niya si Tiya Miranda. Binilhan niya ito ng sariling bahay. May mga hinire rin siyang security para magbantay kay Tiya.
Kasi sabi niya sa akin ay posible na babalikan ako nong mga sindikato na pinagkakautangan ko ng malaking halaga. “Ma'am, iyong vitamins niyo ho!” kumatok si Nurse Leila.
Malalim akong napabuntong-hininga. Halos kada tatlong oras ako nito pinapainom ng vitamins. Di kaya ako nito ma-overdose?
Pinagbuksan ko ng pinto si Nurse Leila. Nagulat ako nang makita kong may bitbit siyang syringe. “Bakit may syringe, Nurse Leila?” nagtatakang tanong ko.
“Ang gamot na ito ay galing pa sa Europe, Ma'am at sa isa sa mga ekspertong doktor na kaibigan ni Mr. Sergio upang mapangalagaan ang egg cells mo at pampagana sa ibabaw ng kama. ”
Napangiwi ako sa sagot nito sa akin. Pangalagaan ang egg cells ko? Pampagana sa ibabaw ng kama? Drivemax iyon eh.
“Kailangan paba iyan, Nurse Leila? Active naman ako pagdating sa s*x na iyan eh.”
Pinahiga ako nito na agad ko namang sinunod. Bahagya niyang ibinaba ang panty ko. Wala akong ideya kung ang gagawin niya.
Hindi kaya sa mismong p********e ko ituturok niya ang syringe na iyon? “Saan niyo po ituturok iyan?!” kinakabahang tanong ko.
May phobia ako sa karayom kaya tiyak bago ito maiturok ni Nurse Leila ay hihimatayin nako. “Sa private part mo, Maam!” awtomatiko akong napabalikwas ng bangon.
“Maam kailangan ho ma-intake ng gamot na ito sa p********e mo para effective po.” Giit nito sa akin.
Agad kong itinaas ang aking panty. “Magkamatayan tayo dito, di ako papayag na iturok mo iyan sa p********e ko. Para niyo naman akong pinag-eeskperimentuhan eh! Magalit kana pero wala akong pakialam!”
Kumunot ang noo nito, hawak parin niya ang syringe na may lamang gamot at dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang aking p********e. “Maam, huwag mo po akong pahirapan. Ako ang malilintikan nito kay Sir Trevor,” pakiusap nito.
“Malintikan na kung malintikan pero di kita hahayaan na iturok mo iyan sa akin. Paano kung ikamatay ko iyan ha?! No way! Kung gusto mo, sa sarili mo iyan i-turok wag sa akin!” walang takot kong sagot.
Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon nong gamot sa akin. Baka ikapahamak ko pa!
Bago paman siya makalapit sa akin ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng kwarto.
Maparusan o magalit man sa akin si Tandang Sergio. Wala akong pakialam. “What the hell are you doing?” napahinto ako kakatakbo pababa ng hagdan nang bumukas ang main door at niluwa si Tanda.
“Pag-eekspirementuhan ako ng nurse na hinire mo!” sagot ko at tuluyang bumaba. Agad akong nagtago sa likod ni Tanda.
“is it true, Nurse Leila?” seryosong tanong niya sa nurse na naghahabol sa akin at may bitbit pa itong syringe.
Agad namang itinago nong nurse ang syringe na bitbit sa likod niya. May masama talaga siyang motibo sa akin. Kasi kung wala siyang intensyong masama sa akin di niya itatago ang syringe sa likod niya.
“H-hindi po totoo iyon, Mr. Sergio.Ayaw niya po kasing uminom ng vitamins na pinapainom mo.” Lumukot ang noo ko sa naging sagot nito.
Sinungaling talaga! Binaliktad pa ako.
“Diba, sabi mo po. Lahat ng vitamins na binili mo para sa kaniya ay kailangan niyang inumin? To boost her immune system”
Lumingon sa akin ang matanda umiling-iling ako. “Talaga ba? Ayaw mong inumin mga vitamins na binili ko para sa yo?”
Mariin akong umiling. “Mas paniniwalaam mo ba ang nurse na iyan kaysa sa akin? Akala ko ba f**k buddy moko? Napakasinungaling ng nurse na iyan! May syringe sa likod niya at may laman itong gamot na para daw pang boost ng s*x cells ko. May ganoon ba? Diba wala? Maliban kung may motibo siyang pag-ekspirementuhan ako. Binili mo daw iyon from Europe at isa sa mga ekspertong siyentista ang nagrecommend sayo.”
Kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha nong nurse. “at alam mo ba na sa p**e ko sana balak ito iturok?” mas lalong lumukot ang noo niya..
At bumaling siya ulit ng tingin sa nurse. “She's lying, Mr. Sergio.
“A-are you trying to kill my woman? Tauhan kaba ng sekretarya ko ha?! ” mabilis na dumapo sa pisngi nong nurse ang palad niya halos muntik na itong mawalan ng balanse sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa babae. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa ginawa ni Tanda.
“Give me that fvcking syringe!”
Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. “W-wala ho, Mr. Sergio. Maniwala po kayo sa akin, wala ho akong masamang intensyon sa babae mo. Kung ano ang inuutos mo ay sinunod ko lang.” nanginginig na muling pagtanggi nito.
Demonyo talaga!
“Security!”
Wala pang singko minutos ay nagsulputan sng mga bodyguards niya at agad na kinorner ng nga ito si Nurse Leila. Sumenyas si Tanda sa isa sa mga bodyguards niya upang kapkapan ang babae na sinunod naman nito.
“Mr. Sergio!”
Nagpupumiglas iyong nurse at ayaw nitong isuko ang syringe na bitbit niya. Halatang guilty siya. Agad na ibinigay ng bodyguard ang syringe kay Tanda.
“Lason to ah?”bulalas nito nang makita ang laman ng syringe na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat.
Kung hinayaan kong iturok ito sa p********e ko ay posibleng mamatay ang egg cells ko at hormones ko. Posibleng mababaog ako.
Pero wala akong ideya kung paano nalaman ni Tanda sa isang tingin lang sa gamot na nasa loob ng syringe. Nadiskubrehan niya kasi agad ito na lason. “Lason?”
“Oo, lason..at nakapatay ito ng semilya ng babae at pwede itong ikamatay ng sinumang matuturukan ng gamot na ito.”
Nanlumo ako sa aking narinig. Nanginginig sa takot iyong nurse at pilit niyang itinatanggi.
Sumenyas siya sa isa sa mga bodyguard.
Napatulala ako nang biglang bumulagta sa sahig ang nurse. Walang pag-alinlangan na binaril ito sa ulo na ikinasawi nito.
“Ang sinumang magtatangka sa buhay mo ay pinapatay ko.”