Chapter 7

963 Words
Di ko akalain na ang seryoso at nonchalant na si Mr. Sergio Villafuerte ay may tinatagong kakulitan. Tawagin ba naman akong Tandang Alice, eh siya itong matanda. Baynte dos anyos pa lang ako, samantalang halos triple na ang edad niya. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay iniligtas niya ako mula sa kamay ni Aaron. “Next time, huwag kang umalis ng mansyon nang mag-isa, okay?” Tumango lamang ako habang ngumunguya. Sinusubuan niya kasi ako ng pinagbabalatan niyang orange. “Stay at the mansion, huwag nang lumabas pa without any bodyguards. But don’t worry, wala nang magtatangka pa sa buhay mo dahil patay na siya,” dagdag pa niya. “Salamat sa pagligtas sa akin, Sergio!” Para ko na siyang lolo. Gusto ko sana siyang tawaging Lolo, ngunit ayaw niya. Ang pangit daw kasi pakinggan. He wants me to call him darling. Mas lalo akong ayaw, kasi parang kinikilabutan ako. “Darling, don’t call me like that…” “Tandang Sergio.” Napakunot ang kanyang batok at napailing. Hindi talaga ako kumportable na tawagin siyang darling. Kinikilabutan ako. “Call me baby na lang.” Ay gano’n? Ang tanda-tanda na niya tapos gusto niya pang tawagin ko siyang baby? Ano iyon, baby tanda? Umiling-iling ako at napahinto siya sa pagsubo ng orange sa bibig ko. “Darling baby! Isa pang Tandang Sergio, lalapain na talaga kita.” Napangiwi na lamang ako. Dapat naman talaga ay Tandang Sergio o kaya Daddy Grandpa, kaso ayaw niya. At saka hindi bagay sa kanya ang tawaging baby kasi senior citizen na siya. Iyon nga lang, senior ng mga mayayaman. “Daddy Grandpa.” Mabilis niyang sinunggaban ang labi ko, na labis kong ikinagulat. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Agad rin siyang bumitaw sa pagkakayapos sa labi ko at ngumisi ng nakakaloko. “You know what, resemblance ka talaga ng greatest love ko. Sa mukha, sa ugali, at sa kakulitan.” Ano daw? Resemblance ako ng greatest love niya? “Kalibugan lang iyan, Tandang Senyor.” Mas lalong kumunot ang noo nito sa muli kong pagtawag sa kanya ng endearment na ayaw niya. “Isa pa talaga, Miss Alice!” pagbabanta niya pa, ngunit ngumisi lamang ako sa kanya. He was about to kiss me again nang bumukas ang pinto—isang babaeng doktor. Agad na nag-ayos ng sarili si Tanda. “I am here to check the patient, Mr. Villafuerte.” Sabay lumapit sa pwesto ko ang doktor at inilapat ang stethoscope niyang kulay pink. “Ang lakas ng heartbeat mo, hija.” Nagkatinginan kaming dalawa ni Tanda ngunit agad rin nag-iwas ng tingin. Nakangisi at napapailing na lamang ang doktor, na para bang agad na nakuha nito ang sagot. Pagkatapos akong suriin ay nagpaalam na rin ito sa ward ko. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyang nakalabas ang doktor. “Ako ba ang itinitibok niyan, Miss Alice?” Mariin akong napailing. Sino ba kasing hindi magiging abnormal ang t***k ng puso ko kung muntikan nang makita ng doktor ang planong paghalik sa akin ni Tanda. Kahit sino siguro. Di ako nagsalita. At saka sa inaasta niya, para bang nakalimutan niyang may kontrata akong pinirmahan—na maging parausan niya lang. At wala nang iba pa. Hanggang doon lang ang koneksyon naming dalawa. Iyong kaninang makulit na si Tanda ay bumalik sa pagiging nonchalant niya. Tatlong araw na ang lumipas mula nang lumabas ako ng ospital. Mas triniple pa ni Tanda ang security sa mansyon—bawat anggulo may CCTV, maliban na lang sa loob ng kwarto ko at kwarto niya. Wala na rin akong balita kay Tiya Miranda simula nang lumipat siya sa bahay na pinagawa ni Tanda sa Las Piñas. At siyempre, nakaramdam na ako ng pangungulila. Gusto kong bisitahin si Tiya, pero hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Tanda. Hays… ang hirap talaga. Alam kaya ni Tiya na isa akong parausan ng isang matanda na halos tatay na niya? Kwarenta y singko anyos pa lang si Tiya Miranda, samantalang si Tandang Senyor ay sitenta y singko anyos na. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kung sakaling madiskubre ang pinasok ko. “Natutulog ka na ba?” boses iyon ni Tandang Senyor mula sa labas ng pinto. Ano na naman kaya ang pakay niya? Hindi niya ako puwedeng galawin ngayon dahil may regla ako, kahit pa may kasunduan kami. Hindi ako sumagot, nagpanggap na tulog. Ayoko marinig ang anumang lumalabas sa bibig niya, lalo na kapag tinatawag niya akong hija baby. Di nagtagal, umalis na rin siya sa tapat ng pinto. Nakahinga ako nang maluwag. --- KINABUKASAN, napabalikwas ako ng bangon nang may makapa akong matigas. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Tandang Senyor. Bakit nasa tabi ko siya? Wala naman akong naalala na pinagbuksan ko siya ng pinto kagabi. Ang himbing ng tulog niya, yakap-yakap pa ako. Saglit akong napatitig sa mukha niya—mula sa makapal na kilay pababa sa kanyang labi. Mariin akong napalunok nang laway. Mapupula ang labi niya, at bago ko pa mapigilan ang sarili, parang may sariling buhay ang aking mga labi nang sakupin ko bigla ang labi niya. Agad siyang napamulat ng mata at hinila ako, kaya’t napahiga ako at siya naman ay nasa ibabaw ko. Kahit may regla ako, hindi siya nag-atubiling galawin ako. At hindi ko na nagawang pigilan siya. Nagpatianod lamang ako sa kapusukan niya sa mga sandaling iyon. Hinayaan ko siya sa anumang ginawa niya sa katawan ko. Patuloy ang pag-ulos niya habang walang humpay kong inuungol ang pangalan ni Tanda. Grabe ang lupit niya—para bang hindi siya senior citizen, kundi isang binatilyo pa lang sa sobrang galing niya sa romansa. “Ser… Sergio…” ungol ko, mariin na nakapakapit sa buhok niya, habang ramdam ko ang init ng bawat galaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD