Chapter 6

1349 Words
Sergio's POV Napabalikwas ako ng bangon nang mapanaginipan ko si Alice,humihingi siya ng tulong sa akin. Someone tortured her. Ngunit bumungad sa akin ang mukha ng mga bodyguard ko. “Boss!” Agad na hinanap ng aking mga mata si Alice ngunit hindi ko siya nakita. “Where the hell am I?” Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito pumasok ang lalaking nurse. “Boss, may problema ba?” nag-alalang tanong ng isa sa mga bodyguard ko, si Cleo. Mabilis kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa aking pulso, bagay na labis na ikinagulat ng nurse. “S-sir? Ano po ang ginawa niyo?” napalunok ng laway ang nurse nang awtomatiko kong inagaw ang baril na isinukbit ni Cleo at itinutok ito sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang takot. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway. “Aalis ako sa hospital na ito!” baritono kong sagot. “P-pero, under observation ka pa po?” Lalabas sana siya ng ward ko ngunit mabilis siyang nahawakan sa braso ni Cleo. “Subukan mong magsumbong! Hindi mo na makikita pa ang pamilya mo!” “Huwag po, maawa po kayo sa akin!” halos mangiyak-ngiyak na pakiusap nito. Sumenyas ako kay Cleo na siya na ang bahala sa nurse. “Pahiram ng phone mo, tatawagan ko si Alice.” Agad namang inabot ni Patrick ang cellphone niya sa akin. Malakas ang kabog ng aking dibdib sa mga sandaling ito. Naninikip pa ito. Agad kong tinype ang number ni Alice at dinial, ngunit ring lang nang ring. “Sagutin mo na, please!” Nakailang tawag na ako sa kanya ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Tinawagan ko na lang ang hotline sa mansyon. Maya-maya ay may sumagot si Manang Inday. “Wala ho dito si Ma’am Alice, Sir. No’ng isugod ka sa hospital kahapon ay sumunod rin siya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.” Napahilamos ako ng mukha. Nasaan na kaya si Alice? Nag-aalala na ako sa kanya. Napaginipan ko kasi siya. Sana naman walang masamang nangyari. Isinauli ko ang phone kay Patrick. “Kayo! Hanapin niyo si Alice ngayon din, at huwag kayong magpapakita sa akin kung hindi niyo siya kasama.” Pagtango ang naitugon ng tatlo kong tauhan, at lumabas na sila ng ward. Hindi kaya natunton siya ng mga sindikatong pinagkakautangan niya at nasa poder nila si Alice? Huwag naman sana! Lumabas na ako ng ward at sumunod sa akin sina Cleo at Argus. Where the hell are you, Alice? Maya-maya pa ay nakatanggap ng email si Cleo—mula sa taong hindi niya kilala. “Boss, alam ko na po kung nasaan si Ma’am Alice!” turan ni Cleo. “Nasaan siya, Cleo?” “Nasa kamay ho siya ni Aaron, ang sindikatong naging kaaway mo noon. Ang pinagkakautangan ng limang daang libo ni Alice!” “Ano?!” gulat kong tanong kay Cleo. Nakapunta na ako ro’n. Tama nga ang hinala ko na si Alice ay nakidnap ng mga tauhan ng sindikatong iyon. “Dumiretso tayo doon!” Tumango si Cleo at agad na pinaharurot ang kotse patungo sa kuta ng sindikato. Maya-maya ay nag-ring ang phone ni Cleo. “Gusto kong makausap ang boss mo!” Agad namang inabot ni Cleo sa akin ang cellphone niya. “Alam kong kilala mo ako, Mr. Villafuerte! At nasa akin ang babaeng hinahanap mo.” “Ano’ng ginawa mo sa kanya?! Don’t you dare touch my woman or else I’ll kill you!” Tumawa lamang ito sa kabilang linya. “Paano kung niloloko mo lang ako? Para makakuha ng malaking halaga ng pera? At ginamit mo lang si Alice?” Mas lalo itong tumawa, na lalo kong ikinainis. “Alice, hanap ka na ni Tanda!” rinig ko ang malakas na sigaw ni Alice habang humihingi ng tulong. Garalgal ang boses niya, parang hirap na hirap. “Wag mong sasaktan si Alice!” “Kung gusto mo pang makita ang parausan mong babae, Tandang Villafuerte, maghanda ka ng singkwenta bilyones. At huwag kang magdadala ng tauhan. Gusto ko ikaw lang mag-isa ang pupunta sa lugar na itetext ko sa’yo. Ayokong may kasama kang pulis dahil kung lalabag ka, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang babaeng parausan mo!” pagbabanta nito. Maling tao ang binangga niya. Hindi niya pa ako lubusang kilala. “O sige, gagawin ko lahat ng gusto mo. Basta’t huwag mo lang saktan si Alice!” Handa kong ubusin ang kayamanan ko para mailigtas si Alice sa kamay ng sindikatong dumukot sa kanya,si Aaron, anak ni Mayor Zalde. “Magkita tayo sa abandonadong gusali na under renovation, dala ang perang hinihingi mo, nang mag-isa!” “O sige!” Agad kong ibinalik kay Cleo ang cellphone. “Ilihis mo ng daan, sa bangko tayo tutungo.” Utos ko kay Cleo na agad naman niyang sinunod. Alam kong naguguluhan siya. Nakarating kami agad sa bangko. Nag-withdraw ako ng singkwenta bilyones, nakalagay sa dalawang malalaking bag. “Kidnap for ransom po ba?” Tumango ako kay Cleo bilang tugon at agad na pumasok sa kotse, nasa tabi ko ang dalawang bag na may tig-25 bilyones. Kahit hindi ko iutos, alam na ni Cleo ang gagawin niya. Hinatid niya ako sa address kung saan ko kikitain si Aaron, bitbit ang mga bag. Ngunit bago pa kami makarating, bumaba siya ng kotse at ako ang nagmaneho. Tumango siya sa akin bago ko pinaandar ang kotse. Hindi nagtagal, nakarating na ako sa gusaling sinasabi ni Aaron. Tahimik ang paligid, alam kong pinaghahandaan nila ang pagdating ko. Maya-maya ay may sumalubong na dalawang armadong lalaki na nakasuot ng itim na bonnet. “Iyan na ba ang pera?” tanong ng isa, nagpalinga-linga sa paligid. Tumango ako bilang tugon. Sumenyas siya sa dalawang kasama. “Nasaan si Alice?” ngumisi lamang sila. “Ibibigay ko lang ang pera kung ibibigay niyo rin sa akin si Alice!” Maya-maya ay may lumabas. Napakunot ang noo ko tinutukan ng baril sa sentido si Alice. “Sergio! T-tulungan mo’ko!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya, halos namamaos na. “Kumpleto ba iyan? Kung hindi, hindi mo mababawi sa akin ang s*x slave na si Alice.” “Salitan tayo!” turan ko. Alam kong nasa paligid na ang mga tauhan ko. Kung inuutakan nila ako, mas lamang ang plano ko. Ibinaba niya ang baril na nakatutok kay Alice. Mariin akong napakapit sa mga bag at dahan-dahang naglakad. Ganoon din si Aaron. Dahan-dahan kong nilapag ang mga bag at binitawan niya si Alice nanginginig na kumaripas ng takbo ang babae patungo sa akin. Dinampot ni Aaron ang mga bag. Sumenyas siya sa tatlong tauhan niya. Agad kong itinago si Alice sa likod ko. Ngunit bago pa man nila maitok ang baril sa amin, agad na bumulagta ang tatlo niyang tauhan labis na ikinagulat at ikinagalit ni Aaron. “Traydor! Papatayin ko kayong dalawa!” Binunot niya ang baril at kinalabit ang gatilyo, ngunit bago pumutok ay tinamaan ang kamay niya ng dalawang bala. Nabitiwan niya ang baril. Ilang segundo pa, tinamaan ang dalawang hita niya. Nagsilabasan ang mga tauhan ko mula sa pinagtataguan. “Walangya ka, tanda! Papatayin kita!” nagpupumilit siyang tumayo ngunit binaril ni Cleo ang ulo niya. Agaran siyang bumagsak sa sahig, naliligo sa sarili niyang dugo. Niyakap ko nang mahigpit si Alice. “Ligtas ka na! At patay na siya!” Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa takot. Bumitaw si Alice sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “Like what I’ve said, I’m always here to protect you no matter what happens.” “Sergio… salamat,” mahina niyang bulong bago tuluyang nawalan ng malay. Agad namin siyang isinugod sa hospital na pagmamay-ari ko. Hindi ko binitiwan ang kamay niya habang nasa stretcher siya, ramdam ko pa rin ang panginginig ng kanyang katawan. Pagkaraan ng ilang oras, nagising siya nang halikan ko ang noo niya. Namula ang pisngi nito. “T-tandang Sergio…” Napakunot ang noo ko sa narinig. Tandang Sergio talaga? Sabagay, 53 years ang gap naming dalawa. “Oo, Tandang Alice!” mapang-asar kong sagot na ikinataas ng kilay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD