"Ashia, dalian mong magbihis d'yan! Alas sais ng umaga ang misa ngayon sa Santo Niño De Plaridel Church kaya dalian mo dahil alas singko kinse na. Wala tayong sasakyan at mag-aabang lang, hindi naman sa atin ang mga jeep, tricycle at multicab d'yan! Kay bagal-bagal naman ng kilos mo! Wala ka talagang kwenta!"
Dali-dali kong sinuklay ang maikli kong buhok na hanggang leeg nang marinig ang sigaw ni mama. Her favorite daughter, Akisha, requested her to join a mass there, kaya ito ako, nagkukumahog dahil malapit nang mag-alas singko ako nagising.
Naiinis ako dahil kahit tumanggi akong doon magsimba sa kadahilanang dito lang sa church ng Baranggay namin ako magsisimba dahil alas d'yes ng umaga ang misa, pero pinapasama ako ni Akisha kaya walang nagawa si mama kundi pilitin ako kahit halata namang 'di niya gusto.
For the sake of her favorite daughter.
Napailing ako sa sakit na naramdaman sa harap ng salamin nang sabihin niyang wala talaga akong kwenta. Porket natagalan sa pag-aayos, wala nang kwenta? She never failed to accomplish in hurting me.
Pinasadahan ko ulit ng tingin ang suot ko. I just wore a plain black t-shirt and a denim jeans below the knee. I also wore a white sneakers.
Black is my favorite color. Halos mapuno na nga ng itim ang buong kwarto ko. The same as gray, it is a dull color as well for me that suits my personality.
I was always in the dark since I was born.
"Lalabas na, Ma," walang gana kong sabi bago pinihit ang doorknob ng pintuan sa kwarto ko at lumabas na.
I immediately ran downstairs when I saw the three of them including my father were waiting for me in the sala. Ako na lang pala ang hinihintay.
"Ano, tapos na? Mabuti naman, Señorita! Akala ko isang araw mo pa kami paghihintayin dito!" Nilabas ko lang sa kaliwang tenga ko ang sermon ni mama.
"Lucie, tumigil ka na nga! Nandito na ang anak natin, 'wag ka nang manermon," kalmadong saway ni papa kay mama dahilan para tumigil ito pero hindi pa rin nawawala ang sama ng tingin nito sa akin.
What have I done for you to be this furious, Ma?
Nang makalabas ay agad kaming nag-abang ng masasakyan. Nakasakay agad kami ng jeep. Tumabi ako kay papa dahil halata talaga sa mukha ni mama na ayaw niya akong makatabi kahit gusto kong tumabi kaya ako na lang ang nag-adjust.
"Ma, tabi po ako kay Ate..." sambit ni Akisha kay mama pero agaran itong umiling.
"Hindi ka niya gustong makatabi, Anak, kaya dito ka na lang tabi kay mama, ha?"
Napaiwas ako ng tingin at nagpanggap na walang narinig. Ganito naman talaga 'lagi, mas mabuti nang magpanggap na walang narinig kaysa ipakitang naapektuhan ako dahil magiging dahilan lang 'yon para lalo niya akong saktan.
"Anak, intindihin mo na lang ang mama mo, ha? Pasensiya ka na..." mahinang saad sa akin ni papa sa tabi ko.
"You don't need to apologize, Pa. It's fine. I'm used to it."
He looked at me in a guilty way so I smiled a bit to assure him that it's okay... even if it's not. It will never be okay that she is treating me in that way.
"Albert, iabot mo ang bayad sa driver. Mauuna na kami ni Akisha dahil nasa dulo pa kayo riyan ni Ashia," sabi ni mama kay papa nang huminto ang jeep sa lugar kung nasaan ang malaking simbahan ng Plaridel.
May isang pahabang daanan pa kasi bago marating ang gate ng simbahan.
Kinuha naman ni papa ang bayad sa kamay ni mama at agad itong ibinayad sa driver. May iba ring pasahero na tulad namin na bumaba dahil magsisimba rin. Nang makababa na kami ni papa sa jeep ay sumabay ako sa kaniyang maglakad patungo sa simbahan.
Alas singko y media ng umaga nang makarating kami kaya medyo madilim pa. Habang naglalakad kami ay nagsimulang mag-kwento si papa.
"Alam mo, Anak, dito sa mismong simbahan ng Plaridel diyan sa labas ka pinanganak ng mama mo labing anim na taon na ang nakalilipas. Kabuwanan na niya 'yon pero nagpumilit siyang magsimba kaya sa mismong labas ng simbahan ay naipanganak ka niya," aniya sabay turo sa labasan ng simbahan.
Hindi ako kumibo, pero interesado ako sa kuwento niya.
"Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung paano magpaanak pero mabuti na lang at may isang babaeng hawak-hawak sa kamay ang maliit pang lalaking anak ang kalalabas lang ng simbahan na nilapitan agad kami para tulungan. Sabi niya'y isa siyang nurse kaya tuluyan at maayos kang nailabas mula sa sinapupunan ng mama mo." Napangiti siya at tiningnan akong nakatingin lang din sa kaniya dahil interesado akong nakikinig.
"Sa simbahan naman po pala ako pinanganak ni mama kaya bakit po gan'yan ang trato niya sa 'kin? Na para bang hindi ako galing sa kaniya?" I asked him bitterly.
Inilagay ko ang hintuturo ay gitnang daliri ko sa holy water na nakalagay sa isang lalagyan sa b****a ng simbahan bago nag-sign of the Cross. Medyo marami na ang tao sa loob pero marami pa ring puwesto ng upuan dahil marami ang upuan dito sa dahil malaki ang simbahan.
I noticed how he stopped walking like a statue like he was astonished by my words. My forehead knitted. Obviously, I just asked my confusion if I am really the daughter of his wife.
"Pa, okay ka lang? Tara na po sa loob."
He nodded at me kaya sabay kaming pumasok sa loob. We saw my mother and Akisha at the second row from the left side, nasa pangalawang row sila umupo kaya kitang-kita at malapit doon ang pari, mga sakristan, at mga lector.
Doon din kami umupo ni papa tabi sa kanila. Papa sat at the right side of my mother and I also sat next to him at the right side. Si Akisha ay doon sa left side ni mama.
After minutes of waiting for the mass to start, the huge bell of the church rang loudly in myriad times, a sign that the priest is already here and the mass is about to start.
Mahina akong sumabay sa paunang kanta ng mga choir para sa misa. May mga naglalakad nang mga sakristan at lectors sa gitna, ang pinakahuli ay ang bago pang pari sa parokya.
I immediately washed off the thoughts of the priest being so familiar to me and just focus my eyes in front. Nagsimula na ang pari. Umupo kaming lahat nang magsimula na sa pagbasa ang mga lector.
I was a bit astonished when I saw who was the psalmist. Si Caleb. Still with his innocent and angelic eyes, he started to sing the words of God... And for the first time, I appreciate his voice which I used to hate for being so noisy.
His voice is soothing... it calmed me down. Hindi ko alam na lector pala siya sa simbahan. Malapit na siyang matapos nang muntik na siyang magkamali sa tono dahil kasabay no'n ay gulat siyang napatingin sa 'kin.
Kita ko ang paglunok niya pero mabuti na lang at hindi napansin ng mga tao ang muntik na niyang pagkakamali nang magpatuloy siya sa pagkanta na parang walang nangyari. That made my forehead creased again. Am I a distraction?
Matapos ang misa ay may pa-bless si father sa mga bata kaya agad na nagpasama si Akisha kay mama doon sa linya ng mga bata. She also brought my father, so I ended up being alone here.
Maraming tao kaya halos nagkakabanggaan na ang iba. Hindi ako nakatingin sa kung nasaan sila mama at papa dahil tulala lang akong nakatingin sa harapan.
Medyo matagal akong nakatulala kaya doon nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala na ang pamilya ko roon sa liny ng mga nagpapa-bless. Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero dahil maraming tao, hindi ako nakahanap nang mabuti. Hindi ko na rin sila nakita.
I could feel the fast beating of my heart because of the thought that they already left me here... alone. Paikot-ikot ako sa simbahan pero wala na talaga akong namataan.
Lumabas ako ng simbahan at hinanap sila roon sa may garden at sa may bench pero wala na talaga akong nakitang kahit anong bakas pa ng presensiya nila. Because of sorrow, I ended up sitting on one of the benches, and stared on the ground blankly.
Yes, I always want to be alone and being left, but not by my family. Masakit isiping tuluyan na nila akong iniwan dito. I can manage to ride a jeep or tricycle pauwi sa amin pero masakit kasi isiping iniwan lang nila ako rito.
I can imagine my mother saying, 'Kaya naman nang umuwi ni Ashia mag-isa kaya pabayaan n'yo na!'
Dahil wala namang tao rito sa lugar na kinauupuan ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. I covered my face by both of my hands, and I let myself being filled with excruciating pain.
"Hija..." Nagulat at natigilan ako nang may biglang yumakap sa 'kin patagilid.
I removed my hands from my face. Ang babaeng yumakap sa 'kin ay ang babaeng palagi kong nakikitang nakatingin sa akin. Her gorgeous eyes scream concern.
No, I won't cry again in front of her... I immediately wiped my tears by my hands and I smile even though I badly didn't want to. It is the only way for her to avoid thinking that I am sad, that I need someone to lean on.
"Okay lang po ako... Sige po, aalis na ako."
Agaran akong tumakbo papalayo dahil sa naramdamang hiya. Hindi ko man lang naisip kanina na kagagaling lang ng misa kaya posibleng may tao pa rin doon.
Wait, she's from our Baranggay so why is she here? I just considered the idea that like us, she decided to join the mass this Sunday here in Plaridel.
I did not give up on finding them despite of the fact that they already left me because it's been ten minutes since I started finding them but still, to no avail. Nilalabanan ko na lang ang luhang gusto pang kumawala mula sa mga mata ko dahil ayaw kong may makakakita na naman sa 'kin.
Kaunti na lang ang tao sa simbahan, halos nakauwi na ang lahat pero heto ako, parang naghahanap sa wala. I looked at the altar, and asked Him if my mother really loathes me that much...
Gusto ko nang umuwi, pero parang may nag-udyok sa 'kin na pumunta ulit doon sa taas sa puwesto ng mga choir na maraming musical instruments nang mapatingin ako roon. One of the things that can calm me down and can wash off my tears is by playing a piano.
May maliit na piano sa kwarto ko dahil binilhan ako dati ni papa nang makita niya akong nag-play ng piano roon sa mall noong bata pa ako kahit hindi ako nagpabili.
Dahil sa kagustuhan kong tumugtog ngayon ay dali-dali akong umakyat sa hagdan patungo sa taas. My lips curved again for a smile when I saw the different musical instruments again this close. Mataas ang inakyat ko kaya hindi ako kita mula rito sa baba.
Natigilan ako nang may marinig na tugtog ng piano mula sa kung saan. Nandito lang sa kinatatayuan ko ang mga instrument kaya bakit may narinig akong tumutugtog mula sa loob 'ata? Doon ko lang natanto na may isang silid pa lang nakabukas ang pinto at doon nagmumula ang tunog.
I was right that there is someone who's currently playing a piano. Lalaki na nakaputi. Hindi ko alam kung bakit may nag-udyok sa 'kin na pumasok. May isang luma at engrandeng piano rin pala rito sa loob na kasalukuyan niyang tinutugtog. I recognized what he played... Canon in D by Johann Pachelbel.
My eyes widened in shock when he glanced at me from behind. Nagulat din ako dahil si Father Aaron pala ito, ang bagong pari. Ngumiti ito sa akin.
"F-Father," sambit ko.
"Kanina ka pa riyan, hija?"
I shook my head. "Hindi po... Marunong po kayong mag-piano?" Hindi naman ako palakibo o interesado pero hindi ko alam kung bakit bigla akong naging interesado. Para akong isang batang excited na malaman kung ano ang pasalubong ni papa sa akin.
Nakangiti siyang tumango. "Oo. Ito na ang hilig ko mula nang binata pa lang ako."
Tumango ako.
"Gusto mong tumugtog? Aalis na rin naman ako ngayon dahil nakahanda na siguro ang magpapakain sa amin sa kumbento. Dumaan lang talaga ako rito dahil matagal-tagal na rin mula nang makatugtog ako."
"Pwede pong tumugtog, Father?" I didn't recognize myself today because I smiled.
Nakangiti akong labas ang ngipin na parang bumalik ako sa pagkabata na sabik na sabik kapag umuuwi sila mama at papa sa bahay.
"Oo naman." He nodded and smiled again. "Oh, sige. Mauna na ako, hija, ha? Iwan na kita rito."
Nakangiti akong tumango. Nang makaalis sila ay agaran akong umupo sa upuan na nasa harap ng piano na siyang inupuan ni Father kanina.
Halatang luma na nga ang piano na parang napaglipasan na ng panahon, pero maganda pa rin. Before I play, I think about a song that I know how to play its melody.
Troye Sivan is my favorite Western singer. Halos mapuno na nga ng mga kanta niya ang Spotify ko. I closed my eyes intently when I started to play one of his songs entitled 'Youth'.
I recalled the time how I joined Youth Ministry to build an unending rope of faith in Him and to escape my reality at home while playing the melody and tone of the song. I recalled how cruel my mother is to me that is also part of my youth.
"And when the lights starts flashing like a photo booth... And the stars exploding we'll be bulletproof... My youth, my youth is yours..."
Biglang napamulat ang mga mata ko nang may marinig akong boses ng lalaki mula sa likuran na sinasabayan ang pagtugtog ko. Nilingon ko ito pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtugtog ng piano.
"Tripping on the skies, sipping waterfalls... My youth, my youth is yours..." Caleb was staring at my eyes while singing with his soothing voice.
He was wearing a white t-shirt, the shirt that he wore earlier when he did the part of a psalmist. Nakatitig lang din ako sa kaniya dahil para akong na-hi-hipnotismo ng maganda niyang boses. Patuloy pa rin ako sa pagtugtog, ganoon din siya sa pagkanta.
"My youth is yours..." That was the last lyrics.
I didn't have an idea why does my heart rapidly hammer against my chest as though betraying me. Nakatitig pa rin siya sa 'kin habang sinasambit ang huling liriko. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil sa hindi maintindihan na pakiramdam.
"Tama nga ang hula kong nandito ka. Ang galing mo pa lang tumugtog ng piano."
Kumuha siya ng isang stool na nasa tabi at inilagay ito sa tabi ko para upuan. He had that wide smile again that almost crumple his lips.
"How did you know that I'm here?"
"Nahulaan ko lang dahil alam kong paborito mo ang piano. Remember last week-"
"Ang ganda ng boses mo," pagputol ko sa sinabi niya habang ang mga mata ay nasa piano.
It was the first time that I complimented a person, because it was true.
Sinimulan ko na namang tugtugin ito at hindi ko alam kung bakit ang tinugtog ni Father kanina na Canon in D ang naisipan kong tugtugin.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya kaya naman nilingon ko siya. Hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nag-iwas siya ng tingin na ikinakunot ng noo ko.
I'm not expecting him to say thank you, I'm just curious why he's looking away. Napailing na lang ako at hindi na siya binigyan ng pansin.
"'Wag ka nga'ng mag-joke..." he said while pouting.
My forehead creased again when I saw how red his face is like a tomato. He's blushing? Ang mga mata niya ay hindi na makatingin sa 'kin.
"It was the first time that I complimented a person because it was true. And also, do I look like a joker?"
Mas lalo siyang nag-iwas ng tingin at kita ko rin ang pamumula ng kaniyang tenga. Kulang na lang ay mamula rin ang maputi niyang balat sa braso at leeg.
"Talaga? First time mong mamuri at sa akin pa talaga?" Ngayon ay nakatingin na siya sa akin at nagliwanag pa ang mga mata.
Really?
His smile widened even more. He's like an innocent kid who just received a compliment for the first time. Napailing na lang ako dahil para talaga siyang bata.
"Para kang bata," saad ko. I don't really sound like myself today.
Kung dati'y naiinis ako kapag may nakikipag-usap sa 'kin over nonsense thing, ngayon hindi ko alam kung bakit nakikisabay ako sa kaniya. Siguro epekto lang ng kalungkutan ko sa pag-iwan ng pamilya ko sa 'kin.
"Anong bata? Mas matanda pa ako sa 'yo ng isang taon, uy! Bata raw, ikaw nga ang mas bata sa 'kin."
"At least not being a kid on acting," huli kong sinabi bago ako tumayo para umalis na. Matapos kong tumugtog ng piano ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
"Naging asal bata lang naman ako ngayon dahil sa sinabi mo, Julienne."
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siyang hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi. I shook my head before walking away.
Nang nasa labas na ako ng simbahan ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-text. It was Venice. Nagbigayan na rin kami ng numero.
Venice:
Ang sweet n'yo naman ni Caleb, Shia. Sana all! Sinilip ko kayo kanina ehe! When kaya.
Napapikit ako sa inis. Nakalimutan kong sinabi niya pala sa 'kin kahapon na dito rin siya magsisimba kasama ang lolo at lola niya pero hindi niya ako nilapitan dahil sinilip niya lang kami ni Caleb doon sa loob.
Damn, sobrang ingay pa naman nito. Hindi nito patatahimikin bukas ang buhay ko panigurado.