"Anak, bumangon ka na. Lunes ngayon, may pasok ka..."
I immediately opened my eyes when I heard my father's voice enough for me to wake up. Lunes na naman pala. Mula nang makauwi ako rito kahapon ay wala akong pinansin ni isa sa kanila dahil sa labis na tampo.
Myself has back... Naramdaman ko lang talaga kahapon na hindi ako 'yon, the way I acted. Pero alam kong temporary lang 'yon dahil ngayon ay naramdaman ko ang katamaran na magsalita gaya ng dati.
"Ashia, Anak... pasensiya talaga kahapon, ha? Hindi ka na kasi namin nakita nang sinubukan kong hanapin ka dahil sa rami ng tao at minadali na rin ako ng Mama mo dahil may lesson plan pa raw siyang gagawin."
Dali-dali akong bumangon.
Lies... 'yan ang naisip ko nang sinabi niyang minadali siya ni mama dahil may lesson plan pang gagawin. Gusto niya lang talagang maiwan ako. I had seen her doing her lesson plan last friday completely.
"Si Akisha ay halos maiyak na dahil hindi ka mahanap pero kinarga na agad siya ni Lucie pauwi. Pasensiya na talaga, Anak... alam kong nagtatampo ka."
"Ayos lang, Pa. I'm used to it." Agad na akong tumayo at nagpunta sa banyo para maligo.
"Aalis na ako para sa trabaho, Anak. Mag-iingat ka." Narinig kong sabi niya sa kwarto ko habang ako'y nasa banyo.
I didn't answer him. I just continued taking a bath. Nang matapos ay nagbihis na ako ng school uniform at school shoes. Nilagay ko na ang itim kong bag sa likuran at kinuha ang perang binilin sa 'kin ni papa.
"Bakit mo kinaibigan si Ashia? Puro sakit sa ulo lang naman ang dala n'yan."
Nakalabas na ako mula sa kwarto nang marinig ang pag-uusap nila Mama at Venice sa baba.
"Hindi naman po siya ganoon, Ma'am. Kinaibigan ko po siya dahil gusto ko siyang maging kaibigan," sagot ni Venice na pinanatili ang ngiti, pero alam kong nagtitimpi na siya kay Mama. Naka-uniform na rin siya katulad ko. Hindi pala ganoon kalayo ang distansiya ng bahay namin.
Napatigil ako sa paglalakad nang makitang nakangiting hinaplos ni Mama ang pisngi ni Venice na siyang ikinaiwas ko ng tingin dahil may dumaang sakit sa puso ko.
"Ang bait mo, Venice, hija. Sana ikaw na lang ang naging anak ko."
"Mabait din naman po si Ashia, hindi n'yo lang po nakikita." Sa sinabi ni Venice ay nakita kong natigilan si mama. Nakasuot na rin pala siya ng uniform pang-teacher.
There's no trace of emotion on my face when I went downstairs. Mama rolled her eyes at me while Venice's round monolid eyes scream concern when they shifted from my mother to me. Agad akong lumapit kay Mama at nagmano kahit alam kong labag iyon sa loob niya.
"Aalis na po ako, Ma. Tara na, Venice," paalam ko at kinuha na ang kamay niya para makaalis na kami roon.
"Aalis na kami, Ma'am."
"Mag-iingat ka, Venice," ani mama sabay ngiti.
Jealousy crept within me. Hindi ko man lang naranasang masabihan ng ganoong salita mula sa kaniya, ako na anak niya pero sa ibang tao, bakit ang dali-dali lang sa kaniya na sabihin 'yon?
Naramdaman ko ang yakap ni Venice nang makalabas kami. I want to cry but I don't want her to see me in that state. Even if I badly want to, I stopped the urge. Binuntong-hininga ko na lang 'yon.
"I am fine, Venice."
"Hindi ka okay, Shia! Sorry... Sorry dahil sinabi ng mama mo na sana ako na lang ang naging anak niya..." My forehead creased when I heard her sobs while she's still hugging me. "Hindi ko akalaing ganoon pala kasama ang mama mo sa 'yo! Huhu, naiiyak ako sa 'yo. Base sa sh-in-are mo noong last week sa BEC sa youth, mula bata ka pa ganoon ang trato sa 'yo? Hindi ko akalaing nakakaya mong tumira araw-araw na ganoon ang mama mo sa 'yo. Sorry talaga, Shia..."
"You don't need to apologize. Wala ka namang kasalanan. I endured living with her because I have no choice."
Her eyes were still glittering while pouting her lips.
"Itira na lang kaya kita sa amin? Itatakas kita," she whispered seriously which made me chuckle.
Tumili siya nang mahina at niyakap ulit ako nang napakahigpit. "OMG! Tumawa ka! Ashia, ang ganda-ganda mo talaga!"
"Tumigil ka nga." Naging seryoso ako pero nagpatuloy pa rin ang tawa niya. "You are more emotional than me." I shook my head before continued to walk towards the waiting shed.
"Eh, kasi I am sensitive, Shia!" Nilingon ko siya na biglang lumungkot ang itsura.
"If you need someone to lean on, I'm just here, Venice. I know that you're hiding something behind that smile of yours, you can't fool me. I am now your friend."
It was the first time that I gave an advice to someone. Nagulat ako dahil hindi naman ako ganito kay Shiela dati. All I know is I can feel her sincerity and genuineness.
She cried again, so I handed her a handkerchief. Pagkatapos ay inakbayan niya ako, at alam ko lang ay masarap sa pakiramdam kasama siya.
"Alam mo ba, Shia, kung bakit kita gustong maging kaibigan? As in badly?"
"Hindi."
She pouted. "Ito naman, sinisira ang moment ko! Ano kasi, ramdam kong hindi ka katulad ng iba, na totoo ka sa sarili mo. By just seeing your personality, I can say that you're just being true to yourself. Kung nabasa mo na ang essay ko, kasali ito sa nakasulat, uulitin ko lang. You are genuine and I want to befriend someone like that dahil dati... marami akong naging kaibigan na ang gaganda ng trato sa 'kin sa harapan na akala ko'y totoo sila pero hindi ko alam napapaligiran na pala ako ng mga plastik..."
I looked at her whose face now saddened like she's reminiscing about the past.
"What did they do?"
"Tinira nila ako patalikod at sa ibang tao ko pa nalaman. Lumalapit lang sila 'pag may kailangan. Minsan nga'y feeling ko, inaabuso na nila kabaitan ko pero ako namang si tanga, hinahayaan lang sila sa takot na mawalan ako ng kaibigan."
I suddenly remembered Shiela.
"If you are already aware that being with your friends is getting toxic, you should learn to distance yourself from them before you would notice that you are already toxic as well. What I mean of you being toxic is you are being manipulated to be toxic as well by giving all they need and all they want including losing yourself. Yes, losing a friend will be your horror but losing yourself can be compared to death."
Her lips parted after hearing what I said like she can't believe that I just threw an advice again. Nag-iwas ako ng tingin. Naninibago akong may kaibigan na akong katulad niya. We had the same experience about having a friend who just used us and perhaps, that was the bridge for us to be friends.
"Hindi ko akalaing sa kabila ng pagiging tahimik mo ay ganiyan kaganda ang mindset mo. S'werte ko sa 'yo! I love you na!" She put her left arm on my right arm. Instead of getting irritated, I just let her.
"Sinong mga kaibigan ang tinutukoy mo?"
"Si... Shiela at ang circle of friends niya ngayon."
My lips parted before giving her a glance. I never expected that we had the same experience with the same person... rather people.
"Really?"
She nodded. "Kaya nga nainis ako nang magkasagutan kami sa simbahan dahil tanga naman talaga siya sa tanong niya sa 'yo."
I just nodded because my mind was still absorbing what she said.
Nang makarating na kami sa school ay nakakapit pa rin ang braso ni Venice sa braso ko. To my surprise, she unexpectedly opened the topic about what she had texted me yesterday about Caleb and I so I didn't glance at her once more.
"Hoy, Shia! Kitang-kita ko kayo. Sobrang laki pa nga ng ngiti ni Caleb, ah? Alam mo, feeling ko may crush 'yon sa 'yo. Feeling ko lang ha, baka kasi mag-assume ka."
I gibed. "Why would I? As if I'm interested."
Kumawala ako sa kapit niya at dali-dali nang pumasok patungo sa classroom dahil iniiwasan ko ang tanong niya.
"Hoy, Ashia Julienne! Ano ba real score n'yo? Aba ikaw ha, pumapag-ibig ka na!"
Hindi ko siya pinansin. Binalik ko ang pagiging walang kibo dahil iniiwasan ko ang tanong niya. Not that I am shy, I just don't want to answer because I know, she will just tease me more, and I don't want her to see my iritated face.
The whole day class went well. Agaran ko na ring niligpit ang mga gamit ko nang makita si Venice na naghihintay sa 'kin sa labas habang kinakalikot ang cellphone niya. Before I could go outside, I didn't notice the unintentional bump of Shiela on me.
I found myself sitting on the floor but I stood up right away like nothing just happened.
"Ano ba, Ashia? Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!" Shiela roared like a lion.
I want to smirk because of her stupidity again but I maintained my straight face at her. Wala nang masiyadong estudyante rito at ang circle of friends niya na lang din ang kasama niya na tiningnan ako nang masama.
"You're pertaining to yourself, Shiela," I coldly said before walking away from her but I still wasn't able to go outside when I felt her force grab on my right arm. She looked at me angrily.
"At may gana ka na namang sagutin ako nang pabalang pagkatapos mo akong sinagot nang ganoon sa simbahan?! Kapal mo!"
Hinigit ko nang malakas pabalik ang kamay mo. Due to the tips that I've learned in martial arts, I just saw her sitting on the floor.
"Hindi iyon pabalang, Shiela. It's not my fault that truth hurts," huli kong sambit bago ako dali-daling lumabas at hinatak nang mahina ang kamay ni Venice na nagulat.
Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masapak 'yon.
People really change, huh? Or she isn't really changing because it was her true color from the very start.
"Hoy, anyare roon? Inaway ka ni Shiela?"
"Wala. Pabayaan mo na 'yon," sagot ko kay Venice. I am too lazy to tell a story.
"Ano nga? Inaway ka? Resbakan ko, gusto mo?"
Umiling ako.
"Oh siya, sige. Shia, nandoon si lola sa Plaridel, sa bahay ng kapatid niya, pinapunta niya ako. Kinuwento na kita sa kaniya at sinabi kong isasama kita roon... ayos lang ba?"
I stopped from walking and took a glance at her from behind.
"Ilang oras ba tayo roon? Magsasaing pa ako sa amin, pagagalitan ako ni Mama." That statement made me filled with horror. She's really my greatest fear and weakness.
"Sandali lang, promise! Ako naman magpapaliwanag sa Mama mo. Sige na, please?"
In the end, I nodded while breathing heavily.
Ilang sandali pa'y nakasakay na kami ng jeep patungong Plaridel. I put my earphones into my ears to listen a music. Sakto ring una kong napindot na kanta ni Troye Sivan ay Youth kaya hindi sinasadyang naalala ko ang kahapon. So, Caleb also knows about this song?
Wait, why am I even thinking about it?
"Para po." Venice gave the fare to the driver. I was about to give fare for myself but she insisted.
Nakakunot ang noo kong nagpatianod sa kaniya dahil tumatakbo siya patungo sa isang malaking bahay na may pulang gate. Katabi ng bahay at mayroong isang tindahan na may malaking bahay rin sa likuran.
"Wait, Venice. May kailangan pa akong bilhin para bukas sa klase. Dito ko na lang bibilhin, d'yan sa malapit sa tindahan." I immediately grab back my hand from Venice's hands. Kinuha ko sa bag ko ang pitaka.
"Ay, sige. Hihintayin kita rito, ha? Kumatok ka lang. Papabili rin pala ako ng illustration board para na rin bukas. Baka same tayo ng pinapabili ni Miss Salcedo, 'di ba?
Tumango ako sa kaniya. "I'll be the one to pay for you."
"Shia, 'wag! Ako na!"
"Bawi ko lang," tipid na sagot ko bago siya kinawayan para pumunta nang tindahan.
My forehead creased when I saw three guys in front of the store who were wearing a complete uniform for senior high in Plaridel.
Ang isang lalaki ay may hawak na gitara at may isang batang lalaki sa harapan niyang ngiting-ngiti nang tumugtog ito. Mabuti na lang at umalis na ang dalawang lalaking naka-uniform but the one guy remained who was holding a guitar.
I closed my eyes in irritation. Ayaw ko pa namang bumili sa tindahan kapag may lalaki.
Despite of the fact that there's a guy in front of the store, I managed to wear a straight and emotionless face when I walk towards there. I should remain my unbothered composure.
Nang makarating ako ay kita ko sa peripheral vision ko ang paglingon sa 'kin ng lalaki pero hindi ko ito nilingon. Ito talaga ang kinaiinisan ko kapag pumupunta sa tindahan.
I heard the slow strums of the guitar played by the guy, and beside him was a kid, but I didn't glance at them. I familiarized the tone of the song that he's currently playing... Youth by Troye Sivan.
"Ganda, 'di ba?"
"Opo, sobra. Crush mo, Kuya?"
"Ssh, 'wag kang maingay..."
Naririnig ko ang bulungan ng dalawa pero hindi ako lumingon although the voice of the guy was familiar. Kanina pa ako sumasambit ng 'tao po' rito pero walang tumatambad na tindera. I closed my eyes because of so much irritation at the moment.
"Walang tindera riyan, Julienne. Kanina pa rin ako naghihintay rito pero walang sumasagot."
Napahigpit ang kapit ko sa backpack ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. The one who calls me Julienne. Nanatiling walang reaksiyon ang mga mata ko nang nilingon siya.
His lips were like wanting to curve for a smile. He's wearing a complete uniform including an I.D. Ang batang lalaking nasa tabi niya ay sobrang laki ng ngiti na nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa.
"Bakit ngayon mo pa sinabi? So I looked stupid here all along?" Hindi ko napigilan ang inis ko.
Imbes na maalarma siya ay tinawanan niya lang ako. Kung alam naman niyang wala naman pa lang tindera rito, sinabihan na niya ako kanina pa.
"Eh, Ate, gusto ka pa raw niya matitigan nang malapitan kanina, e! Crush ka po ni Kuya Caleb!"
Biglang lumambot ang ekspresiyon ko nang marinig ang batang nagsalita at matingnan siya, dahil ayaw kong mandamay ng pagkainis lalo na't bata siya at si Caleb naman ang kinaiinisan ko.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ng bata. I just looked away. I thought he would deny it right away or whatever but he just continued strumming his guitar and his lips curved for a smirk when I glanced at him once again.
So, inaamin niya?
"Huwag kang maniwala kay Rob, Julienne..." There, he denies it but I doubted it. I don't give a f**k, anyway.
"Okay. Not really a big deal," sabi ko at aalis na sana pero narinig ko ang boses ng tindera.
"Pasensiya na kayo, ha? Anong bibilhin n'yo?" tanong ng tindera na dalaga pa.
Dali-dali akong lumapit dito at bumili ng dalawang illustration board. She apologized, but I didn't say anything. Ano bang sasabihin ko?
Nang nasa kamay ko na ang dalawang one fourth illustration board ay medyo nahirapan ako kaya napakunot ang noo ko.
"Hoy, Caleb, tulungan mo naman 'tong maganda mong girlfriend!"
I almost glared her but gladly, I managed to control my irritation.
"Hindi ko siya girlfriend, Shane."
I looked at Caleb whose face now turned red like a tomato similar to what he looked like yesterday when I complimented him.
"Asus, pakunwari pa, e! Tulungan mo nga!"
"I can manage myself. And yeah, he's right, I'm not his girlfriend," I said, almost showing my gritting teeth, before turning my back.
Habang naglalakad ay naisipan kong mag-online sa iba't-iba kong social media accounts because it's been a while since I last opened all of my accounts. I just used my phone for important matters.
Naglalakad na ako ngayon patungo sa sinabing bahay ni Venice kanina habang ang dalawang illustration board ay hinawakan ko sa kaliwang kamay at ang cellphone ko ay nasa kanang kamay.
I first opened my f*******: account. Wala namang bago, ganoon pa rin. Hindi naman ako famous katulad nila Shiela at ng iba pa naming kaklase, and I don't really care. My profile picture is I was playing a piano on the picture but I'm not looking on the cam. I just clicked the 'only me' on the privacy setting.
Pero nagulat ako sa dami ng friend request. I clicked it, at bumungad sa 'kin ang mga pamilyar at hindi pamilyar na mga pangalan.
Most of them are my co-youth servants from other Barangays... what made me stop from walking is one of them is Caleb. I immediately accepted his request because I know him.
Nagpunta naman ako sa twitter at i********:. Kumunot ang noo ko nang makita ang kaisa-isang nag-follow sa 'kin sa twitter at i********: dahil wala naman akong followers. Wala rin akong icon at bio but my username is my name.
@ce_alonzo followed you on twitter.
@elijahalonzo followed you on i********:.
I stalked the @ce_alonzo and I realized that it was Caleb. He has 500 followers. What made me stunned for a moment is his bio.
In God's perfect time, I hope we can be together, my hope (A), and my youth (J).
I accidentally refreshed the phone, the reason why I saw his new tweet.
@ce_alonzo:
Kids do not lie, my youth.