Reena De Ocampo "Ang ganda rito, Love." Nakangiting nililibot ko ng tingin ang dagat at nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi ko na maisip kung kailan huling beses akong nagpunta ng beach. "Yes, Love. This property is mine and soon there will be yours too." Naramdaman ko ang pagyakap ni Trivor mula sa likod ko saka hinalikan ako sa leeg. Agad akong humiwalay sa kanya. Alam na alam ko na ang mga style na ganito ni Trivor. "Nanglalandi ka na naman Trivor McCain." "What? I love kissing your neck. It's like a marshmallow and the smell is like strawberry. Alam mo naman na paborito ko ang strawberry." Natatawang aniya. "Ewan ko sa'yo. D'yan ka na nga." Kinuha ko na ang dalawa sa backseat at inilagay sa kanya-kanyang stroller. "Trivor, anak ikaw na ba 'yan." ani ng isang matandang babae na

