Trivor McCain "Man, ilang linggo na lang ikakasal ka na." ani ni Chris. "Kinakabahan na nga ako paano kung umatras si- Aray! Ba't kayo namamatok?" Daing ni Travis habang hinihimas ang ulo niya na binatukan nina Kuya Clay at Chris. "Feeling mo ikaw ang ikakasal? Ba't hindi mo pa ayaing magpakasal si Claire." ani ni Kuya Clay. "Sa susunod na baka maging sukob pa." aniya. "Congrats at goodluck, Man." ani ni Chris. "Thank you, Man. Akala ko hindi na ako magmamahal muli pero ito binigay niya sa'kin si Reena at ang kambal namin." "Mabait ang panginoon hindi ka niya hahayaang mag-isa. Siguradong din si Valerie saan man siya naroroon." ani ni Chris. "Boss Trivor, nakita namin 'to sa harap ng gate at nakapangalan po sa inyo." Inabot sa'kin ang isang brown envelop na nakapangalan sa'kin. "

