Chapter 1

1734 Words
Reena De Ocampo Mag-iisang buwan na akong nagigising tuwing umaga na parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. Tila naging asawa ko na ang inidoro dahil ito naj lagi ang nakikita ko pagkagising ko. Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at sumuka na naman ng puro laway. Ganito na ang routine ko sa araw-araw. Parati na rin akong inaantok na hindi naman ako antukin. Natatakot naman akong magpa-check up baka ano na ang sakit ko tapos ma-de-depress ako at mamatay. Ayoko pang mamatay ng maaga marami pa akong pangarap sa buhay. "Bakla, ano bang pinagkakakain mo? Araw-araw ka ng nagsusuka r'yan at tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin ang putla-putla mo na. May sakit ka ba na ayaw mong sabihin sa'kin?" ani ni Perciciano o Percy, ang pinsan s***h bff kong bakla. "Wala akong sakit, no. Umalis ka na nga r'yan nagugutom na ako baka gusto mo ikaw ang-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumabat si bakla. "Kadiri kang bakla ka. Hindi ako tomboy at saka hindi tayo talo. Magpinsan tayo." aniya. Napataas ang kilay ko. Ano bang sinasabi ng baklang 'to? Di kaya iniisip ng baklang 'to na papatulan ko siya? "Bakla ka! Iniisip mong papakpakin kita? Linisin mo nga 'yang nilulumot mong utak. Kung ano-ano ng kababalaghan ang pumapasok d'yan." "Bakit, hindi ba? Sinabi mong baka gusto mo ikaw ang-" "Paglulutuin ko. Bakla ka, hindi ako i-moral para patulan kita." Natatawang ani ko. "Oo na. Sorry na. Ako na ang may berdeng utak." aniya. "So, ano? Tatabi ka na dahil nagugutom na talaga ako." Nagbigay daan naman si Bakla para makadaan ako. Pagkarating ko ng kusina agad akong naghanap na pwedeng lutuin sa loob ng refrigerator. Nangunot ang noo ko nang wala akong makitang ingredients para sa gusto kong kainin kaya isinara ko na lang uli ref. Nakalumbaba akong napaupo sa high chair malapit sa kitchen counter. Gutom na gutom na talaga ako. "Akala ko ba gutom ka na bakla. Bakit nakalumbaba ka r'yan? Ang dami r'yang pagkain sa ref." aniya na kakapasok pa lang ng kusina. "Wala r'yan ang gusto kong kainin, e." Kainis naman, e, hindi ko namalayan naubos na pala 'yung stock ko ng pancake at pineapple tidbits. "Ang alin 'yung pancake? Ay! Bakla para kang naglilihi. Buntis ka ba? Teka, paano ka mabubuntis wala ka namang boylet. Don't tell me nakipag-jugjugan ka sa kahit sino? O to the M to the G-O-D!" aniya saka nahihinang napaupo sa harap ko. Kaloka talaga 'tong baklang 'to. Ako buntis? Paano mangyayari 'yun ni wala nga akong boyfriend at hindi ako nakikipag- "Hoy! Bakla, nangyari sa'yo? Namumutla ka lalo. Malala na ba ang sakit mo? Dadalhin na kita sa ospital. Sabi mo wala knag sakit. Magsalita ka naman. Kinakabahan na ako sa'yo." Natatarantang aniya. "Okay lang ako may naalala lang. Perciciano-" "Eww! 'Wag mo nga akong tawaging Perciciano nakakabawas ng kagandahan, e." aniya. "Oo na Percy. Wala akong sakit at hindi ako buntis kaya manahimik ka na r'yan. Anong oras na, o, baka malate ka na naman sa klase mo." "Oo nga pala baka wala na akong abutang estudyante sa classroom ko. Pero sigurado ka bang ayaw mong dalhin kita sa ospital." aniya. "Wala nga akong sakit. Kaloka 'to. Umalis ka na nga. Tsupi." Pagtataboy ko sa kanya. Pagkaalis ni pinsan. Dali-dali akong nagpalit ng damit at nagtungo sa pinakamalapit na botika sa'min. Posibleng buntis nga ako. Hindi ako dinatnan no'ng nakaraan linggo. Wala namang palya buwan-buwan ang 'yung dalaw ko. 'Yung pagsusuka tuwing umaga, 'yung pagiging antukin, 'yung pancake na may pineapple tidbits sa ibabaw ang siyang lagi kong hinahanap at no'ng nagjujugan kami kahit lasing ako kitang-kita at damang-dama ko na hindi kami gumamit ng proteksyon. Tatlong pregnancy test kit para sigurado ako sa kung ano ang magiging resulta nito. Sinunod ko lahat ang instructions na nakasaad sa lalagyan ng PT. Kapag isa raw linya ang lumabas ibig sabihin negative, hindi ako buntis kapag dalawang linya ang lumabas ibig sabihin positive, buntis ako. Maingat na nalipag ko ang isang PT sa may lababo habang hinihintay ang resulta. Makaraan ang ilang minuto kinuha ko muli ang PT. Napatalon ako sa tuwa nang makita ko ang result ng PT na isang linya lang. Hindi naman sa ayokong mabuntis. Ang sa'kin lang hindi pa ako handang maging isang ina lalo na't wala pa akong matinong trabaho at nakikittira lang ako sa Auntie ko, nanay ni Percy. Napalis ang tuwa ko nang unti-unting nagiging visible ang isa pang kulay. Na nagsasaad na buntis nga ako. Sinubukan ko ulit ang dalawa pang PT at gano'n pa rin ang resulta. Buntis nga talaga ako. Napahawak ako sa maliit kong tiyan. "Baby boo, kapit ka lang, a. Kakayanin natin 'to ni mama." ---***--- "Bakla, ang aga mo yata. Hanggang alas-sinko ka pa sa eskwelahan, a. 'Wag mong sabihing nag-undertime ka na naman." ani ko nang makitang papasok si bakla. "Hindi kasi ako mapakali, bakla baka kasi tinatago mo lang 'yang sakit mo at malala na pala. Ayokong malawan ng pinsan na maganda tulad ko." aniya. Bigla akong naluha sa sinabi ni bakla. Ang swerte ko kahit hindi ko nakilala ang totoo kung pamilya, e, napunta naman ako sa mabuti at itinuring akong parang totoong kadugo. "Hala! Bakit naiyak ka bakla? Totoong may sakit ka nga at malala na? O to the M to the G-O-D! Dadalhin na kita sa ospital sa ayaw at sa gusto mo." aniya saka binuhat ako na parang sako ng bigas. Hala maipit si baby boo ko. "Bakla, ibaba mo ko. Naiipit nag baby ko." Pinaghahampas ko ang likod niya. Kahit naman dugo pa itong nasa sinapupunan ko. Baby ko pa rin 'to. "Aray! Bakla, ang bigat ng kamay mo baka nagkalasog-lasog na 'yung rib cage ko." Hindi pa rin niya ako binibitawan hanggang makalabas kami sa pintuan. "Bakla, kapag itong baby ko paglabas flat ang ilong puputulan talaga kita." Bigla siyang napatigil at may pag-iingat na ibinababa ako katabi ng kotse niya. "Bakla, preggy ka? Paano nangyari 'yun?" aniya. "Siguro nagholding hands kami tapos ayun nabuo si baby." Sarkastiko kong ani. "Hindi naman nakakabuntis ang makipagholding hands. Hindi naman ako preggy kung sino-sino na lang 'yung nakaka-holding hands ko." aniya. Tinalikuran ko siya at bumalik sa loob. Ma-i-stress lang ako at si baby boo ko sa baklang 'to. "Teka, saan ka pupunta bakla? Mas dapat tayong pumunta sa ospital." aniya. Dahan-dahan naman niya akong nilalayan papasok sa kotse. "Bakla, paano nangyaring nabuntis ka- I-mean paano? Hindi ka naman masyadong lumalabas ng bahay." aniya habang ini-i-start ang kotse. "Remember last month no'ng inaya kitang magbar tapos hindi ka nakasipot kasi inaya mo ng date 'yung anak ng may-ari ng school na pinapasukan mo." "Excuse me, ako ang inaya bigla ng date ng bruhildang 'yun, no. Alam mo naman na mga kalahi ni adan ang bet ko at hindi kalahi ni eba. Teka nga lang, bakit sa'kin napunta ang usapan. So, ituloy mo na ang kwento. Kailangan detalyadong-detalyado." aniya. "E, bakla, hanggang umorder lang ng inumin 'yung naalala ko. Alam mo naman kapag ako'y nalasing pagkagising hindi ko na maalala kung ano ang nangyari." Nang magising ako kinaumagahang masakit 'yung ano ko at wala na akong kahit na anong saplot sa katawan. "Bakla ka! E, nakita mo ba 'yung mukha ng lalaki?" aniya habang seryosong nagmamaniho. "Hindi, e. Dali-dali na akong umalis no'n." I'm sorry pinsan nagsinungaling ako. Ayoko ng gulo may girlfriend o asawa na 'yung tao. Naalala ko ng hinalikan niya ako tinawag niya ako sa ibang pangalan. Siguro broken hearted lang 'yung lalaking 'yun at nagpakalasing. "Hay naku! Kasalanan 'to ng bruhildang 'yun. Aahitan ko talaga siya ng kilay 'pag nagkita kami." aniya habang mahigpit na nakahawak sa manobela. "Bakit naging kasalanan ni Mitchie?" Minsan hindi ko talaga mawari ang pinag-iisip ng baklang 'to. "Kung hindi niya inayang makipagdate sa kanya, edi, sana na napuntahan kita hindi sana ka nalasing at nakipagjugjugan sa kahit na sino. Malay mo napakapangit pala ng nakaano mo. Hindi ko matatanggap." aniya. "Kapag ba pangit ang anak ko hindi mo matatanggap. Pwes! Ipara mo r'yan at bababa ako." Walang hiya 'tong baklang 'to. Gawin ko siyang lalaki, e. "Joke lang naman bakla. Kahit ano pa si baby tanggap ko, no. I'll be the best ninang in the world, universe rather. Pero sana maganda siya." aniya. "Ewan ko sa'yo." ---***--- Matiwasay naman kaming nakarating sa ospital. Dumeritso kami sa kakilalang obstetrician-gynecologist ni Percy. "Oh! Percy, nandito ka. Buntis ka? Ay! Hindi ka pala mabubuntis dahil wala kang matres." Natatawang ani ng doktora. "Makatawa kang bruha ka. Itong pinsan ko baka kako buntis magpapacheck up kami at para malaman naming gwapo ba o maganda ang inaanak ko." aniya. "Gaga! Maghintay ka muna na ng apat o limang buwan para malaman ang gender ng baby. Hi! Pasensiya ka na. Ako nga pala si doktora Michelle Gaviola." Baling sa'kin ni doktora Gaviola. "Reena De Ocampo. Pagpasensiyahan mo na 'tong pinsan ko." "Naku! Sanay na ako sa baklang 'to. Kilala mo siguro si Mitchie Gaviola kapatid ko na patay na patay rito kay Perciciano." Natatawang ani ni doc Gaviola. "Ikaw bruha ka! Percy hindi Perciciano. Ipapakasal kita Shawncy." ani ni bakla. "Ay! Bet ko 'yan. Anyway, Reena have you tried pregnancy test kit?" ani ni doc Gaviola. Tumango ako at ibinigay kay doktora ang tatlong pregnancy test kit. "Okay. Halika humiga ka rito sa gurney." Inalalayan naman ako ni Bakla mahiga sa gurney habang si doktora may hinilang aparato. Nang komportable na akong nahiga sa gurney lumapit si doktora at may nilagay na oil sa'king tiyan. "Bruha, hindi ba delikado 'yan baka mapano ang pinsan at inaanak ko n'yan." ani ni bakla. "'Wag kang mag-alala safety 'to. Ito talaga ang ginagamit naming mga doktor para ma-detect at makita kung ano man ang nasa tiyan ng pasyente. Tingnan niyo 'to." Sabay kaming napatingin sa monitor. "Itong bilog na 'to ang baby mo, Reena." Naluluhang napatingin ako sa monitor. Ang baby boo ko. "Bakit dalawang bilog? Dalawa ba ang ulo ng inaanak ko?" ani ni bakla. "Gaga! Dalawang bilog dahil kambal ang baby." ani ni doc. "O to the M to the G-O-D! Congrats bakla!" Hindi ako makapaniwala. I'm having a twin. Baby boos ko 'wag niyong mahirapan si mama, a.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD