Chapter 2

1192 Words
Reena De Ocampo "Pasensiya ka na miss, lalaki talaga ang hanap ng boss ko." Buong araw akong naghahanap ng trabaho at pang walong fast food chain ko na 'tong ina-apply-an ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako matanggap-tanggap. Keyso raw lalaki ang hinahanap nilang service crew o di kaya'y wala ng bakante. Ang hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na't kapag hindi ka nakatapos ng pag-aaral. "Sige po. Salamat na lang po." Bagsak ang mga balikat nang ako'y makauwi. Isang araw na naman ang nasayang. "Nakauwi ka na pala, bakla? Kumusta ang paghahanap mo ng trabaho? Nakahanap ka na ba?" ani ni Percy nang makarating ako ng bahay. "Wala pa rin, e. Bakla, baka may hiring sa eskwelahan niyo kahit janitor ayos lang basta may trabaho ako at makapag-ipon para sa panganganak ko." "Sinong manganganak?" Sabay kaming napatingala ni Percy sa itaas. Kahit hindi ko lingunin si Percy sa tabi siguradong pareho kaming nanlalaki ang mga mata. "Auntie/My!" sabay naming ani. Akala ko ba sa susunod na linggo pa ang balik ni Auntie. Ilang beses akong napalunok habang sinusundan ng tingin si Auntie pababa ng hagdan. "Sino nga ang manganganak?" Pag-uulit nito. Abot langit ang kaba ko nang pasadahan ako ng tingin ni Auntie Dina. "Alam ko pong lagi niyo po kaming pinapangaralan at malaki pa po ang pangarap niyo para sa'ming magkakapatid at magpinsan. My, I'm really sorry, buntis po ako." Mangiyak-ngiyak na ani ni Percy habang nakaluhod sa harap ni Auntie Dina. Kung nasa ibang sitwasyon nga lang kami ngayon paniguradong sasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Ginaya pa kasi nito si Toni Gonzaga sa Four Sisters and the Wedding. "Ako'y tigilan mo Perciciano Makaraeg V hindi ka buntis wala kang matres." ani ni Auntie Dina. "My naman, its Percy. Bakit naman po kasing sinunod niyo pa sa mga kanunununuan natin ang panglan ko." Nakasimangot na ani ni Percy. "Nandito na po ako!" ani ni Pearl, ang bunsong kapatid ni Percy. "My, nandito ka na? I miss you." ani ni Pearl saka dinamba ng yakap ang ina. "Bitawan mo na nga ako. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa tapos ang klase mo, a." ani ni Auntie Dina. Bumitaw sa pagkakayakap si Pearl at hinarap ang ina. Nakahinga naman ako ng maluwag nang naiba ang usapan. Mabuti na lang at late nang nakauwi si Pearl. "Galing po ako sa bahay ng kaklase ko. Gumawa po kami ng project namin." ani ni Pearl. "Sana naman nagpaalam ka nang hindi ako nag-aalala." ani ni Auntie. "Ang akala ko po kasi sa susunod na linggo pa po ang uwi n'yo." ani ni Pearl. "Ganyan ang isang 'yan, My. 'Pag wala po kayo rito kung saan rumarampa." sabat ni Percy. Noon pa man hindi na magkasundo si Percy at si Pearl. Spoiled bratt kasi itong si Pearl. Pearl wants. Pearl gets. Habang si Percy noong kaedaran niya ay kailangan pang maka-perfect ng dalawang exam para makuha ang gusto. "Sino kaya, no, ang naggagala sa ospital sa oras ng trabaho." Nakangising ani Pearl habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Percy. "Bakit sino ang nasa ospital?" ani ni Auntie. Namumutlang napatingin ako kay Percy habang siya ay pinandilatan ang kapatid. "Nakita ko kanina sina Oppa at Eunnie sa ospital pumasok sila sa clinic ng isang ob-gyne." ani ni Pearl. Napakapit ako sa braso ni Percy nang nakaramdam ako ng hilo. "Bakla, anong nangyayari sa'yo." Bulong ni Percy. "Sino naman 'yang si Oppa at Eunnie na sinasabi mo?" ani ni Auntie. "Sino pa, edi sina-" Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Pearl nang tuluyan ng nandilim ang paligid ko. ---***--- Nagising nang may narinig akong nagtatalo sa labas ng kwarto. "My, wala ng ibang mapupuntahan si Reena." ani ni Percy. "Sana naisip niya 'yan bago nagpabuntis." ani ni Auntie. "My, it's my fault kung bakit nabuntis si Reena kung-" "Bakit ikaw ba ang nakabuntis? Hindi na magbabago ang isip ko. Papalayasin ko 'yan sa pamamahay ko." ani ni Auntie. Naiyak na lang ako. Walang ibang may kasalanan kundi ako pero hindi ko pinagsisisihan ang pagdating ng baby ko. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Mommy. Gagawa-gawa ka lang naman kasi ng milagro nagpabuntis ka pa." Napalingon ako sa pinto at nakita ko sj Pearl nakacross arms habang nakangisi sa'kin. Noon pa man hindi rin kami magkasundo ni Pearl. Inis na inis siya sa'kin dahil laging siyang nakukumpara sa'kin ni Tito Mar nong nabubuhay pa ito. Nang maayos na ang pakiramdam ko. Bumangon na ako sa kama at kinuha ang di kalakihang bag sa gilid. Isinilid ko ang mga damit ko iilang gamit. "Bakla, pasensiya ka na hindi ko napabago ang isip ni My." ani ni Percy na kakapasok pa lang ng kwarto. "Mabuting mawala na siya rito. Kahihiyan lang ang dala niya sa pamilyang 'to." ani ni Pearl. "Kahihiyan? Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan? Akala mo ba hindi ko alam na nagpalaglag ka ng bata?" ani ni Percy. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Percy. Matagal na niyang sinabi sa'kin ang tungkol dito. Gusto nga nitong sabihin kay Auntie pero sinabi kong hayaan na lang na si Pearl ang magsabi rito. "Pa-paano mo nalaman?" Namumutlang ani ni Pearl. Tinalikuran ko na sila at lumabas ng kwarto. "Mabuti naman at hindi na kita pipiliting palayasin sa pamamahay ko." Bungad ni Auntie sa'kin. "Salamat sa lahat-lahat, Auntie." Kahit hindi maganda ang trato niya sa'kin nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil binigyan niya ako matutuluyan. "'Wag na 'wag mo akong matawag-tawag na Auntie hindi kita pamangkin at mas lalong hindi kita kamag-anak. Lumayas ka na rito nagdadala ka lang ng kahihiyan sa pamilya namin." ani ni Auntie. Nakayukong tinungo ko ang daan palabas. "Bakla, alam kong wala ka pang pera sa ngayon. Ito tanggapin mo. Ihanap mo ng mauupahan nang may matuluyan ka at pangkain mo na rin. 'Wag mong pababayaan ang sarili at si baby sa tiyan mo. 'Wag mo ring kalimutan i-text o tawagan ako kapag kailangan mo ng pera." aniya. Hindi ko napigilang maiyak at niyakap si bakla. Ang swerte-swerte ko talaga nakahanap ako ng isang tulad niya. "Salamat sa lahat-lahat bakla. 'Wag kang mag-alala babayaran kita kapag nakahanap na ako ng trabaho." "Ano kaba wala 'yun. 'Wag mo na lang akong bayaran para rin naman sa inaanak ko 'yan. Tama na nga pati ako naiiyak na rin." aniya. Pagbukas ni Percy sa maliit na gate bitbit ang bag ko agad nagpulasan ang mga kapitbahay naming nakikiusyuso. "Mga itsurang froglets 'to! Ihahatid na kita sa labasan bakla." aniya. "Hindi na bakla baka hanapin ka ni Auntie." "Sigurado ka bakla. Ang dami pa namang loko-loko r'yan sa labas." aniya. "Sige na." Ningitian ko si Percy para maibsan naman ang pag-aalala niya. Nagsimula na akong maglakad hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin na may panghuhusga sa'kin. Wala rin naman akong pakialam kung ano man ang tingin nila sa'kin ngayon. Ang mahalaga sa'kin ay ang baby ko. Marahan kong hinahaplos ang maliit ko pang tiyan. "'Wag kayong mag-alala baby boo ko. Kaya natin 'to. 'Wag kayong bibitiw kay mama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD