Third Person POV Kasalukuyang naghahanap ng trabaho si Reena. Ilang fastfood chain na ba ang kanyang na-apply-an pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tinatawagan ng mga ito. Huminto siya sa isang karenderia nang makaramdam ng gutom. Pasado alas-dose na pala kaya nagrereklamo na ang mga alaga niya sa tiyan. "Manang, isa po nitong combo meal number 3." aniya sa tindera. Nakailang subo palang siya nang biglang may isang lalaking malaki ang katawan na parang isang goon ang tumabi sa kanya. Nakasuot ng puro itim, naka-leather jacket. Hindi parang mukha talaga itong goon sa pelikula. Nakaramdam ng takot si Reena kaya hindi na niya natapos ang pagkain saka dali-daling umalis. Nakahinga siya nang maluwag nang nakalayo na siya sa karenderia at hindi siya sinundan ng lalaki. Ngunit, hindi n

