Third Person POV Tahimik na binabaybay ng mag-asawang Gregory at Sabel Murray ang daan papunta sa kanilang quarter. "Ang tahimik mo ata ngayon, Sweetie pie. Hindi ako sanay. May nangyari ba kanina?" ani ni Gregory. Sinamaan ng tingin ni Sabel ang asawa. "May pagkatanga ka rin minsan. Nakalimutan mong may natutulog sa likod." ani ni Sabel. "Grabe ka naman sa'kin, sweetie pie. Pasensiya nakalimutan ko." ani ni Gregory. "Bilisan mo na lang d'yan nang makarating tayo agad sa quarter. Kanina pa tayo hinihintay ni Boss." ani ni Sabel. Tatlong-pong minuto nang makarating ang mag-asawa sa quarter. Pagkababa ng dalawa agad namang kumilos ang kanina pang nagkaabang na dalawang lalaki. Dali-daling binuhat ang mga ito ang wala pa ring malay na si Reena at isinakay sa strecher na kanilang dala.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


