Chapter 1

1952 Words
LIESELOTTE “Liesel, pinapatawag ka ni Sir Peñaflor sa opisina niya.” Natigil ako sa pagbibilang ng barya sa aking maliit na pitaka nang marinig ang sinabi ng katrabaho ko na si Katy. Kumunot ang aking noo at napaisip kung mayroon ba akong maling nagawa ngayong araw para ipatawag ng boss naming pogi pero may sariling mundo. “Bakit daw?” Tumayo na ako sa aking puwesto at nilapitan ang babaeng naglalako ng ulam sa loob ng office. Nagbigay ako sa kaniya ng benteng tig-pipiso bilang bayad. “Ampalaya po yung akin.” “Baka tatanggalin kana?” natatawang sagot sa akin ni Katy at binuksan ang binili nitong fried chicken na kumalat ang nakakagutom na amoy sa loob ng opisina. Napangiwi tuloy ako dahil sa biglang pagkulo ng aking tiyan. “Nako, Liesel! Baka kung ano na namang katangahan ang ginawa mo,” gatong ng isa ko pang katrabaho na si Fred. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang i-bully ako dahil sa mas mataas daw ang kaniyang pinag-aralan kaysa sa akin. Sa trabaho naman namin ngayon ay mas mataas ang sales ko kumpara sa kanilang lahat. “Wala akong ginagawang mali para tanggalin, ‘no!” Lumapit sa akin si Katy at tinapik ako sa braso na akala mo ay close kaming dalawa. “Oo nga wala kang ginagawang mali, pati ginagawang tama, wala rin.” Binalot ng halakhak nila ang opisina namin dahil sa biro niya. “Funny ‘yon?” saad ko at inismiran ko lang siya. Palibhasa ay siya ang model sa packaging ng product naming. Nang ibigay ng babae ang mainit-init na ulam na naka plastic ay ipinatong ko iyon sa aking lamesa saka naglakad papunta sa opisina ni Sir Peñaflor. Maliit lang ang opisina namin at nasa ikalawang palapag ang opisina ni Sir Cascade Peñaflor. Siya ang may-ari ng Real Beauty Skin Essential na isa sa pinakabagong skin care product sa pilipinas. “Sir?” tawag ko mula sa nakasaradong pinto ng boss namin at kumatok ng tatlong beses. “Sir Cascade?” Nanatali lang akong nakatayo pa ng ilang minuto nang bumukas iyon at bumungad sa akin si Sir Cascade na para bang kakagising lang. Magulo ang buhok at mukhang puyat na puyat sa hindi namin alam na dahilan. Well, wala namang araw na hindi ito puyat. Umupo siya sa kaniyang table at inilahad ang kamay sa bakanteng upuan sa harapan ko. “Sit down, Lieselotte,” nakangiting saad nito at isinara ang laptop. Tumango at umupo. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag. Baka kasi aalisin na niya ako sa trabaho dahil hindi naman mataas ang benta namin. Medyo alanganin din ang ngiti niya na mas lalong nagpatindi ng kaba na nararamdaman ko. Namamawis ang kamay ko at pakiramdam ko ay nauwi sa ngiwi ang dapat na ngiti. “You need money right?” Tila naging dollar sign bigla ang nanlalaki kong mata sa tanong niya. Napakurap ako nang ilang beses at tumuwid ang likod ko. Kung susumahin simula nang nagkatrabaho ako ay hindi pa umaabot ng kalahating milyon ang aking ipon na inilalaan ko sa aking binabalak na pagbubukas ng kaso ng pamilya ko sampung taon na ang nakakaraan. “O-opo,” nauutal na sagot ko at napalunok dahil mukhang may pabor na hihingin ang boss ko sa akin base sa hilatsa ng kaniyang gwapong mukha. Huminga siya nang malalim at mula sa drawer ay kinuha niya ang isang medyo maliit na parehabang papel. Hindi ko pa man iyon nakikita nang maayos ay alam kong tseke iyon. Nagsulat siya doon at pinunit saka inilapag sa kaniyang lamesa saka inilapit sa akin. Napalunok naman ako at nanginginig ang kamay na dinampot iyon at tinitigan nang mataman. “F-fifty… fifty thousand pesos?!” bulalas ko sa nakasulat na presyo. Katumbas iyon ng ilang buwan na sahod ko dahil minimum wage lang naman ang aking kinikita dito. Lumunok ako ng laway at tumawa nang pagak dahil hindi ako makapaniwala sa aking nabasa. “Yeah, you read it right—” “Back pay ba ito, Sir?” Natigilan si Sir Cascade sa tanong ko at bigla na lang tumawa saka tumayo. Sunod-sunod itong umiling at tumikhim saka muling ibinaling ang tingin sa akin. Ilang minuto siya nakatitig sa mukha ko kaya wala sa sarili na pinunasan ko ang aking mukha at ang sulok ng aking mata dahil baka mayroon akong morning glory na kumakaway sa kaniya. Muli siyang napailing at hinila ang bakanteng upuan saka umupo sa harap ko. “I need a helper.” Ang guhit sa noo ko ay lumalim dahil sa pagtataka sa tanong niya. Napansin niya iyon at napabuntong-hining saka muling tumayo at humalukipkip sa tapat ng kaniyang bintana. Bakas sa kaniyang mukha ang pagdadalawang-isip. Hindi rin ito mapakali na para bang may gumugulo sa kaniyang isip. “Sir, nakakaintindi naman ako ng English. Pero, tama ba yung intindi ko? Kailangan mo ng katulong? Hahanapan ba kita—” “I am offering you to be a helper.” Nabitin sa ere ang mga dapat sasabihin ko dahil sa alok niya sa akin. Tumikhim ako at tumawa nang pagak. Alam ko ay kapag kasambahay ka, buong oras mo ay nagsisilbi ka. Malabo akong magtrabaho sa ganoon dahil pati ang oras ng raket ko ay sasakupin niyon. Tumayo ako at napabuntong-hininga saka naglakad palapit kay Sir Cascade. Binalik ko sa kaniya ang hawak kong tseke dahilan para magsalubong ang kaniyang kilay. “Pasensiya kana,Sir Cascade. Pero kasi—” “Fifty pesos is just initial payment, Lieselotte. My friend who needs a helper can offer a one hundred thousand a month—” “Okay, kalian po ang start ko?” mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko. NAKATAYO ako sa harap ng isang malaking lumang bahay o mas mabuting itawag dito ay haunted house dahil sa nagtataasang damo at nakakatakot na awra. Madilim din ang loob at parang walang tao dahil mukha itong napabayaang mansiyon. Nilingon ko si Sir Cascade na nakasandal sa kaniyang sasakyan. “May tao ba dito, Sir? Para kasing pagpasok ko, multo sasalubong sa akin?” nakangiwing tanong ko sa kaniya na sinagot niya ng tawa. “My friend is a bit outdated, Lies.” Ngumuso ako at binalik ang tingin sa gate. “Montealegre residence,” mahinang basa ko sa nakaukit sa pader. Nilingon ko ulit ang boss ko na tumango. Senyales na kailangan ko ng pumasok sa loob. Huminga muna ako nang malalim at tulad ng gustong mangyari ni Sir Cascade ay pumasok na ako sa loob ng gate. Nilingon ko pa si Sir Cascade na kumaway pa sa akin bago sumakay at isinara ang bintana ng kaniyang sasakyan. Napailing na lang ako at huminto sa harap ng malaking pinto na yari sa matibay na klase ng kahoy. Akmang kakatok ako nang biglang bumukas iyon nang kusa. Lumikha pa iyon ng tunog na kapareho ng mga sa napapanood ko sa horror movie. Hindi pa ako humahakbang papasok dahil baka may kung anong mayroon sa loob. “Tao po?!” malakas na sigaw ko na siniguro kong aabutin pati ang kasulok-sulukan ng second floor. Ilang beses kong inulit ang pagtawag ko na ginamitan ko na ng iba-t ibang tono pero walang sumasagot sa akin kundi ang sarili kong echo. Dahil sa inis ko ay malalaki ang hakbang na pumasok ako ng bahay at nang nasa loob na ako ay bigla na lang nagsara ang pinto nang malakas. Napaigtad ako at nanindig ang aking balahibo dahil sa takot kaya mabilis akong lumapit sa nakasaradong pinto at malakas na kanalampag iyon. “Sir Cascade! Ayoko na! Pauwiin mo na ako!” malakas na sigaw ko ngunit wala akong naririnig maliban sa aking sariling boses. Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na tanggapin ang alok ng boss ko. “Shut your mouth.” Nanlaki ang mata ko at hinanap ang pinagmulan ng baritonong boses na iyon. Mula sa madilim na sulok ay lumabas ang naka-wheelchair na lalaki. Halos sumiksik ako sa pinto nang tumambad sa akin ang boung mukha nito. Mahaba ang buhok na umabot na sa balikat, balbas sarado at higit sa lahat ay ang awra nito na parang matandang ermitanyo. “T-tao po ba kayo?” paniniguro ko dahil sa panahon ngayon wala ng imposible. Mas lalong nanindig ang aking balahibo at gumapang ang takot sa aking boung katawan dahil sa paraan niya ng pagtitig. Napalunok ako ng laway at ipinikit nang mariin ang aking mga mata saka paulit-ulit na nag-sign of the cross. Nang subukan kong imulat ang isa kong mata ay naroon pa rin ang multo na naka-wheelchair at masama na ang tinging pinupukol sa akin. “Boo.” Nanlaki ang mata ko at napatalon dahil sa takot nang magsalita ito. “Sir Cascade! Palabasin mo ako dito! Oh my god! Oh my god! Nagsasalita ‘yong multo!” tili ko at pilit na binunuksan ang door knob. Nanginginig ang labi ko na nilingon ang lalaki at napalunok ng laway nang nagtaas ito ng kilay. Inunat ko ang isa kong braso at hintuturo saka dinutdot ang pisngi braso nito. Napabuntong-hininga ako at bahagyang natawa dahil totoong tao nga ang nasa harapan ko. Matamis akong ngumiti at nang titigan ko siya ay tila namanhid ang bou kong katawan. Bakit parang mas nakakatakot nang nalaman kong tao pala siya? “H-Hi Sir! A-ako po si—” “I don’t need your name,” anito at pinagulong ang wheelchair ngunit agad itong huminto. Tinaasan ako nito ng kilay dahil hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan. Sungit naman! Tumikhim ako at ngumiwi. “Sir, wala ka bang kuryente? Naputulan?” Napaatras ako bigla at pumuwestong susuntok nang itaas nito ang kamay. Kumunot ang noo ko at napapikit nang biglang lumiwanag ang paligid. Kumurap-kurap ako hanggang masanay ang aking mata sa liwanag. Nang magmulat ako ay kasabay niyon ang paglabas ng singhap sa aking bibig. Tumambad sa paningin ko ang kabuuan ng loob ng bahay na akala ko ay isang haunted house. May malalaking chandelier sa itaas at kulay puti ang pintura ng loob ng bahay. Sa unang tingin ay mukhang mamahalin ang mga kagamitan mula sa pinakamaliit na figurines hanggang sa naglalakihang paso na mukha kakasya ako sa loob. “Don’t judge the book by its cover,” usal ko at napangiti nang malapad. “Ang ganda ng bahay niyo, Sir! High-tech!” Napapailing lang ang bago kong boss na muling pinagulong ang wheelchair. Sumunod ako sa kaniya hanggang marating naming ang sala. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil ultimo sofa ay mukhang mamahalin. Tumikhim ako at akmang uupo nang bigla itong magsalita. “Sinabi ko bang umupo ka?” Nabitin sa ere ang pang-upo ko at sa halip na umupo ay pinagpagan ko na lang ang sofa saka muling tumayo ng tuwid. Nakanguso lang ako habang nakatingin sa lalaking ni pangalan ay hindi ko pa alam. Mukhang ang magiging problema ko lang sa lalaking ito ay ang pagiging mainitin ng ulo na daig pa ang babaeng may regla ng isang buwan. “Babae.” Nagtaas ako ng dalawang kilay at tinuro ang aking sarili. “Ako po?” “Sino ba babae sa atin? Hindi ba ikaw?” “Uy! Hindi mo sure,” pang-aasar ko at mukhang hindi niya iyon nagustuhan kaya muli kong sineryoso ang aking mukha. “Joke lang po.” “I can’t remember giving you the right to joke at me,” masungit na sabi niya at humalukipkip. “Okay po, Sir? Ano pong itatawag ko sa inyo—” “Caius…” aniya at tumalikod. “Sir Caius?” Muli niyang pinagulong ang kaniyang wheelchair papunta sa bintana kung saan kita ang gate ng kaniyang bahay. “Caius Montealegre.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD