bc

The Infamous Captain Falls in Love

book_age18+
3.6K
FOLLOW
26.2K
READ
billionaire
spy/agent
revenge
possessive
dominant
kickass heroine
bxg
kicking
realistic earth
seductive
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG/ACTION-ROMANCE)

If there’s a will, there’s a way. That is what the strategic and clever Lieselotte buried in her mind after losing her family in a fire.

***

Lieselotte Guerrero lost her parents and siblings in a fire that no one could explain ten years ago. Despite her traumatic past, she manages to live without the assistance of others, which drives her to investigate the cause of the tragic event that took her family's life.

Due to a lack of resources and information, she accepted her boss's offer to assist a frightening crippled man named Caius Montealegre in exchange for a large sum of money that she could use to find the answer to her question. Her job went off without a hitch.

Not until she discovers the man's true identity and the secrets that make her life as twisted as her braided hair.

chap-preview
Free preview
Prologue
NANIGAS ang buo kong katawan habang nakatitig sa apat na puting parehabang kahon na nakahilera sa harapan ko. Ang apat na puting laso ay may apat na pangalan na halos hindi ko na mabasa dahil sa mga luhang umuusbong sa aking mga mata. Naninikip din ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil na humagulhol. Dahil sa isang sunog na walang nakakaalam kung saan nagmula ay tila kisap-mata na binawi ang buhay ng aking mga magulang at dalawang nakakatandang kapatid. Hindi ko alam kung maswerte ba ako dahil nasa bahay ako ng aking kaklase ng araw na sumiklab ang sunog sa aming tahanan o malas dahil sa isang iglap ay naging ulilang lubos ako. “Lieselotte, nandiyan na ang head ng ampunan na pansamantalang tutuluyan mo.” Hindi na ako nag-abala pa na lingunin ang nagsalita. Walang ibang tumatakbo sa aking kundi ang mga katanungan na hindi ko alam kung masasagot ba. Sino ang gumawa? At higit sa lahat ay, bakit? Napigtad ako nang maramdaman ang banayad na tapik sa aking balikat. Malalalim ang aking hininga at pakiramdam ko ay bubuhos ang aking emosyon anumang oras. “When things go wrong in your life, don’t let yourself stuck on it. You’re alive, and there’s a reason why.” Bahagyang kumunot ang noo ko at nilingon ang pinanggalingan ng mahinhing boses. Bumungad sa akin ang mukha ng isang babae na nakasout ng tila belo na pang-madre. Nakangiti ito sa akin na abot hanggang sa kaniyang mga singit na mata. “Ako si Sister Lily, at simula ngayon ay kami na ang mag-aalaga sa ‘yo,” aniya at itinuro ang mga kasama nito na nakatayo sa entrada ng chapel. “Kaya ko mabuhay mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong ninyo,” pagtutol ko sa gusto nilang mangyari at muling ibinalik ang tingin sa apat na kahon sa harap ko. Matalino akong estudyante at madiskarte kaya sugurado akong kaya kong buhayin ang aking sarili. “Lieselotte, ang mundo ay puno ng mapanlinlang at gahaman na mga tao. Ang iyong ina ay isang mabuting deboto at bilang pagpapasalamat sa pagiging tapat niya sa simbahan ay aakuin naming ang pag-aalaga sa ‘yo—” “Mawalang gala na po Sister lily, pero tulad po ng sinabi ko ay kaya kong mabuhay ng hindi humihingi ng tulong sa iyo o sa kahit na sino.” Kinuyom ko ang aking kamao at tumayo. “At tulad nga po ng sinabi ninyo, puno ng gahaman at mapanlinlang na tao ang mundo kaya wala po akong tiwala sa kahit na sino” Matapos ko iyon sabihin ay naglakad ako palabas ng chapel kung saan nakaburol ang pamilya ko. Tinapunan ko lang ng tingin ang mga kasama ni Sister Lily na nasa entrada at nilagpasan ang mga ito. Sa ngayon ay wala pa akong kayang gawin pero darating ang araw na mahahanap ko ang pumatay sa mga mahal ko sa buhay. Dahil, tulad nga ng lumang kasabihan. If there’s a will, there’s a way. HALOS hindi ako magkaundagaga sa pagkuha ng mga order ng mga customer na nakapila sa aking harapan. Malapit na akong makapagtapos ng vocational course ko gamit lamang ang perang kinikita ko bilang part-timer sa isang sikat na fast food chain sa maynila. Siguro nga ay maituturing pa rin akong maswerte dahil kahit papaano ay wais at madiskarte ako kaya natuto akong makisabay sa agos ng buhay. Bukod sa pagiging part-time cashier ay nagbebenta rin ako ng mga damit, pagkain at kahit cellphone load ay pinatos ko na malamanan lang ang aking sikmura. “Lieselotte! P’wede kana umuwi, nandito na si Luisa!” sigaw ng manager naming na nasa kabilang bahagi ng counter. “Thank you, Ma’am!” Mula sa likuran ko ay sumulpot si Luisana na kapalitan ko. Bakas pa sa mukha nito ang puyat dahil sa pakikipaginuman kagabi sa iba ko pang mga katrabaho. Nang matapos ang shift ko nagsout muna ako ng jacket at lumabas na ako. Dumiretso ako sa sakayan ng jeep. Ngunit hindi pa man ako nakakasakay ay nasipatan ko na si Kuya Lando na palinga-linga at malamang ay ako ang hinahanap. Dise-syete pa lang ako at sa ikasampung pagtakas ko sa ampunan ay ito na ata ang pinakamatagal na nahanap nila ako na umabot ng anim na buwan. Hindi sinasadyang dumako sa akin ang kaniyang mata at nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo palapit sa akin. Napatalon naman ako at mabilis na tumakbo palayo. Sa anim na buwan ko ay nakabisa ko ang pasikot-sikot ng lugar dahilan para mabilis ko siyang matakasan. Pumasok ako sa isang bar at hinubad ang aking sout na jacket at basta ko na alng itinapon sa ilalim ng lamesa. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ng mga nakaupong nagiinuman. Kinuha ko ang tray na bitbit ng isang waitress at lumapit sa isang table na may isang lalaking nakaupo. Bahagya kong itinagilid ang aking ulo at napakunot-noo nang makitang pumasok sa loob si Kuya Lando. Inilibot nito ang tingin sa paligid at napakamot ng batok saka muling lumabas. Inilabas ko ang hiningang pinipigil ko at napangisi. Akmang tatalikod ako nang bigla akong hablutin ng lalaki na nasa table at pinusasan. “Raid ‘to!” Nanlaki ang mata ko at pilit inagaw ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak niya. Inilibot ko ang mata ko at napaawang ang aking labi nang Makita kung paano magkagulo ang mga tao sa loob ng bar. Napakurap ako at ibinalik ang tingin sa lalaki na tumayo na at masama ang tinging pinupukol sa akin. “Ang bata mo pa pero imbes na pag-aaral ang inaatupag mo, nandito ka sa lugar na ito!” Mula sa tray na bitbit ko ayu kinuha niya ang maliit na pakete at napapailing na pinakita iyon sa akin. “Nagkakamali po kayo, hindi po ako nagtatrabaho sa lugar na ito—” “Sa presinto kana magpaliwanag.” Napamura ako at napakagat labi dahil sa isang kapalpakan na nagawa ko. Nakatakas nga ako kay Kuya Lando pero sa kulungan naman ang bagsak ko. Kung minamalas ka nga naman oh. KASAMA ko ang iilang babae na nakayuko at ay may takip na damit sa ulo habang nakaupo sa loob ng presinto. Napatingala ako nang lumapit sa akin ang isang lalaki at tinitigan ako nang mataman na para bang pati at kaloob-looban ng kaluluwa ko ay nakikita niya. Ang mukha nito ay maikokonsidera kong pogi at pati katawan nito ay para bang kayang-kaya niya akong tupiin sa sampu. Hindi siya ang humuli sa akin kanina dahil mas mukhang matanda iyon kanina. “She’s not working at the club, Lieutenant,” anito na hindi inalis ang tingin sa akin. Sunod-sunod akong tumango sa sinabi niya. “Tama! Mga bossing. Pakawalan niyo na ako dahil marami pa akong kailangang gawin.” Pinanliitan ako ng mata ng lalaki. “But don’t set her free. We don’t know her or her real agenda.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng lalaking iyon at pinanliitan rin siya ng mata. Akala ko pa naman siya ang magpapatunay na hindi ako sangkot sa gulo na ito kundi nadamay lang. “Judge ka ba?” tanong ko at inismiran siya. “Judgemental mo kasi.” Lumalim ang kunot ng kaniyang noo at napailing. “Naninigurado lang kami—” “Alam mo, Sir. Kahit baliktarin niyo ako at itaktak ay wala kayong makukuha sa akin dahil wala naman akong kinalaman ditto,” pagpupumilit ako at pinalamlam ang aking mata na nakatitig sa kaniya. “Please, pakawalan niyo na po ako.” Hindi ako pinansin ng lalaki at tumalikod saka sumunod sa isang opisyal ng pulis. Ilang minute nang bumalik siya at ang mga pulis ay lumapit sila sa akin at inaslis ang posas sa kamay ko. Lumapad naman ang ngiti at tumayo saka lumabas ng kulungan. Matapos kong kunin ang gamit ko ay lumabas na ako ng police station at nang akmang tatawid ay bigla na lang akong hawakan sa braso ng lalaki kanina. Tinaasan ko siya ng kilay at namewang sa kaniyang harapan. “Bakit?” “What’s your name again?” tanong nito at bibitawan ang aking braso. Tumaas ang sulok ng aking labi. “Bakit? Crush mo ako?” pang-aasar ko, “pero sorry ka nalang, hindi kita type.” Nagsimula akong maglakad palayo sa kaniya at kumaway. “See you, mister judgerist!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook