LIESELOTTE TATLONG ARAW NA ang lumipas simula nang mahuli namin si Mammon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita o nagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa Mazuko, at mukhang wala siyang balak gawin iyon. Ang naisuplong naman namin sa pulisya na si Athan ay namatay kahapon dahil sa heart attack na hindi namin pinaniniwalaan. Heart attatck? Baliw lang maniniwala doon! Dagdag pa sa iniisip namin ay si Mary Valenzuela na tatlong sunod-sunod na araw na rin na pumunta sa Sigmund para maging isa sa amin. Napabuntong-hininga ako at pumasok sa coffee shop na nasa labas lamang ng building dahil dito kami magkikita ni Attorney. Pagkaupo ko sa dulo ay ilang minuto lang nang dumating si Attorney. “Kanina ka pa?” tanong sa akin ni Attorney at naupo sa aking harapan. Umilin

