LIESELOTTE TULOY-TULOY ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nakadapa sa ilalim ng kama at pinapakinggan ang pagpupumilit na buksan ang seradura ng pinto. Huminga muna ako nang malalim at lumabas mula sa aking pinagtataguan saka inilibot ang aking tingin. Nang makita ko ang isang may hindi kalakihang vase ay dinampot ko iyon at nagtago sa likod ng pinto. Napaigtad ako nang bumukas ang pinto nang marahas at pumasok ang isang lalaki na hindi ko kilala. Dahil nasa likuran niya ako ay hindi niya ako napansin at agad kong kinuha ang oportunidad na ibagsak sa kaniyang ulo ang hawak. Nabasag iyon sa ulo ng lalaki na biglang humandusay sa lapag. “Shet! Shet! Sorry! Ikaw kasi e,” saad ko at tumingkayad na hinakbangan siya at akmang lalabas nang mahawakan ako nito sa paa at hinila hanggang s

