LIESELOTTE NAKATITIG lang ako kay Boss Caius habang abala siya sa pakikipag-usap sa tatay ni Aniza na ngayon ko lamang nalaman na narito rin pala. Mukhang siya rin ang may-ari ng lugar na ito dahil halos lahat ng nakakakita sa kaniya ay boung respeto siyang binabati. Muli kong binaling ang aking tingin kay Boss. Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib dahil sa pabilis na pabilis na t***k niyon dahil sa hindi ko maipaliwanag na emosyong lumulukob sa akin. Ganito ba talaga kapag may crush? “Anong ginagawa mo?” nakangising tanong ni Hunter na hinarangan ang tingin ko kay Boss Caius. “Nagba-bayang magiliw, bakit? Inggit ka?” masungit kong sagot sa kaniya ngunit sa halip na mainis ay humalakhak lang siya. “Anong bayang magiliw? Lupang hinirang ‘yon!” natatawa niya pa ring sabi

