LIESELOTTE RAMDAM KO ang dahan-dahan na pagdaloy ng hangin sa aking lalamunan dahil sa pagluwag ng pagkakahawak ni Caius sa aking leeg matapos niyang marinig ang pagtawag ko sa kaniya ng Kapre. Mabilis pa sa kabayo na hinabol ko ang aking hininga at sunod-sunod na umubo habang pinipilit ko pa ring alisin ang kamay ni Caius sa leeg ko. Shet! Hindi ako p'wede ma-dedo sa kamay ng jowa ko! “K-Kapre...” bigkas kong muli na napapangiwi dahil kahit maluwag na ang pagkakahawak niya sa leeg ko ay ang mga daliri niya naman ang bumabaon sa aking balat. Pakiramdam ko ay dumudoble ang sakit na nararamdaman ko na maliban sa pisikal ay yung puso ko parang nilalakumos. Hindi ko nga alam kung may epekto sa kaniya ang pagtawag ko ng 'Kapre' pero base sa nakikita kong pagbabago ng reaksyon niya at baha

