Trinity Pagkababa ko ng sasakyan ay nagmamadali akong pumasok sa entrance ng building na pag-aari ni Mr. Smith. Nang gagalaiti ako sa galit dahil sa ginagawa nito sa aking pamilya, Kinausap ako ng aking mga magulang at gusto nila na pakasalan ko si Mr. maniac upang hindi mawala sa amin ang kumpanyang naipundar ng aking mga magulang. Tutol ako sa desisyon nila kaya ako na mismo ang pumunta sa opisina nito para makausap ko ito ng masinsinan. Maaga palang ay nagpahatid na ako sa aming driver kasama ang ilan sa mga tauhan ng aking ama. Pagpasok ko sa entrance ng lobby ay nagulat ako sa inakto ng mga empleyado dito. Dahil ng makita ako ng mga ito ay halos ang lahat ay huminto sa kanilang mga ginagawa at sabay na nagsiyuko sa akin. Kung umakto ang mga ito ay para bang kilala na nila ako ga

