Habang nakapikit ay dinadama ni Trinity ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha dahil sa malakas na pag-ulan. Kasalukuyan siyang nasa University upang magpa-enrolled dahil sa Pilipinas na niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. Katatapos lang niyang kunin ang schedule para sa kan’yang mga subject at ngayon ay nandito siya sa isang waiting area upang hintayin ang kaniyang sundo. Habang nagmumuni-muni ay nakarinig siya ng isang malakas na sigaw at dahil sa curiosity niyang taglay ay hinanap niya kung saan nagmula ang sigaw. Isinuot niya ang hood ng kanyang jacket bago lumabas sa gate ng University parang may sariling utak ang kan’yang mga paa dahil natagpuan na lang niya ang sarili na nasa isang bakanteng lote. Hindi alintana ang pagkakabasa niya mula sa ulan habang pinagma

