Carla’s POV “Bakit hindi nyo sinabi sa akin Papa na ikinasal na pala si Hendrix nangako ka sa akin na gagawa ka ng paraan para makasal kami!” “Kung hindi pa ako nagpunta sa kumpanya ni Hendrix ay hindi ko malalaman!?” Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata labis akong nasaktan ng malaman ko na ikinasal na pala ang lalaking minahal ko ng buong puso. Naging busy ang schedule ko sa trabaho maraming project ang dumating sa akin at dahil sa passion ko na ang pagmomodel ay nalibang ako ng husto. Kaya nawala ang atensyon ko kay Hendrix ng bumalik ako dito sa Pilipinas ay natuklasan ko buhat sa secretary nito na ikinasal na ang binata at kasalukuyang nagdadalang tao na ang naging asawa nito halos ikabaliw ko ang pagkawala sa akin ni Hendrix. “Enough

