After three years Mahigpit na hinawakan ni Trinity ang kamay na umakbay sa kan’yang balikat at buong lakas niya itong hinigit mula sa kanyang likod at hinagis ang lalaki sa kanyang harapan na siyang ikinaigik nito dahil sa sakit na naramdaman mula sa pagbagsak sa lupa. “Aaggghhh..’ why are you so sadistic!?” Ang tila naiinis na sabi nito habang pinipilit na tumayo. “Don’t you dare to touch me again if you love your life! and I swear! I will not hesitate to break your bones!” Pagkatapos ko itong balaan ay isang nagbabantang tingin ang binigay ko dito. Umayos na ako ng tayo at pinagpagan ang aking damit saka walang pakialam na humakbang palayo sa binata ngunit sadyang makulit ang lalaki at talagang sumunod pa ito sa akin. Siya si Aiden classmate ko sa isang subject, isa siyang American

