Sa loob ng tatlong taon ay naging masigasig sa paghahanap si Hendrix sa kan’yang asawa. Habang lumilipas ang bawat araw na hindi pa rin niya natatagpuan ito ay mas lalo siyang nagiging malupit. Wala siyang pinalalampas na pagkakataon isa-isa niyang pinabagsak ang mga nakakalaban niya sa negosyo hindi siya tumigil hanggang sa mamulubi ang pamilya ng mga ito ngunit ni isa ay wala siyang nakuha na kahit anong impormasyon tungkol sa kanyang asawa. “ Pinaimbestigahan ko sa aking kaibigan na si Andrew ang lahat ng may pangalang Miller at apat na tao ang lumabas na may Apelyidong Miller. Napabagsak ko na rin ang mga negosyo ng tatlong Miller ngunit wala pa rin akong napala dahil napatunayan ko na wala talaga silang kinalaman sa pagkawala ng aking asawa at ngayon ay iisang tao na lang ang natiti

