Trinity’s POV Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking mga gamit dahil sa biglaang pag-uwi namin ng Pilipinas. Next month pa dapat ang flight namin ngunit nagbago ito ng schedule ng makatanggap si daddy ng isang masamang balita kaya nag desisyon ito na ngayong araw na mismo ang flight namin. Wala naman kaming magawa ni mommy kung hindi ang sumunod kahit na bakas sa mukha nito ang pagtutol. Ang sabi naman ni daddy kapag naayos na raw ang problema sa Pinas ay pwede na kaming bumalik muli dito. “Ready na ba ang lahat? Baka malate na tayo sa flight natin.” ang tanong ni daddy na ikinatango ko naman habang si Mommy ay tahimik lang. “Honey huwag ka ng malungkot babalik din naman kaagad tayo dito kapag naayos na natin ang problema sa kumpanya.” Ang pangungumbinsi nito kay Mommy para hindi na it

