Hendrix POV Ngayong araw nakatakda ang paghaharap namin ng mag-asawang Miller at hindi na ako makapaghintay pa na makapiling muli ang aking asawa. Labis na pananabik ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito kung pwede nga lang na hilahin ko na ang oras para makaharap ko na ang mga ito oramismo ay gagawin ko. Bago ako dumiretso sa company ng mga Miller ay dadaan muna ako sa isa sa mga branch ng aking negosyo. Kasalukuyan akong sakay ng aking black Mercedes-benz at ng humimpil ang aking sasakyan sa isang parking lot na nasa harap ng shopping mall ay mabilis akong umibis ng sasakyan. Pagkababa ko ay isinarado ko kaagad ang pintuan ng kotse ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ng isang dalaga sa harapan ng aking sasakyan. May pagmamadali sa bawat kilos nito na mukhang may tina

