Kung ating n~gang lilin~gunin at lilinin~gin ang kamalayahan na
pinangalin~gan n~g m~ga Tagarito ay matatanto nating unauna na doo'y
may kinikilalang tatlong uri n~g tao na dili iba't ang _orang benúa_
(ó taong gubat), ang _orang-laut_ (ó taong dagat) at, ang
_orang-malayo_ (ó taong bayan). Sa una na _orang-benúa_ ay
masasapantaha na siyang pinangalin~gan n~g ating m~ga taong gubat, na
dili iba't siyang sapantaha n~g m~ga kilalang mananalaysay n~gayon. At
ito'y mapaniniwalaan dahil sa pagkakaparis n~g pamumuhay n~g m~ga ito
sa pamumuhay n~g m~ga iyon: maliban marahil ang iba nitó, na gaya n~g
Tingian at iba na sa akala ko'y kauri rin n~g m~ga lahi ritong
kristiano n~gayon na nagsipangubat lamang dahil sa pag-ibig marahil na
manatili sa kanilang kalayaan at sa ganito'y náurong sa pagsulong sa
katalinuan.
Tungkol sa _orang-laut at orang malayo_ ay di mapagtatakhang siyang
pinagmulan n~g m~ga taong bayan dito ayon sa kanilang ayos at paraan
nag pamumuhay.
Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging
taong-gubat ó taong dagat ó taong bayan) baga man suplíng sa isang
lahi (sa lahing Mongol anáng m~ga mananalaysay) ay pangkat pangkat
din, dahil sa nan~gamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y
sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa
iba't ibang pulo, bukod pa sa nan~gatira sa kapatagan n~g Malaka, at
man~gyare--sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay
nagkaiba't iba n~g kaonti at sapagka't ang m~ga Tagarito, sa akala ko,
ay hindi galing sa iisang angkan n~g m~ga yaon, kundi sa iba't iba ay
kaya naman iba't iba rin ang m~ga lipi rito, bukod pa n~ga sa dito
ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.
Tungkol sa m~ga moro sa Magindanaw ay masasapantahang siyang m~ga
huling naparito at ayon sa kapaniwalaan n~gayon ay siyang m~ga kasabay
ó kasunod n~g m~ga taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong
1400.
=Ikaapat na Pangkat.=
=Dating Pamamayan ng m~ga Tagarito=
Bago nagpuno ang m~ga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may
sarili n~g paraa't ayos n~g pamumuno ang m~ga tagarito. Ang paraa't,
ayos n~g pamunuang ito ay di kagaya n~g sa iba't ibang lupaín na may
isang dakilang puno ó pan~gulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at
lalawigan ay maraming pan~gulong may kanikanyang kampon at sakop na
nayon-nayon at lipi-lipi,[1] anopa,t, kaparis din n~g pamunuan sa
España bago nan~gagpaka-pan~ginoón doon ang m~ga Romano't Godo.
Ang bawa't pangkat n~g pamahalaan ay tinatawag na isang _balan~gay_.
Itong salitang balan~gay ay pan~galan n~g sasakyang-dagat na di
umano'y siyang nilulanan n~g m~ga taga Malaya sa pagparito, (basahin
ang pangkat na sasakyan) at ang dami n~g m~ga taong sakáy sa bawa't
isa nito ay tinatawag na isang balan~gay na dili iba't siyang nátatag
na isang pamahalaan. At sapagka't may malalaki't maliliit na sasakyán
ay nagkamalalaki't maliliit namang balan~gay ó pámahalaan.
Ang bilang n~g m~ga tao sa pinakamunting balan~gay ay limang pú at sa
pinakamalakí ay umáabot n~g hangang pitong libo.
Ang ibang m~ga balan~gay ay magkakasundô at hangang sa
naglalakip-lakip[2] upang kung salakayin n~g m~ga kaaway ay huwag
masupil; n~guni't ang pagkakálakip na ito ay sanhi n~g pagkakasunduan
at hindi n~g pagsasáilaliman n~g isa't isá; ano pa nga't bawa't
balan~gay ay may kanya ring sariling pan~gulo, liban na sa panahon n~g
digma na pumipili n~g isang man~gun~gulo sa kanilang lahat.
Ang pan~galan n~g pan~gulo sa bawa't balan~gay ay _Dato_ na ang
kahulugán sa wikang Malaya (ani Dr. de Tavera) ay nuno ó lelong: ano
pa n~ga't dito'y ating mapagninilay na ang ayos sa pámunuan ay isang
pamumuno sa gulan~gan. Itong tawag na _Dato_ na pan~gulo ay nanánatili
pa hanga n~gayón sa Holó't Mindanaw. Ang pan~gulo namang nagpupuno sa
samasamang balan~gay ay nagkakapamagát n~g _Laca ó Raja ó Ladya ó
Radja_. Mula n~g lumitaw ang _mahomatismo_ (pananalig kay Mahoma) ay
ginamit ang salitang _sultán_. Di umano'y may nagpápamagat, din n~g
_Hari_ na siyang dating kapan~galanán sa m~ga dakilang pinuno sa
India, at ang kahulugan sa sanskrito, ani Dr. de Tavera ay Brahma,
araw, Vishnu.
Ang pamumuno n~g pan~gulo ay paratihan ó sa tanáng buhay. At ang
pagkapuno't pagkamáginoo ay minamana n~g anák at kung sakaling wala,
ay m~ga kapatid ó kamag-anak na malapit ang humahalili. Ang tungkulin
n~g m~ga ito ay pagpunuan ang kaníkanyang sakop at kampon at tuloy
lin~gapin ang kanikanilang usapín at kailan~gan; at ang sabihin namán
n~g m~ga ito ay iginagalang at ginaganap n~g kanikanyang sakop na m~ga
tao. Iginagalang din ang m~ga kamag-anak at inapó n~g m~ga puno, na
kung baga ma't hindi nakapagmana n~g pagkapuno ay pawang ibinibilang
namáng taong-mahal at ipinakatatan~gi sa m~ga taong karaniwan. Kung
paano, ang kamahala't pagkamaginoo n~g m~ga lalaki ay gayon din ang sa
m~ga babae[3].
Sa m~ga balan~gay na nabangit ay may tatlong kalagayan n~g tao: Una'y
ang m~ga mahal na pinamamagatang _Maginoo ó Ginoo_; ikalawa'y ang
m~ga nakaririwasa na pinamamagatang _timawa_ (ó payapa) at anáng ibang
m~ga mananalaysay ay _maharlika_; ang pamagat, na sa wikang Malayo ani
Dr. Tavera ay _laya_ ang ibig sabihin; at ikatlo'y ang m~ga alipin na
sa Bisaya'y _oripun_.
Ani Colín, ang m~ga lalaking may mahal na uri ó m~ga _maginoo_ ay
nagpapamagat din n~g _Gat_ ó _Lakan_, gaya n~g _Gat Maitan_, _Lakán
Dula_ at iba pa at sa m~ga babae nama'y _Dayang_ gaya n~g _Dayang
Mati_. Anang iba'y naging karaniwang kasambitan din ang ating
kinauugalian pa hangang n~gayong _mama_ (amain) ó _mang_ sa m~ga
lalaki at ang _ale_ sa m~ga babae.
Sumusunod sa uring ito ang m~ga _timawa_ (payapa) ó _maharlika_
(laya). Ang m~ga ito'y tan~gi sa ibang uri na walang sinasailaliman
libang sa kanilang Dato ó pan~gulo. Hindi rin nan~gagsisibayad n~g
buwis at ang paglilingkod na ginagawa n~g m~ga ito ay ang tungkol
lamang sa naayon sa _ugali_. Itong _ugaling_ tungkulin nila, ay ang
sumunod sa utos n~g pan~gulo ó puno sa panahon n~g digma: kaya't ang
m~ga ito ang siyang nan~gagsisibuo n~g kawal ó hukbo n~g balan~gay at
sa ganito'y may pamagat na _kabalan~gay_. Bukod dito ay tungkulin din
nila ang tumulong sa pan~gulo ó Dato kung panahong nagbubukid ó umaani
at gayon din sa pagtatayo n~g bahay, sa pag-gaod sa sasakyan niya
kung sakaling naglalayag n~guni't sila'y pawang pakain sa loob n~g
boong panahong kanilang ipinaglilingkod.
Ang sumusunod sa nan~gabangit ay ang m~ga _alipin_, na sa Bisaya'y
_oripun_, at m~ga ito'y may dalawang kalagayan n~g pagka-alipin: ang
_aliping namamahay_ at ang _aliping sagigilir_; itong hulí sa Bisaya'y
tinatawag na _n~galon_.
Ang _aliping namamahay_ ay pinagbibigyan pakundan~gan. Ito'y may bahay
na sarili; kaya't may pamagat na _namamahay_, at sa panahong
kinakailan~gan lamang naglilinkod sa pan~ginoon, at ang paglilingkod
na ito ay sa pagbubukid at pag-aani n~g kanyang pan~ginoon, at gayon
din sa sasakyan kung sakaling naglalayag. Kailan~gan din tumulong sa
pagpapagawa n~g bahay n~g pan~ginoon at tuloy naglilingkod sa bahay
nito kung sakaling may panauhin, ano pa n~ga tungkulin n~g _aliping
namamahay_ ang maglingkod sa pan~ginoon kailan ma't kakailan~ganin;
n~guni't natatan~gi sa ibang alipin dahil sa may sariling bahay at
saka hindi naipagbibili. Wala ring namang bayad sa paglilingkod, at sa
madaling sabi ay siyang m~ga tinatawag nating _kasamá_, _bataan_,
_kampon_, _tao_ at ipa pa. Nakalilipat din naman ang aliping ito sa
kalagayang _timawa_ ó _maharlika_ kung nagbabayad sa kanyang
pan~ginoón n~g katampatang halaga na ayon sa kaugalian.
Ang _aliping sagigilir_ ó _n~galon_ ay siyang tunay na alipin na ang
iba'y sa tanang búhay at sa akala ko'y tinatawag na _sagigilir_, dahil
sa di nakalálayo sa gilid ó paligid n~g pan~ginoon. Ang pagkakapagíng
alipin n~g m~ga ito ay dahil sa pagkukulang sa Dato ó pang-ulo, dahil
sa pagdidigmaan, pakikipag-usapín at gayon din sa pag-uutan~gan at
ibp.
Ang m~ga alipin ito ay siyang pinakamalaking yaman n~g m~ga tagarito,
dahil sa nákakatulong silang malabis sa kanilang n~ga bukira't
hanap-buhay, at ang m~ga ito'y naípagbibili't náípagpapalit n~g isang
pan~ginoon sa ibang pan~ginoon, n~g isang bayan sa ibang bayan, n~g
isang lalawigan sa ibang lalawigan at n~g isang pulo sa ibang pulo.
Gayon man, ani Argerzola (sabi ni Rizal), ay hindi lubhang hamak ang
pamumuhay n~g m~ga alipin itó, dahil sa kasalong kumakain sa dulang
n~g kanilang pan~ginoon at hangang sa naáaring mag-asawa sa kabahay
n~g pan~ginoon, maliban na sa ilang masamang pan~ginoon, na saa't saan
ma'y di nawawalâ. N~guni't ayon sa salaysay n~g ibá (wika rin ni
Rizal) ay lumubha ang kalagayan n~g m~ga aliping ito nang masakop n~g
España ang m~ga tagarito hangang sa ang iba'y nan~gagpakamatay sa
gutom at ang iba'y nan~gagpakamatay sa lason, at pinatay n~g ibang iná
ang kanilang anák sa pan~gan~ganák (Basahin ang paaninaw ni Rizal sa
dahong 295 n~g aklat ni Morga).
Ang m~ga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng _namamahay_ at
magíng _sagigilir_ ay nagmamana n~g kalagayan n~g magulang, na siyang
dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin
nitóng m~ga aliping _namamahay_ at _sagígilir_ ay sari-sari, dahil sa
mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang
ikapat na bahagi lamang. Ang dahil n~g pagkakaganito ay mababasa sa
pangkat n~g kaugaliang pinanununtunan sa m~ga kapaslan~gan at
sigalutan.
TALABABA:
[1] Ang ganitong ayos n~g pagkakahiwáhiwalay n~g pámunuan dito ay
minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan n~g isang katao
lamang ang pámunuan dito nang panahong yaon at anomang bagay ay
isásanguni sa isang lugar, ay magiging mabigát sa bayán-bayán, at sa
akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono,
telegrama at m~ga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangúnian.
[2] Ani Rizal, ay di malayong ang ganitóng paglalakip ay malaon nang
inúugali rito, at sa katunayan (anya'y) ang pan~gulo rito sa Maynilá
ay pinakapan~gulong _General_, n~g sultán sa Bórneo; ayon sa patotoó
n~g m~ga kasulatan noong siglo XII.
[3] Ani Rizal ay naáayon sa kautusán n~g katalagahan (naturaleza) ang
pag-uugaling itó n~g m~ga dating pilipino, na higit kay sa m~ga tagá
Europa na nawawalán n~g kamahalan ang babae kung nagsasawa sa mababa
kay sa kanya, dahil sa isinasalalaki lamang ang kamahala't kababaan.
Anya'y isang katunayan ito na ang m~ga babae n~ga rito'y pinagbibigyan
na mula pa noong una.
=Ikalimang Pangkat.=
Dating Pananamit At kalinisan sa katawán n~g m~ga tagarito
Noóng unang dako ang m~ga tagarito ay magkakaibá n~g pananamit; na anó
pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.
Ang pagkakáganitó marahil ay sapagka't galing sa iba't ibang dako n~g
Kamalayahan ang m~ga tagarito at inugali n~g isa't isa ang pananamit
sa kanikanyang bayang pinangalin~gan.
Dito sa Luzón (sa ilang lalawigan marahil) ay nananamit ang m~ga
lalaki n~g _kanyan_ (barong _azul_) na lagpas n~g kaunti sa baywang,
isinasara sa harap, walang liig at maikli ang man~gás; n~guni't may
nagsusuot din n~g kulay itim. Ang sa m~ga maginoo'y kulay-pulá at sa
India pa nangagaling. Bukod dito'y nagbibigkis sa baywang n~g isang
kumot na tulóy ibinabahag; ang hita'y litaw, ang m~ga paa'y walang
suót at ang ulo'y walang takip maliban sa isang makitid na panyo na
mahigpit na itinali sa noó at kimót-kimutan na pinan~gan~ganlang
_potong_ ó _putong_. Ang _putong_ na ito ay iniiíkid n~g sari-saring
paraan, na kung minsa'y wari _turbante_ n~g m~ga _moro_ na walang
_bunete_, at kung minsan nama'y nakapulupot na parang kubóng n~g
_sumbrero_. Ang nagmámatapáng ay naglálawit, n~g m~ga dulo n~g
panyóng ito na pinaáabót hangang sa batok. Sa kulay nang panyo ay
napagkikilala ang pagkapuno, dahil sa siyang ginagamit na
pinakasagisag sampu sa kanilang pakay at kataasan. Ang síno mang hindi
pa nakakapatay (marahil sa digmá), n~g isa man lamang, ay hindi
tinútulutang gumamit ng _putong_ na pulá at kaya't makagamit n~g ikid
ó pugong na parang _corona_, ay kung nakápatáy na n~g pitó. Ang
pinakadagdág na kasuutan ay isang mainam na nakukulayang kumot na
isinasalabat sa balikat, saka ibinubuhol sa may ibaba n~g bisig, at
ang káyong dinaramit ay sutla't babarahin. Bagay naman sa paghihiyas
ay nan~gagkúkuwintás n~g tinanikalang ginto na iniíkid sa liig at ang
pagkakákawing-kawíng ay gaya n~g sa m~ga taga Europa; nan~gagsusuót sa
bisig at galang-galan~gan n~g kalombigas (pulsera) na gintong tinipi
at may anyóng sarisari, na tuloy sinásaglitan n~g mahahalagáng batóng
kawigin at ágata, puti't bugháw ang m~ga pinakamahál. Anáng iba'y
gumagamit din n~g garing; at sa m~ga daliri naman ay nan~gagsisingsing
n~g ginto't iba't ibang bató.
Sa ibang dako naman (sa katagalugan marahil) ay may kaibhán dahil sa
nan~gagbabaro at nan~gagsásalawal ang m~ga lalaqui, at kung may
pinaróroonan ó napasa sa simbahan (sa pagparoon lamang sa m~ga
simbahan, sa akalá ko) ay nananamit n~g isang kasuutang kulay itim na
kung tawagi'y _sarampuli_. Ang kasuotang ito'y mahaba na abot hangang
paa at ang mangas ay makipot na di umano'y isang kasuotang lubhang
mahinhín. Kung isuot ito n~g m~ga tagalog ay buo at parang sapot, na
ano pa't sa ulo pinapagdáraan at isang kasuotang karaniwan. Ang m~ga
babayi naman ay nan~gagbabaro at nan~gagsasaya, at kung may
pinaroroonan (sa pagpa sa simbahan din marahil) ay gumagamit n~g isang
pantakip sa ulo na abot hangang paa at kulay itim ang pinakapipiling
kulay, saká nan~gagtatapis; n~guni't ito'y higit na inuugali sa
katagaluga't kapanayan kay sa kabisayaan. Bukod dito'y nan~gaglalagay
sila sa buhok n~g pusod na tangalin (postizo) na ang ipinang-aalalay
n~g lalaki't babae ay ipit na ginto ó pilak na may batóng _perlas_ ó
_diamante_ sa pinakaulo, at kung hindi naglulugay n~g buhók ang lalaki
ay nagtatalí sa noo n~g panyô na kung tawagi'i _purug_ at ang m~ga
babae namán kung napasasadaan ay nan~gagsasalakot na ang tawag sa
Bisaya'y _sarok_.
Sa lalawigan nang Sambales, ang lalaki'y nag-aahit n~g buhók sa
harapán n~g ulo at sa kaymotan ay nag-iiwan n~g isang kumpól na lugáy
na, aní Rizal, ang ayos na ito n~g pagbubuhok sa Sambales at ang
pananamit n~g m~ga taga Bisaya, ay nahahawig sa _kimono_ Hapón, At ang
m~ga babae sa lalawigang itó ay nan~gagbabaro n~g sarisaring kulay at
nan~gagsasaya rin, at ang m~ga may mahal na uri ay nan~gagkukundiman,
nan~gagsusutla at nan~gananamit n~g iba't ibang káyo na pinamumutihan
n~g ginto at n~g sari-saring gayák na palawít; nan~gagkukuwintas n~g
tinanikalang ginto, nan~gagkakalombigas (pulsera) sa galang-galan~gan,
nan~gaghihikaw sa tain~ga n~g makapal na tiping ginto at
nan~gagsisingsíng sa daliri n~g ginto rin at sari-saring hiyás.
Sa Katanduanes naman ay nan~gagsasaya ang m~ga babae n~g ayon sa ugali
n~g m~ga taga Bisaya, nan~gagsisigamit n~g mahahabang balabal, ang
buhók ay pusód, na mainam ang pagkasuklay at sa noo'y may sintás na
nababatikan n~g ginto, na ang luwang ay dalawang dali. Sa bawa't
tain~ga ay nakahikaw n~g tatlo, isa sa kaugalian n~gayon at ang
dalawa'y sa may dakong itaás na magkasunód: at marahil ay ang m~ga ito
rin an sinasabi ni P. Chirino na nagsisipaggayák n~g kakatwa sa
bukong-bukong.
Ang m~ga taga Bisaya naman ay nan~gaggugupit n~g buhók na kagaya n~g
sa dating kaugalian sa España at nan~gagpipinta sa katawan n~g
sari-saring anyô at kulay. Ang pagkakapinta'y mainam at bagay-bagay at
anang iba'y hindi lamang katawan ang pinipintahan kundi pati n~g
baba't kilay. Ang paraan n~g pagpipinta, bago gawín ay ginuguhitan
muna n~g mán~gan~gatha n~g akalang maáayo't mábabagay sa katawan at
gayon din sa p*********i ó p********e, saka pinipintahan. Ang panguhit
na ginagamit ay kawayang parang _pincel_ na matulis ang dulo at siyang
ipinangduduro hangang sa lumabas ang dugo, saca binubúdburan n~g
pulbós, ó kung dili ay usok n~g sahing na maitim, na kailan ma'y di na
man~gun~gupas. Hindi pinipintahang bigla ang boong katawan, kundi
bahabahagi, at datiha'y hindi muna nagpipinta hangang hindi
makapapamalas n~g anomang katapan~gan. Ang m~ga bata'y hindi
nagpipinta n~g n~guni't ang m~ga babae ay nagpipinta n~g Isang boong
kamay at n~g bahagi n~g ikalawá. Dito sa pulo n~g Luzón ay
nan~gagpipintá rin ang m~ga taga Iloko, hindi lamang lubós na kagaya
n~g sa m~ga taga Bisaya. Sa paghihiyás ay nan~gaghihikaw n~g
malalaking hikaw na ginto at garing at nan~gagkákalombigas; sa ulo'y
nan~gakakulubóng n~g ukáng Wari _turbante_ na may batíkbatík na ginto;
nan~gagbabaro n~g makipot at mahaba na walang liig, at sa harapán
isinásará. Hindi nan~gagsasalawal, kundi bahág lamang na ibinibigkis
sa harapán. Ang m~ga babae'y may magagandang anyo't kilos, malilinis
at, makikisig na lumakad; ang buhok ay maitím mahaba at nakapusód,
nan~gakatapi sa baywang n~g kayóng sari-saring kulay at nan~gakabaro
n~g walang liig; hindi nagsisipagsuot sa paa, n~guni't, nan~gaghiyas
na nagsisipagkuwintás n~g ginto, nagsisipaghikaw at
nagsisipagkalombigas.
Bagay namán sa kalinisan, lalaki't babae at lalo na ang m~ga máginoo,
ay totoong malinis sa kanikanyang katawa't bihis; nan~gagpapaitim na
mainam n~g buhók na nagsisipaggugo at nagsisipaglan~gis n~g lín~gáng
may paban~gó. Sa n~gipin ay lubhang main~gat na lahat, na mula sa
pagkabata ay pinapantay n~g m~ga bato't iba pang m~ga kasangkapang
pangkiskis at pinaiitim hangang sa tumanda, na tuloy sinasaglitan n~g
ginto at nililinis pagkakain at pagkakagising.
Bata't matanda ay naliligo sa m~ga ilog at sa malaking bangbang na,
ani Morga'y, kahi't sa anong oras, dahil sa di umano'y inaaring
pinakamainam na kagamutan: kaya't pagkapan~ganak (anyá) n~g babaye ay
agád naliligo at pati bata'y pinaliliguan din[4]. At ani Colin, ang
karaniwang oras na ipinaliligo ay sa pagkalubóg n~g araw, pagkatapos
n~g gawain at sa pangagaling sa pakikipaglibing na naging kaugalian
din sa Hapón. Saka kung naliligo ay mahinhing naúupo na inilúlubóg ang
katawán hangang sa lalamunan na nan~gagpapakain~gat upang huwag maging
tudláng n~g matá nino man.
TALABABA:
[4] Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa
pinakaiin~gatan n~g m~ga tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain,
pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at
iba pa.