bc

Playing the Billionaire's Love Game

book_age18+
128
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
HE
forced
playboy
arrogant
heir/heiress
sweet
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

"Sino ka?" sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. "Nasaan ako?"Hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay humakbang s'ya papalapit sa akin dahilan para mapahakbang ako nang paatras. Tinignan ko s'ya ng deretso sa mga mata kahit na madilim ay kitang kita ko ang matalim n'yang pagtitig sa akin. Hindi ba s'ya titigil? mauubusan na ako ng aatrasan! Nang tumama ang likuran ng tuhod ko sa kama ay napangiwi ako at huminto naman na s'ya. "This is kidnapping! kung hindi ka titigil, tatawag ako ng police!" seryoso at takot kong babala sa kan'ya. Narinig kong napatawa s'ya nang mahina at napailing. "You're funny, Ms. Star Levine.""Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kinakabahan kong tanong. "I bought you and you have no other choice but to marry me, Ms. Star Levine," seryoso n'yang sambit sabay hinawakan ako sa pulso at tinaas ang kamay ko.  "You will play as the Billionaire's wife."

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Star Levine's POV: "Star! Baka nakakalimutan mo yung hulog ngayon sa renta natin?" Bungad ni Mama sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. "Baka naman may extra kapa d'yan, anak? Pangbili ko lang ng materyales sa inaayos na lamesa natin." "Ate! Akala ko ba bibigyan mo ako ng pera para makapag-salon na ako?" Kakauwi ko lang galing trabaho pero heto agad ang mga bumubungad sa akin na salita. Huminto ako sa tapat ni Mama at nilabas ang wallet ko, mabuti na lang at sahod ko ngayong araw kaya naman may maibibigay ako sa kan'ya. Nag-abot ako ng dalawang libo para sa renta ng bahay. "Star! Yung akin?" Lumapit si Papa sa akin. "Aanhin mo ho yung pera?" Tanong ko sa kan'ya. "Ipangaayos ng lamesa natin." Napatingin ako sa lamesa namin at nakitang wala naman itong sira. "Ayos pa naman yung lamesa Pa. Ipang-iinom at sigarilyo mo lang ata," hininaan ko ang huling sinabi ko pero narinig n'ya ito kaya naman hindi na ako nagulat nang hawakan n'ya ako sa braso at kuhain ang wallet ko. "Pera ko 'yan!" Sigaw ko habang naiiyak na lang at pilit na inaagaw ang wallet ko sa kan'ya. "Pa! Ako rin! Pang salon lang kasi may event akong pupuntahan bukas," sambit ni Ilia sabay lumapit sa amin at inabutan s'ya ni papa ng isang libo galing sa wallet ko. "Thanks ate!" Tumingin si Ilia sa akin sabay ngumiti ito at lumabas na ng bahay. "Sabing pera ko 'yan! Wala kayong karapatan kumuha d'yan!" Malakas kong sigaw pero naramdaman ko na lang ang malakas na sampal sa akin ni Papa. Napahawak ako sa pisngi at kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko. "Anong walang karapatan?! Pinalaki, pinakain at pinag-aral ka namin! Pano kami nawalan ng karapatan?" Galit na tanong n'ya sa akin sabay hinagis ang wallet sa paahan ko. "Sa susunod na sumagot ka pa, hindi lang 'yan makukuha mo sa akin." Nakita kong nagbulsa s'ya ng dalawang libo sa pantalon n'ya at lumabas ng bahay. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko at naninikip ang dibdib. "Ayan, kung magbigay kana lang sana edi sana hindi ka nakatikim. Nagkatrabaho ka lang lumaki na kasi 'yang ulo mo. Akala mo kung sinong mayabang, sa fast food lang naman nagtatrabaho." Tumayo si Mama at nagtungo sa kwarto n'ya. Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang wallet. Nang makitang isang libo na lang ang natira ay mas lalong sumikip ang dibdib ko. Paano ako makakapag-ipon nito para sa tuition ko sa college? Malapit na ang pasukan. Ayoko namang huminto dahil mapag-iiwanan ako ng mga ka-batch mates ko. Dali-dali akong umakyat at nagtungo sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto at umupo sa sahig sabay niyakap ang mga tuhod. Hanggang kailan ko titiisin ang ganitong buhay? Araw-araw ay parehas lang ang nangyayari. Pakiramdam ko ay hindi nila ako pamilya. Bakit ganito pakikitungo nila sa akin? Napahinto ako sa pag-iyak nang tumunog ang phone ko saglit. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng jeans ko at nakitang lumabas ang isang notification sa taas ng screen. Happy birthday, Star Levine! Tinignan ko ang date at nakumpirmang birthday ko nga pala ngayong araw. Ni wala man lang akong magandang damit na masuot at pagkaing handa. Kahit nga lang bati mula sa kanila ay wala. Pamilya ba talaga nila ako? Pinunasan ko ang luha at tumapat ako sa salamin, ayoko na nang ganitong buhay. Sobrang naaawa na ako sa sarili ko na simula high school pa lang ay nagtatrabaho na para lang may pangsuporta sa pag-aaral ko tapos ay wala pang natitira sa akin. May mga araw na parang gusto ko na lang sumuko at magpakamatay pero iniisip kong maraming tao ang lumalaban sa buhay. Sana ay isang araw, makahanap rin ako ng rason para lumaban. Nagbihis ako ng pulang dress na napaglumaan ko na at lumabas ng bahay. Walang tao sa loob, sigurado akong nasa sugalan si Mama, si Papa naman ay nakikipag-inuman habang ang nakababatang kapatid ko ay nasa salon at nagpapaganda dahil mahilig s'ya sumali sa mga beauty pageants. Nagpunta ako sa isang bakery at bumili ng isang chocolate flavored cupcake sabay maliit na kandila. Tumambay ako sa mini playground na malapit sa amin, palubog naman na ang araw kaya wala ng mga bata rito. Umupo ako sa swing tapos ay pinatong ang cupcake sa lap ko at tinusok ang kandila dito sabay sinindihan. Napatingin ako sa langit na kulay kahel. Sobrang ganda nito. May mga iilang grupo pa ng ibon ang malalaya at mabibilis na lumilipad. Nakakainggit sila. Kaya nilang pumunta sa kung saang lugar man na gusto nila. Naramdaman kong namumuo na naman ang mga luha ko kaya agad ko silang pinunasan. Ayokong umiyak ngayong kaarawan ko. Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa cupcake. Pumikit ako at mahinang sinabi ang wish ko, "Sana.. makaalis na ako sa buhay na 'to." Dumilat ako sabay hinipan ang kandila. Nang tikman ko ang cupcake at napangiti na lang ako dahil sobrang sarap nito. Tuwing nalulungkot ako ay ito lang ang kinakain ko at kahit papano ay nababawasan naman ang bigat sa dibdib ko. "Sht.." Napakunot ang noo ko nang makarinig ako nang para bang may nahulog na gamit at isang lalaking nagmura. Napalingon ako sa bandang likuran ko na puno ng mga matataas na halaman at puno. "Sino 'yan?" tanong ko sabay tumayo habang hawak-hawak ang cupcake. Hindi iyon sumagot kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko. "Guni-guni ko lang ba yun?" tanong ko sarili. Napakibit balikat na lang ako at bumalik sa swing tapos ay pinagpatuloy ang pagkain. Ngayong nagpapahinga ako ay tsaka ko lang naramdaman ang pagod ng katawan ko. Nag-overtime kasi ako sa trabaho kanina dahil kailangan ko ng extra na pera pero mukhang hindi ko rin maiipon ang susunod kong sahod dahil panigurado ay palagi na nilang kukuhain ang pera ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook