Monique “Cut!” ang sigaw ni Direk. “That was wonderful. Hindi ko akalain na ganito ang kalalabasan ng shooting natin. Lahat ng anggulo ay sobrang ganda at talagang pinagbigyan tayo ng panahon dahil sobrang aliwalas and at the same time solemn talaga na bagay na bagay sa ending.” ang masaya pa nitong sabi. “Alright, everyone pack up na!” ang huling turan nito habang pumapalakpak at nagsimulang magmando sa mga staff and crew. Nakakatuwa na malaman na natapos na rin ang aming mga pinaghirapan at base sa mukha ni Direk ay panatag ako na maganda ang kalalabasan ng pelikula. Marami na rin ang nag-aabang dito at ang mga fans ko ay hindi na rin mapigilan sa kakatanong ng tungkol sa progress ng shooting. Ngayon ay masaya ko ng maibabalita sa kanila na kailangan na lang nilang hintayin ito sa laha

