Drix Nakaalis na ang mga kasamahan staff and crew pati na rin ang ibang co-stars ni Melchora sa shooting noong makalawa at heto kami kasama ang bestfriend niya na naggagala pa at sinusulit ang Paris. Hindi naman sa ayaw ko na kasama namin si Nets at ang bodyguard nila na naiwan sa Paris. OK lang kahit gumastos ako ng husto dahil alam kong mahalaga sa kanya ang mga ito lalo na ang kaibigan. Kaya lang gusto ko siyang masolo. “Drix, huwag kang mag-alala dahil magkakasarilinan din kayo ni Melchora mo. Ikaw naman yang mukha mo hindi maipinta porket kasama ako.” ang puna sa akin ni Nets. “Wala akong iniisip na kung ano man ha.” syempre nag deny ako dahil nakatingin sa akin si Melchora. “Naku talaga naman, deny to death pa. Kahit si Melchora alam yang tumatakbo sa isip mo.” ang sagot din niya

