Nets “Where are you again?” ang tanong ko. Nagulat na lang ako sa tawag mula kay Monique na inaakala kong masaya ngayong sinasamantala ang pagsasama nila ni Drix dahil sa isang linggo naming pagkawala ay alam kong na miss nila ang isa’t isa. Lalo na ito na panay ang sabi sa aking gusto na niyang matapos ang shooting sa lalong madaling panahon. Ano ang nangyari at tumawag ito at sinasabing nasa bahay ko siya sa Laguna? “Kailangan ko pa ba talagang ulitin?” ang sagot naman niya sa akin na patanong din. “Basta kung sakaling magtatanong sayo si Drix ay huwag mong sasabihin kung nasaan ako.” Ang dugtong pa niya. “Ano ba kasi ang nangyari sa inyo?” ang tanong ko ulit, “Ano, totoo talaga yung picture? Inamin niya?” dagdag ko pa dahil naiintriga na ako. Wala naman sa hinagap ko na magagalit ng

