Nets “Parang gusto mo ngang maitanim ko ang kamote ko sayo, ah.” Naipilig ko ang aking ulo dahil sa naisip ko dahil na rin sa sinabi niya. Kaya naman bago pa ako mawala sa sarili ay bahagya ko na siyang itinulak palayo. Hindi pwede ang magpadala ako ng ganito sa kanya. Nakakasira ng ulo ang panunukso ng damuhong ito sa akin. Hindi dapat, at kailangan kong puntahan si Monique. At nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang aking kaibigan. Hindi ko tuloy malaman kung sasabihin ko ba dito ang tungkol sa kapatid niya or what. “What are you doing here?” ang tanong ko ulit. “At huwag mong maisagot sagot yang kamote mo at ilalaga ko yan kapag ipinagpilitan mo.” ang dagdag ko pa. “Basta ba kakainin mo pagkatapos eh walang problema,” ang sagot nitong nakangisi pa. “Walang hiya ka talaga manya

