Mel “Titigilan mo na ba ako ng pangungulit mo kapag pinagbigyan kita?” ang sabi ni Nenita. Talaga bang pagbibigyan niya ako para lang tigilan ko siya? Kaya ko bang ipakipagsapalaran iyon kapalit ng hindi ko pagkita sa kanya? No, hindi pwede. Kailangang maging constant ako sa paningin niya at sa buong sistema nya. Alam ko rin ang feelings na binubuhay ko sa kanya sa bawat panunukso ko dahil doble ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinapunta ni Drix dito sa kanya, siguro ay inutusan ito ni Monique. Pero kahit ano pa yon, masaya ako na makita at makasama ang babaeng ito ngayon na mabuti na lang ay naabutan ko. Kung hindi ay hindi ko alam kung saan ko ito hahagilapin. Naghihitay siya ng sagot ko kaya tinawanan ko na lang siya. Wala kasi akong maisip na isasagot sa kanya. “Kun

