Monique It was so painful. How could he do that to me? Anong sabi niya, it’s not exactly what it appears on the video? Nakatapis lang ng kumot ang babaeng yon at sasabihin niyang walang nangyari sa kanila? Sinong tanga ang maniniwala ng ganun? Nets and I left Laguna yesterday when he said sorry. I know na hindi siya ang tipong marunong mag sorry kaya naniwala ako sa kanya. Kahit na ano pang kasalanan niya ay hindi nito kayang lunukin ang pride para magsabi ng sorry sa kahit na kanino. Kaya naman ng mag text siya sa akin non ay ramdam ko ang sincerity niya. Si Nets ay nagalit pa sa akin na masyado ko siyang minamadali dahil nga pinuntahan pa niya ako ng pagka aga aga tapos ay yayayain ko lang din siya pabalik. Hindi ko mapigilan ang lumuha ng husto habang nagmamaneho. Hindi ko matangga

