Monique “What?” Mom exclaimed. Gulat na gulat din siya at sigurado akong wala siyang kaalam alam din. Pag tingin ko kay Drix ay mukhang ganun din ito. So, paanong nangyaring hindi naman pala kami kasal? “What are you talking about, Melchora?” ang tanong naman ni Dad na punung puno din ng pagtataka. So, wala din siyang alam? “Dad, Mom, ano bang sinasabi nyo, hindi ba at kayo ang nagparegister ng kasal namin?” ang tanong ko na sa kanila. Hindi pa naman siguro sila nag-uulyanin di ba? “Wait, Melchora.” Ang sabi ni Drix kaya naman napatingin ako dito. “Are you telling me na hindi tayo tunay na mag-asawa?” ang tanong niya. “Bingi ka ba Drix o nagpapanggap na bingi?” “I am asking seriously, Melchora.” ang galit na sabi nito. “Yes, we are not married at all. Hindi na register ang kasal n

