Drix “Get the hell out of here if you cannot do your job well!” I shouted at nag-isa isa ng nagsialisan ang mga tauhan ko sa design department dahil na rin sa hindi ko nagustuhan ang kanilang mga gawa. Simula ng umalis sa bahay si Melchora at nalaman kong hindi pala nai-register ng sira ulo kong kaibigang si Melchor ang aming kasal ay hindi na naging maganda ang bawat araw ko. Tinignan kong muli ang mga drafts na nasa ibabaw ng rectangular table kung saan kami nagmi-meeting at sa inis ko ay kinuha ko ito at ibinato. “Sir,” ang sabi ni Nathan. “What??” ang singhal ko pa rin. Hindi niya muna dapat ako kausapin dahil sa init ng ulo ko pero siguro ay dahil sa ilang araw na rin niyang tinitimbang ang mood ko ay hindi na rin ito nakapagpigil. “Regarding po sa may hawak ng kaso ng serial kil

