Drix “Does it feel good?” Melchora asked after our deep and long kiss. Syempre, ngiting ngiti ako dahil unang una ay hindi ko inaasahan na dadating siya at pangalawa ang hahalikan niya ako. Lahat ng init ng ulo at galit ko ay parang yelong natunaw sa ilalim ng naglalagabyab na apoy. As in ganun kadaling nawala at napalitan ng walang pagsidlan na kaligayahan. “Yes, Melchora.” ang sabi ko. “Melchora?” ang tanong niya. Alam kong ayaw niyang tinatawag ng ganun dahil nababantutan siya. Sa totoo lang ay against na against ako non na isunod sa pangalan ni Melchor ito. Pero dahil wala naman akong magagawa noon ay wala talaga akong nagawa. “Kahit na gaano kabantot sa palagay mo ang pangalang Melchora ay iyon at iyon pa rin ang itatawag ko sayo kaya masanay ka na.” ang sabi ko na lang sa kanya,

