Third Person “Hello dear,” ang bati naman ng direktor sa kanya. “You see, I have a visitor and I think you know her.” “Visitor?” ang kinakabahan pa ring tanong ng aktres na umaasang hindi mahalata ng kausap. “What does your visitor have to do with me?” ang kunyari ay nagtataka niyang tanong, “May nakalimutan ba akong appointment with you? Wala namang sinabi sa akin ang PA ko.” “No, dear. Wala kang appointment sa akin. But your PA lost consciousness and I don’t know where to bring her.” “What? What happened? Why is she with you?” ang sunod sunod na tanong ng aktres habang nakatingin kay Drix. Ang lalaki naman ay sige ang hagod sa kanyang likod at sinisikap na pakalmahin siya. Alam ni Monique na pupunta ang kaibigan sa direktor at gusto niya sanang samahan ito ngunit minabuti niyang huwa

