Third Person "Tignan natin kung maturuan mo pa ng kalandian ang mahal kong si Monique." ang tila nababaliw na sabi ni Direk Tan. “Noooo!!!” ang sigaw ni Nets ng mabilis na lumapit ang direktor sa kanya at iumang ang kutsilyong hawak. Takot na takot na napapikit ang kanyang mga mata habang naiisip na hanggang doon na lamang ang kanyang buhay. Tanggap na niya ang mangyayari sa kanya pero hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala para sa kaibigang siyang target nito lalo na kung pinapunta pa ng direktor si Monique. Isang malakas na kalabog ang nagpamulat ng kanyang mga mata at nakita niyang may tinitignan si Direk Tan sinundan niya ng tingin at nakita niya ang pagpasok ng isang pulis na sinundan pa ng isa pa at isa hanggang sa makita niya si Mel. “Melchor!!!” ang sigaw niya kaya naman napa

