6 Months later… Monique Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nasa mansyon ako at naghahanda para sa pinaka importanteng araw din ng aking buhay. Mag aalas dose na ng tanghali at hindi ko pa rin nakikita si Drix. Noong isang gabi pa kami huling nagkita dahil ayaw ni Mommy na magkasama kami until our wedding day. At ngayon na nga iyon. Ganun pa man, pinilit pa rin ng nanay ko na mamaya na lang sa harap ng altar kami magkita. Hindi dahil sa kung ano pa mang pamahiin kung hindi dahil gusto lang niya na masigurong pasensyoso ang asawa ko. Kahit anong sabi ko na he already is ay ayaw maniwala ni Mom. Mas matanda daw sa akin ng kung ilang taon si Drix kaya demanding daw ito. Hindi niya alam ay sobrang tolerant sa akin ang asawa ko. Pero wala na rin akong nagawa dahil nag okay naman din
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


