Chapter 2

1215 Words
Nag stay pa ng matagal si Ryan bago ito tuluyang umalis at hindi naman sila iniwanan ni Mel kaya naman hindi din umalis si Drix kahit na nanggagalaiti na siya dahil sa nakikitang kasweet-an ng dalawa. Hindi naman mapakialaman ng kuya niya si Monique dahil wala namang masama sa pagkukwentuhan nila ng super saya. "Siguro naman ay aalis na kayo dahil wala na kayong babantayan." Sabi ni Monique sa seryosong mukha pagkalabas na pagkalabas ni Ryan ng kanyang silid. "Hindi kita binabantayan." Sabi naman ng kanyang kuya. "So ano pala ang tawag sa ginagawa mo?" "Masama bang dalawin ka?" Ang pangangatwiran pa nito. "Tsaka ano naman ang masama kung bantayan man kita eh kapatid kita. Natural ayaw kong mapahamak ka." "I'm 25 at kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman ako ang tipo ng tao na basta na lang mag papasok or mag-eentertain ng bisita na hindi ko kilala and Ryan is close to me." Sabi pa ni Monique. "Let's go and let your adult sister take care of herself already." Sabi ni Drix sa tonong nayayamot tapos ay tumayo na sa kanyang kinauupuan. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siyang malaman na malapit sa dalaga ang kasamahang artistang lalaki. "No." Sabi naman ni Mel. "You don't have anything to do today, right?" Tanong nito sa kaibigan. "You told me that you have all the time for yourself now." Sabi pa nito na waring naniniguro. "What about it?" Ang anong ng binata. "Then stay here and look after my sister. I still have my operation and it will take a little longer." Sagot nito na nakapagpalaki ng mata ng binata at ng dalaga. "No way!" Sabay pa nilang bigkas. "Nets is here!" Sabi pa nila ulit na nagpa-irita sa kanila pareho. Kung bakit nagkakasabay at pareho pa sila ng sinasabi. "Let her rest. She had been here all along." Sabi ni Mel tapos ay tumingin kay Monique. "You're not really sick and you dragged her here. Be considerate to her." Sabi pa niya. "Nenita, umuwi ka na at magpahinga." Dagdag pa nito bago tuluyang umalis. Habang hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na sinabi iyon ng kanyang kuya. Tumingin siya sa binata ng makahuma at sinabi, "You don't have to follow him. You can leave now and do your thing." Tumaas ang kilay ni Drix dahil pakiramdam niya ay pinagtatabuyan na siya ng dalaga. Dahil dito ay nag decide siya na bumalik sa couch at prenteng naupo habang nakasunod sa kanya ng tingin si Monique. Si Nets naman ay nakatingin lang din sa kanilang dalawa at hindi malaman ang gagawin kung susundin niya si Mel o mananatili sa tabi ng kaibigan dahil alam niyang mahihirapan ang damdamin nito kapag naiwan silang dalawa ng lalaking minamahal. "You can go home, Nets. Baka magalit pa sa akin si Mel kapag nalaman niya na hindi ka umuwi para magpahinga. Ako na ang bahala sa bestfriend mo." Ang sabi dito ni Drix. Tumingin naman ang dalaga sa kaibigan para alamin kung OK lang ba ito. "Pakisuyo nalang ng discharge paper ko." Sabi ni Monique sa kanya na agad naman nitong tinanguan. "Bakit, ayaw mo akong makasama? Huwag mong sabihing may pagtingin ka pa rin sa akin kahit na kung sinu sinong lalaki na ang nalilink sayo." Sabi ni Drix na tila inaasar an dalaga. Kaya nga lang ay walang balak sagutin ito ni Monique. "Go Nets." Sabi pa ng dalaga dahil balak pang sagutin ng kaibigan ang binata. Ayaw na niyang humaba ang usapan nila kaya hindi siya sumasagot sa tuwing nagsasalita ito. Pakiramdam din niya ay hindi niya obligasyon na magpaliwanag dito tungkol sa mga balitang nakakasira din sa kanya. "OK," ang tugon ni Nets bago tuluyang lumakad papunta sa pintuan ngunit pinigilan ito ng binata. "I already said na pwede ka ng umuwi at magpahinga. Ako na ang bahala sa discharge papers niya at ako na din ang maghahatid sa kanya pauwi." Sabi naman ni Drix. “Kaya lang ay hindi siya pwedeng makita na may kasamang iba since health condition and reason ng leave niya from work.” sabi naman ni Nets. Sinusubukan niya pa rin na matulungan ang kaibigan dahil alam niya ang damdamin nito para sa binata. “Matagal na siyang nakikita na may kasamang iba’t ibang lalaki, ano naman kung madagdag ako doon?” ang tanong naman ni Drix sa tonong nangungundena. “Hindi iyon kagaya ng ini—-” sabi ni Nets para magpaliwanag ngunit pinigilan na siya ni Monique. “Pabayaan mo na, Nets. You can go, I can take care of myself. Since si Mr. Lorenzo na rin naman ang nag-offer eh di hayaan natin siya. Baka isipin pa niya na ginagastusan niya ang ospital na pinagtatrabahuhan ni kuya Mel eh ginagawa ko pang hotel tapos hindi pa natin siya pagbibigyan.” sabi naman ni Monique sa mukhang seryoso. Nainis naman si Drix dahil pakiramdam niya ay pinagmumukha siyang masama ng dalaga. Hindi pa rin malaman ni Nets kung susundin ba sila pareho dahil kanina kanina lamang ay magkausap silang magkaibigan tungkol sa lalaki tapos ay maiiwan pa silang dalawa. “It’s really fine. You can go.” sabi pa ni Monique ng nakangiti. Naisip rin niya na kailangan din naman ng kaibigan ang pahinga dahil nga lagi na itong nasa tabi niya kahit saan pa siya magpunta. Sobra sobra na ang pagtatrabaho niya bilang PA nito kaya naman ayaw na niyang pahirapan pa ito sa kung sino ang susundin sa kanilang dalawa ng lalaki. “Ikaw ang bahala. Kung madidischarge ka ngayon ay pupuntahan na lamang kita sa condo mo.” ang nasabi na lang ni Nets at hinayaan na nga silang dalawa. Alam naman niya na bukod sa masasakit na salita kagaya ng kanina ay hindi naman sasaktan ng binata ang kaibigan since kapatid nga siya ng bestfriend nito na si Mel. “You can take care of my discharge now and I am going to pack my things.” sabi ni Monique kay Drix ng tuluyan ng umalis si Nets. Hindi naman tuminag ang binata na ikinataka naman ng dalaga. Hindi niya maisip kung ano ang gustong mangyari nito gayong ito ang nagprisinta ng lahat. Tapos ay nakita niyang dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon ang binata na cellphone pala tapos ay may tinawagan. Narining niyang may inutusan ito para magprocess ng discharge niya. Napaikot ang mga mata ni Monique ng makita ang ginawa ng binata dahil nairita siya dito. Pero hindi na lamang niya ito pinansin at nagsimulang bumangon sa kanyang hospital bed at kumuha ng damit na pamalit bago nagpunta sa CR para magbihis. Medyo natagalan siya dahil na rin sa swero na nakakabit sa kanya. Wala naman talaga siyang nararamdaman na kahit na anong sakit sa katawan, ngunit ng macheck-up siya ay napag-alamang anemic na pala siya na lubhang nakapagpa bahala sa kanyang kuya Mel kaya sinabihan siya na mag stay sa ospital para mamonitor siya. Alam niyang medyo OA pero ganun talaga ang kuya niya. Sobrang mahal na mahal siya nito at naging sobrang protective ito sa kanya lalo na pagkatapos ng kanyang 18th birthday. Ang okasyong gusto na niyang ibaon sa limot pero paulit ulit pa ring sumasagi sa isipan niya. Tapos heto ang lalaking naging dahilan ng hindi magandang okasyon na iyon at prente ang pagkakaupo habang hinihintay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD