Pagdating, inayos ni Sabrina ang sarili at huminga ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng dalawang bata na may malapad na ngiti sa mga labi. "Yeah! Mommy is here," masayang sabi ni Flamez habang mahigpit na niyakap si Sabrina saka hinawakan ang kamay at inilagay sa kanyang noo. "Mano po, Mommy," aniya bago siniil ng halik ang bawat pisngi. Kasunod nito ay ang kanyang kambal na kapatid na babae, si Feya. "Mommy, nasaan si Auntie Irish?" tanong ni Feya nang hindi siya makita. Agad namang nagpalitan ng tingin sina Sabrina at Aless. "It's better if you both stay here for now para makapagpahinga si Mommy, okay, little angels?" sabi ni Aless na mabilis na inilihis ang atensyon ng dalawang bata. Nagpalitan ng tingin sina Flamez at Feya at umupo sa tabi ni Sabrina na malungkot.

