"Brina, ikaw na ang papalit sa posisyon ni Irish bilang Dos," nagpanting ang tenga ni Sabrina nang marinig ito mula sa kanilang lider na si Shadow B. "Bakit hindi niya kayang ipakita ang kanyang mukha sa amin? Sa tuwing kaharap namin siya, laging nakasuot ng maskara," bulong ni Sabrina sa sarili habang minamasdan si Shadow B na nagsasalita sa harapan nila. "Boss, bakit siya? Bakit si Sabrina ang bagong DOS? Wala pa siyang nagawa para patunayan na deserving siya sa posisyon na iyon," tanong ni Tres. "I understand your concerns, Tres, but my decision is final: Sabrina will take over as DOS in place of Irish. Brina, I appointed you to that position. Sana ay magampanan mo ng maayos ang iyong misyon, ang misyon na patayin si Hunter Kiers, at ang misyon ninyong lahat. Once we get rid of the K

