Rebound Girl For Hire Chapter 22 "WERK. WERK. Werk na naman bukas. Ang bilis ng oras. Kaimbyerna." Flor said, halfway to be annoyed. Nag-i-stretching ito paharap sa batis. Parang nanawagan ng relaxation. Blue shade ang tubig na umaagos sa naturang batis at darker blue sa sentro. Ayon sa kuwento ni Emiko kay Natasza ay karugtong daw iyon ng parang replika ng enchanted river ilang kilometro ang layo sa hacienda. Sobrang peaceful ng buong lugar. Kalmado ang lahat maliban sa nag-iindakang sa ire na mga dahon sa mga punong naroon. Nagkikislapan din ang mga bunga ng rambutan at lansones. Nature-filled at talagang swak sa panlasa ng mga nature lover. Binabalak nang i-improvise ni Claudius Ricaforte ang buong hacienda para mabuksan sa publiko at in-offer kay Natasza na balang-araw ay siya an

