Rebound Girl For Hire Chapter 21 "HEY, DORK!" Lumipad ang paningin ni Kleaus sa bandang pinto ng silid na kanyang kinaroroonan. Sinamaan niya ng tingin ang pinsang si Wilde na walang tinapong abiso bago pumasok doon. Tulad ng nahagip niyang mga panauhin na dumalo sa idinaraos na party ng mga anak niya ay ganap ding nakasuot ng cowboy outfit si Wilde, tugma sa theme ng party. May bumugang inggit sa anyo ni Kleaus. Mabuti pa ang mga pinsan niya, invited. Samantalang ang ama ng celebrants, ayon, mukhang ewan na nanonood mula sa bintana ng kuwarto at bastante nang nasasaksihan niya ang isang mahalagang ganap sa buhay ng kanyang pinakamamahal na mga anak. "Let me check your wound, dude. I've heard wala pang matinong linis iyan baka maging cause of death pa iyan ng pinakagagong miyembro ng

