bc

Love Island series #1: Innocent Isla ( Tagalog - SPG )

book_age18+
3.3K
FOLLOW
19.4K
READ
billionaire
possessive
twisted
sweet
bxg
small town
poor to rich
virgin
love at the first sight
waitress
like
intro-logo
Blurb

LOVE ISLAND - Is located from southern part of luzon according to my story. With the best beach in the whole philippines managed by Miller San Diego, which he calls Love Island where unfortunate people can fall in love again.

Pangarap lang naman ni Isla Enaje ang makapunta sa Manila, makapagtrabaho roon at makapag-asawa ng mayaman para maiahon niya ang kanyang pamilya sa hirap.

Namasukan si Isla sa Love Island bilang isang waiter upang makapagbigay sa Nanay niya ng panggastos, matagal ng patay ang kanyang Tatay dahil sa pangingisda nito na naabutan sa karagatan ng malakas na alon na siyang pagkasawi ng kanyang Tatay, kaya heto siya at gagawin lahat para sa Nanay at sa maga kapatid niya.

Makikilala ni Isla si Mister Ryde Buenaventura, isang tahimik na lalaki sa mga kaibigan ng may-ari ng pinapasukan niyang beach resort. Dahil sa kanyang pagka-usisa, nagkaroon siya ng interest sa lalaki at ang misyon niya ay paibigan ito sa kanya.

Mahuhulog kaya si Ryde sa inosenteng mukha ni Isla? O, si Isla ang mahuhulog sa katahimikang taglay ni Ryde. Baka naman, parehas silang mahulog sa isa't-isa. This is Love Island series #1: Innocent Isla.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Chloe? Ayos na ba itong suot ko, ga?" Pagtatanong ko sa kaibigan ko at umikot ako upang makita niya ang buong ayos ko na suot ang uniform namin sa Love Island Beach Resort. Nag-iisip na nakatingin siya sa ayos ko. "May kulang, iyong mukha mo Isla, napaka-plain 'day! Kailangan may kolorete ka sa mukha, gaga! Paano kung may gwapong turista na dumating sa resort, edi kawawa ka 'di ka mapapansin." Hinila niya ang buhok kong nakalugay. "E, 'ga, alam mo namang hindi ako marunong mag-make-up at nangangati ang mukha ko." Napakamot ako sa aking buhok at inayos din agad ito. "Teka nga lang, tatawagin ko si Penelope iyong make-up ng isang iyon organic p'wede sayo iyon! D'yan ka lang!" Utos niya sa akin kaya umupo na lang muna ako rito sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Sa amin na apat na magkakaibigan, first day ko ngayon sa trabaho bilang waiter, pinasok lang ako ni Chloe dahil inaakit daw niya iyong boss namin pero 'di ako naniniwala roon, malandi lang talaga si Chloe pero mabait, matalino at matapang iyon. Nakita ko si Zoe na naglalakad palapit sa akin, nakasuot din siya ng uniform na suot ko. Kulay pula at puti ang kulay ng uniform namin na siyang nagpaitim lalo sa kulay ko. Maikli ang skirt namin at may slit ito sa likod, pakiramdam ko konting tuwad ko lang makikita na ang suot kong short sa ilalim ng skirt ko. "Hi, Isla! Masaya kami na mag-uumpisa ka na rin sa resort!" Masayang bati niya sa akin habang nagtataas-baba ang kanyang kilay. "Nasa'n iyong dalawa? Baka mahuli na tayo sa resort. Hindi naman p'wedeng ma-late ka sa unang araw mo." Palingon-lingon siya sa kanyang gilid mukhang hinahanap ang anino nina Chloe at Penelope. "Pumunta si Chloe kay Penelope, ga, hihiramin ni Chloe ang make-up ni Penelope, organic daw kasi iyon, 'ga. Me-make-up-an ako ni Chloe." Saad ko sa kanya. Pinaharap niya ang aking mukha sa kanya at saka umiling. "Oo nga naman, Isla. Aba'y e, paano kung may gwapong turista, edi wala kang nasungkit. Ang ibang nagtatrabaho roon sa resort grabe ang mga make-up kaya kailangan din natin makipagsabayan lalo na't waitress tayo. Always tayong nakikita ng mga turistang pumapasok doon." Tumango ako sa kanyang sinabi. Gusto ko rin may makilalang gwapo, mabait at mayaman na lalaki para maiahon ko sila Nanay sa hirap at maalis ko sila rito sa Love Island. "Ayan na pala sila," turo ni Zoe sa dalawang palapit sa amin. "Aba, Chloe dalian di ne, baka ma-late si Isla sa unang araw niya sa resort." "Sandali! Heto na nariyan na kami!" Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa hanggang makalapit sila sa amin. "Heto naman kasing isang ito hindi marunong mag-make-up, paano siya lalandi niyan." Sermon niya sa akin. Binuksan niya ang maliit na bag na kulay pink. Tinitignan ko lang ang ginagawa ni Chloe, kumuha siya ng brush at may binuksan siyang parihabang lalagyan na itim at nakita ko roon ang iba't-ibang kulay, tinap niya roon ang brush sa kulay na blue na may glitters at saka nilagay sa aking tulikap. Inaantok na ako sa kanyang ginagawa, iniisip ko baka ma-late talaga ako sa unang araw ko. "Ibuka mo ang bibig mo, Isla, para malagyan kita ng liptint, ang putla ng labing mo 'day! Dapat ang labi natin ay kaakit-akit para mukhang masarap halikan!" Sinunod ang sinabi ni Chloe baka kasi sermonan na naman ako katulad kanina, ginuhitan niya kanina ang taas ng mata ko tapos nangati ako roon tapos kumalat iyong nilagay niya sa akin, nabatukan tuloy niya ako. "Oh pak! Ang ganda na ng Isla natin." Tinaas pa niya ang aking mukha gamit ang kanang kamay niya at tinitigan akong mabuti. "Tara na, girls! Baka ma-late pa tayo, mabungangaan na naman tayo ni Manager." Yaya sa amin ni Zoe kaya kinuha ko na ang bag ko, nandoon kasi ang baon kong kanin para mamayang lunch namin. "Iyong si Manager naman kulang yata sa kabibe kung pumutak nang pumutak daig pa may-ari ng resort." Napangiwi ako sa sinabi ni Penelope na may hawak na brush at pinapaikot-ikot sa buong mukha niya. Nang makarating sa resort, ang daming mga babaeng naka-bikini, two piece and swimsuit. Nailang ako ng makita ang iilang lalaki na naka-brief lang. Ganito ba talaga rito? Kaya ba ganito ang mga kaibigan ko? Hinila ako ni Zoe ng hindi ako gumalaw dahil na-istatwa na ako sa mga nakita ko. "Tara na, Isla? Ma-la-late na tayo, mamaya ka na magtingin-tingin d'yan!" Nagpahila na lamang ako sa kanya hanggang makarating kami sa locker room ng mga empleyado. "Save by the bell, btches!" Matinis na sabi ni Penelope sa amin habang winagayway niya ang hawak niyang brush sa amin. "Tahimik, Penelope, si Manager nandyan." Siniko si Zoe ang kaibigan namin at tumingin sa may pinto ng bumukas ito. Niluwal nu'n ang isang lalaking semi-kalbo, naka-formal attire at masungit na lumakad papalapit sa amin. Hindi naman ako late sa first day ko, diba? "Who is Isla Enaje?" Basa nito sa kanyang hawak. Nagtaas ako ng kamay, nahihiya pa nga ako baka kasi pagalitan niya ako. "Ako po, Manager!" Naalala ko ang sabi ni Zoe kanina habang papunta kami rito, tawagin ko rang Manager ang Manager namin dahil iyon ang gusto niya. "Follow me, Sir Miller calls you to me." Masungit na sabi niya sa akin. Nakakatakot si Manager. "Manager, ako? Hindi ba ako tinatawag ni Miller?" Napalingon kami kay Chloe dahil sa sinabi niya. Ito talagang kaibigan namin. Imbis na sumagot si Manager, sinungitan niya lang si Chloe at lumabas na kami sa locker. "Sumunod ka lang sa akin, lahat ng sasabihin ni Sir Miller tumango ka lang. Naiintindihan mo!" Sunod-sunod ang naging tango ko dahil sa sinabi niya. Nakakatakot siya. Sumakay kami ng elevator at may pinindot roon ang 7th floor, ang dulong floor ng hotel. Bumukas ang elevator at tanging anim na pinto lang mayro'n sa floor na iyon, nabilang ko ang mga pinto dahil sa dulo ang office ni Sir Miller. "Hihintayin kita rito, Isla. Basta ang sinasabi ko sa'yo tumango ka lang." Ulit niyang sabi sa akin kaya tumango ulit ako sa kanya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago may magsalita galing sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nadatnan ko si Sir Miller na nakaupo sa itim na silya niya. "G-good morning po, Sir Miller. Pinapatawag niyo raw po ako." Nakayukong sabi ko kay Sir Miller. Hindi ako makatingin sa kanya, nakakatakot kasi ang itsura ng paninitig niya. Ito ba ang gusto ni Chloe? "Are you ready to be a waitress at my resort?" Seryoso ang kanyang boses na siyang kinatakutan ko. "Y-yes po, Sir Miller." Nautal pa ako. Palihim kong kinurot ang aking sarili baka sabihin ni Sir Miller kinakabahan ako. "Are you sure? If you are sure, you can go to Pure Hearts Cafe so you can start your work." Palihim akong sumilip sa kanya, nakita kong todo titig siya sa kanyang laptop. "Sige po, Sir Miller. Maraming salamat po." Paatras na umalis ako sa kanyang harapan at palabas sa kanyang office s***h room niya rito. Hay, keri mo ito, Isla. Napag-aralan mo naman ito nu'ng college 'di nga lang tayo tapos bilang Hotel and Restaurants Management. Pero, keriboom natin ito para sa pamilya natin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook